Chapter 2: Tell Me the Truth

162 9 1
                                    

Shine's POV

"You can go home later. Aayusin na lang yung mga gamot mo. "

"Thanks doc " -mom

At nung makalabas na yung doctor ay tinanong ko na agad si mom

"Mom, "

"Sweetie, I know gusto mo nang malaman. Pero mas madadalian kang makaalala sa bahay. I assure you"

"But mom, kahit konti lang? "

"Okay, okay. So after ng breakup niyo, nagkaron ka ng suitors. Tapos may sinagot ka sa kanila. Is that fine now? "

Ang gulo naman nun. Kung may sinagot ako sa kanila, it means may boyfriend na ako. Pero bakit ni hindi man lang niya ako dinalaw?

"Okay mom. Sa bahay na lang po"

-bahay

Pag uwe ko ay agad ding unalis si mom dahil may aasikasuhin pa sya sa work.

Naiwan ako mag isa sa bahay dahil wala din sila dad at Sab.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagtaka ako sa itsura ng kwarto ko.

Puro roses ang laman ng vases, tapos may mga teddy bears and iba't ibang stuff toy. Paglait ko sa table na katabi ng study table ko, puro pictures.

Family picture, friendship picture at....

Picture namin ni Elijah?

Picture namin ni Elijah kung saan naka formal red dress ako at sya naman ay formal suit. Nakayakap siya sa likod ko habang magkaholding hands ang kamay namin. Nakapatong din ang ulo niya sa balikat ko.

Nagtataka naman ako kung bakit may ganito kaming picture ni Elijah.

Tinry kong maghanap pa ng mga picture para sana malinawan ako.

And after 1 2 3 4 5 years ay makita na din akong isang scrapbook and it's entitled:

Sunshine Nicole & Elijah

Nov. 16, 2011

Puro pictures namin ni Elijah na magkasama kami sa iba't ibang lugar.

Ang kadalasang caption ng picture ay:

Anniversary

Surprise

Birthday

Monthsarry

Christmas at New Year.

At sa last page ay :

Engagement party....

Huh? Engaged na kami ni Elijah?

Pinipilit kong maka alala pero wala pa rin akong maalala...

Natulog na lang muna ako dahil pagod din ako.

*knock*knock*

"Sweetie, dinner na" -mom

Ayoko munang lumabas. Wala akong gana.

"Sweetie, "

"Ate! Dinner na tayo. Nag aantay din si dad. "

Pero wala talaga akong gana. Tinatamad pa akong lumabas ng kwarto.

"Sweetie, Yumi's here. She's waiting for you. May importante daw syang sasabihin"

Wala naman silang magagawa kung ayaw ko lumabas. Unless sila ang papasok.

Hindi pa din ako lumabas kahit nandyan si Yumi.

Humiga na lang ako at nag isip isip....

"Shine, " -Yumi

Tss. Pano naman nakapasok si Yumi dito?

"Shine, let's talk"

Talk your face Yumi. Naiinis ako kay Yumi dahil ni hindi man lang niya sinabi sakin lahat ng nalalaman nila.

"Look Shine, I'm sorry. Sinunod ko lang ang utos ni tita Irene. "

"I'm not asking for your explanation Yumi" cold kong sabi sa kanya.

Napansin kong napatingin sya sa scrapbook na nasa bedside table ko. Yung scrapbook na memories namin ni Elijah. Ewan ko bat may ganon kami.

Lumapit naman si Yumi dito at ibinalandra sakin.

"Ito Shine. Itong mga memories, baka makatulong sayo. "

Tch. Aanhin ko yan? Eh ni hindi ko nga alam bakit may ganyan kami ni Elijah.

"Shine, kausapin mo naman ako oh. Lagot ako kay kuya neto pag nalaman niyang nagkakaganyan ka eh. "

"I'll talk to you Yumi, in one condition "

"A.. ano yun? "

"Tell me the truth. Lahat lahat. "

Mariin kong sabi sa kanya.

"P.. pero Shine.. "

"It's fine. If you can't tell me then you may leave. "

-silence

Hindi pa din umaalis dito si Yumi. Mukang nag iisip pa.

"Okay. I'll tell you what I know "

Hindi na ako sumagot at hinintay ang mga sasabihin niya.

"Yung sinasabi sayong boyfriend mo ni tita is kuya. "

So Elijah is my boyfriend? But how? Ni hindi niya nga ako dinalaw sa hospital!

"After ng break up niyo ni Dave, naging close kayo ni kuya. Hanggang sa niligawan ka ni kuya, nagpropose siya sayo to be his girlfriend and you said yes. And years pass by, mas naging matatag kayo ni kuya. Mas naging sweet at masaya hanggang sa nag propose siya sayo to be his wife.... "

Tinaasan ko sya ng kilay sign na hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"And you said yes. Maayos na lahat para sa kasal niyo. Actually sa Nov. 16 next year sya gaganapin. "

Pero napansin kong may sasabihin pa sya...

"And? "

"And nag ka LQ kayo for 1 week. Then I don't know what exactly happened. Kuya said you saw him with a girl, they're kissing. And you run away. Then na aksidente ka"

Pero wala pa rin akong maalala.

Bakit ganon? Nung may inamin si Dave sakin ay may naalala agad ako.

Bakit sa mga sinasabi ni Yumi ay wala akong maalala? Kahit konti ay wala akong maalala?

"Please leave me, Yumi. "

"Pero Shine, "

"Please! "

Umalis na si Yumi.

Paulit ulit kong tinitignan ang mga pictures namin Elijah. Nag babakasali ako na makaalala ako.

"Sweetie? " -mom

Tinignan ko lang sya at hinintay ang susunod nyang sasabihin.

"I guess alam mo na. Please wag mo naman idamay sila Yumi sa galit mo. And the reason why hindi nagpapakita si Elijah ay hindi din namin alam. Kahit ng family niya. Pina cancel na namin yung kasal niyo dahil we are expecting na hindi ka agad makakaalala eh"

"Okay. I'll sleep na po" sabi ko at nahiga at ipinikit ko na ang mga mata ko para tigilan na ako ni mom.


------------------------------------------------------

Please vote and comment. Thanks

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now