Chapter 24: Almost

101 10 1
                                    

Shine's POV

Malapit na namin makapiling si baby Angelico. 

Maaga na umuuwe si Elijah from his work para daw mas maalagaan niya ako. Sa umaga naman ay nandito sila mom, dad, mama Judy at papa Lucas para bantayan ako.

Nagprepare na din kami ng baby shower. Dito lang sa bahay ang gusto ni Elijah para daw hindi ako mahirapan sa byahe byahe at para sa safetyness ni baby Angelico.

Kahit na may asawa na kaming magkakaibigan ay hindi pa din naalis ang hang outs namin. Si Yumi at Sab na lang ang hindi pa kinakasal although may mga boyfriend sila.

Kahapon ay nag ayos na kami ni Elijah ng mga gamit ni baby Angelico. Inayos na namin ang kwarto niya pati na ang crib niya sa kwarto naming mag asawa.

Kagabi naman ay dumalaw sila Yumi at may dalang mga gamit para kay baby kaya dumami ito.

Sa isang araw na sana namin gustong gawin ang baby shower dahil yon ang araw na nalaman naming buntis ako.

Busy ang mga katulong namin sa paghahanda. Sinimulan na nila ang paglilinis ng garden dahil doon gaganapin ang party. Wala pa din sila mom and dad, or kahit sila mama Judy at papa Lucas. First time nilang abutin ng hapon na hindi pa nakakarating dito.

Maagang umalis si Elijah dahil madame daw syang meetings na kailangan matapos para makapag leave bukas hanggang sa isang araw.

Nasa sala ako ngayon nakatambay dahil naiinip ako sa taas. Nagbasa na lang ako ng children's book para mawala naman kahit papano yung inip ko.

...........

*knock*knock*

Agad akong lumapit para buksan ang pinto dahil baka sila mom na yan.

O_O. Ganyan ang reaksyon ko pagbukas ko ng pinto dahil sa si Crystal at si Jade ang kumatok.

Isasara ko na sana yung pinto nang bigla akong tutukan ni Crystal ng baril kaya naestatwa ako.

Oh Lord, please wag niyo po hahayaang mapahamak ang anak namin.

"Hello my dear Sunshine" malademonyong bati ni Crystal habang unti unting lumalapit sakin.

"Please... iii... ibaba mo yung baril mo Crystal... please" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Huh! Magmakaawa ka muna"

"Nagmamaka awa ako sayo Crystal. Ibaba mo ang baril.... "

"Hindi ganyan ang pagmamaka awa Sunshine. Gusto mo bang turuan pa kita? "

"Lumuhod ka at magmakaawa! " sigaw niya sakin kaya sumunod ako dahil natatakot ako sa pwede niyang gawin.

"Pi... please.. ibaba mo ang baril... wag mo idamay ang anak ko... "

"Huh! Akala mo mapapakiusapan mo ang isang tulad ko? Never! " tapos sinampal niya ako ng malakas kaya natumba ako ng bahagya.

Baby, I'm sorry... kumapit ka lang ng mabuti... ayokong lumaban sa kanya dahil baka mas ikapahamak mo pa...

Baby, wag kang bibitaw. Kumapit ka lang... okay lang na mamatay si mommy basta mabuhay ka....

Sinipa naman ako ni Crystal kaya natumba na ako ng tuluyan.

"Yan ang bagay sayo. Dahil sayo hindi ako kayang mahalin ni Dave! " sabi niya habang sinasampal, sinisipa at sinasabunutan ako.

"Dahil sayo, nawalan ng trabaho ang tatay ko kaya nagpakamatay sya! "

"Dahil sayo naaksidente ang nanay ko dahil sa nangyare sa tatay ko"

"Tama na Crystal... nasasak... tan ako... "

"Anong tama na? Bagay lang yan sayo! At eto! At eto pa! " patuloy lang sya sa pananakit sakin.

Baby, please wag kang bibitaw. Kailangan ka pa ng daddy mo... kumapit ka lang baby...

Maya maya ay narinig ko ang pagkasa niya ng baril niya at tinutok iyon sa akin.

Lord, kayo na po ang bahala sa amin. Iligtas niyo po si Angelico, kahit si Angelico na lang po Lord, kahit wag na ako.

"Goodbye my dear Sunshine" sarcastic na sabi ni Crystal.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng putok ng baril and it all went black....

Elijah's POV

Kakatapos lang ng last meeting ko para sa araw na ito.

Kailangan ko na lang tapusin basahin at i approve ang mga papeles sa mesa ko.

Tumawag sakin ang secretary ko..

"Sir, nasa linya po si mr Tuazon gusto daw po kayo makausap"

"Okay. Salamat"

"Hello? Elijah, kasama mo ba si Shine? "

"Hindi. Bakit? "

"Puntahan mo na sya ngayon din. Pinuntahan siya nila Crystal at Jade. May binabalak silang gawin kay Shine "

Shit! Agad akong lumabas ng opisina at sumakay sa kotse.

Sinabihan ko yung secretary ko na sabihin ang nalaman ko kila mama Irene para makapunta agad sila. Tumawag na din ako ng pulis para may makatulong samin.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko na kadarating lang ni Dave. Agad akong bumaba at pumasok sa bahay.

Napansin kong walang malay ang guard pati na ang mga kasambahay namin.

"Tama na Crystal... nasasak... tan ako... "

Boses yon ni Shine ah?

"Anong tama na? Bagay lang yan sayo! At eto! At eto pa! "  dinig naming sigaw ni Crystal.

Maya maya ay narinig namin ang pagkasa ng baril kaya tumakbo na kami papunta sa loob.

Naabutan namin si Crystla na nakatutok ang baril kay Shine habang nanghihina si Shine.

"Goodbye my dear Sunshine" sarcastic na sabi ni Crystal.

Agad akong tumakbo kay Crystal at inilayo ang baril pero pumutok iyon at natamaan sa gawi ni Shine kaya agad kong nilingon si Shine.

Napansin kong nawalan ng malay si Shine at nilabasan siya ng dugo kaya tinulak ko si Crystal at nilapitan si Shine.

"Shine, gumising ka. Wag kang bibitaw please. Dadalhin kita sa ospital. Wag kayong bibitaw ni baby. Please, Shine wag niyo akong iwan"

Sabi ko kay Shine habang binubuhat sya palabas ng bahay at dinala ko sya sa ospital.

Pagdating sa ospital ay agad naman kaming inassist ng mga nurse.

"Ano pong nangyare sa pasyente?" Tanong ng doctor

"Hindi ko po alam ang buong nangyare sa asawa ko... ang naabutan ko lang po is natamaan po siya ng bala ng baril... "

"Medyo maselan ang kundisyon ng pasyente lalo na at buntis ito."

"Doc, gawin niyo po ang lahat.. iligtas niyo po ang mag ina ko.. "

"Gagawin namin ang aming makakaya" at umalis na ang doctor.

Nasa emergency room si Shine.

Diyos ko, iligtas niyo po ang mag ina ko.


--------------------------

Hala! Natamaan ng baril si Shine at baby Angelico.

Mabubuhay pa ba sila? O isa sa kanila ang maliligtas?

Pano na si Shine? O pano na si baby Angelico?

Pano na si Elijah?

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now