Chapter 42: Tayong Dalawa

112 7 0
                                    

Shine's POV

1 month na bukas si baby Elaine.

Pinapatulog ko ngayon si baby, mahirap kasi siyang patulugin. 1am na ng umaga pero gising pa din siya. 1 month na kaming ganito sa madaling araw.

"Baby, sleep na tayo please? Bad for you ang mapuyat... " at hinele hele ko siya.

*knock*knock*

"Ate, gising pa? "

Tinanguan ko lang si Sab. Si Sab or di kaya si mom ang kapalitan ko sa pagbabantay kay Elaine. Nagtatrabaho din kasi ako sa umaga pero home base lang at nakakapagod pa din. Tapos inaasikaso ko pa si Angelico begore and after class niya.

"Magpahinga ka na ate. Ako na muna kay Elaine "

"Its fine Sab. Matulog ka na. May pasok ka pa bukas. "

"But ate, nakatulog naman ako kanina. Ikaw wala ka pang tulog. Kanina ka pa kilos ng kilos"

"Its okay... nasa bahay lang naman ako"

"Ate naman, alam mo naman na sakitin ka din. Wag mo naman pagurin sarili mo... "

"Im fine Sab. Nakapag pahinga din naman ako.. "

"Sabi ko din naman kasi sayo ate, sana di na lang kayo naghiwalay ni Elijah. Tignan mo ikaw ang nahihirapan"

Paulit ulit na lang kami ni Sab. Paulit ulit na lang din niya sinasabe na papuntahin si Elijah dito para salitan kami sa pag aalaga. Pero paulit ulit ko pa din siyang tinatanggihan...

"Alam mo ate, sana maging kayo ulit ni Elijah. "

"Sab tigilan mo na nga ako. At tska baka mamaya may iba na siya tapos unaasa ka lang. "

Bumuntong hininga lang sya at sinamahan ako dito.

Pinadede ko na si Elaine para matulog na siya. Pero ayaw pa din niya matulog.

"Ate, ako na. Matulog ka na muna. "

At dahil hindi na talaga kaya ng mata ko ay binigay ko na si Elaine at natulog.

-kinabukasan

9am na ako nagising. Late na ako nagising. Dapat 7am ay prepared na si Angelico dahil may pasok siya ngayon kaya agad akong bumaba...

Pagbaba ko ay wala na si Angelico. Nandito si Sab at Elijah, bitbit ni Elijah si Elaine.

"Good morning ate! Angelico is at school na. Don't worry. So mag ayos ka na muna before you eat"

At umakyat na nga ako.

Pagpasok ko ay napaisip naman ako, anong ginagawa ni Elijah dito? Bukas pa ang schedule niya kay Angelico ah?

Naligo na ako at nagbihis. Nagsuot lang ako ng pants at blouse tapos dollshoes. Actually, ito yung binili ni Elijah sakin dati sa mall. Nagpolbo ako ng mukha at naglagay ng light make up.

Pagbaba ko ay nakita ko si Elijah na hinehele ang tulog na si Elaine.

"Sab bakit nandito si Elijah? "

"Ah, day off niya kaya ngayon. So pinapunta ko siya. You know, "

At sinamangutan ko siya.

"Kumain ka na dyan. Ah kuya Elijah, kumain ka na muna. "

Tapos kinuha niya si baby Elaine.

Kumuha na ako ng pancake. Kaso malayo yung chocolate syrup at yung strawberry syrup ang malapit sakin. Di ko naman gusto ang strawberry sa pancake kaya kumain na lang ako. Nakakahiya naman kasing ipaabot yung syrup kay Elijah.

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now