Chapter 22: Marriage

113 10 0
                                    

Shine's POV

"I know marami na akong kasalanan sayo. Madameng beses ka nang napahamak dahil sakin."

"But I can't  afford to lose you. "

"Lalo na ngayon... Shine, "

Tapos lumuhod sya at naglabas ng singsing...

"Will you marry me? Again? "

Unti unti nanggigilid ang luha ko dahil sa mga ginagawa ni Elijah.

Will I marry him again?

Tumango na lang ako bilang sagot kay Elijah....

Dahil sa saya ay agad niyang sinuot sakin ang singsing tapos niyakap ako.

(Fast forward)

1 week after ay dumating ang araw ng kasal namin...

Nasunos lahat ng plano namin for our wedding.

Sa mga nakaraang araw ay araw araw nasa bahay si Elijah.

Nakidagdag pa siya kila mom na laging kausap si baby. Bago naman ako matulo ay binabasahan niya ng story si baby. Minsan naman ay kinakantahan niya ito.

Lagi niyang sinasabihan si baby na huwag daw ako pahihirapan kapag lalabas na sya.

Kagabi naman ay nagulat ako sa sinabi niya sa baby namin. Baby boy ang tinawag niya dito. Natawa naman ako sa sinabi niya, 4 months na kasi si baby eh sa ika 7 months ni baby pa lang malalaman ang gender ng baby.

"Maam nandito na po tayo" sabi ng driver namin..

Bumaba na ako ng sasakyan. Nagpicture muna ang photographer sakin.

Medyo may baby bump na ako ng konti dahil 4 months na si baby.

Nagsimula na maglakad ang mga abay.

Hanggang sa ako na ang papasok. Hinihintay ko lang na magbukas ang malaking pintuan ng simbahan....

1..
2..
3...  at nagbukas na ang pintuan.

Nang marinig ko na nag play ang 'perfect' ni ed sheeran ay nagsimula na akong maglakad kasama sila mom and dad.

Sa dulo ng aisle ay nakikita ko si Elijah. Masayang masaya.

Nang makarating kami sa altar ay nagsalita na ang pari at sinimulan ang ceremony....

Away bati. Yan kami ni Elijah.

Seloso sya, selosa ako.

Sweet ako, mas sweet sya.

Nerd type ako, heartthrob siya.

Medyo opposite man kami ay kami pa din hanggang sa huli.

Madame mang pagsubok ang dumating at darating pa ay alam kong malalagpasan namin iyon.

"Do you Elijah Agoncillo, take Sunshine Galvez to be your lawfully wedded wife, in sickness and in health, in richer or in poorer? "

"I do" -Elijah

"Do you Sunshine Galvez, take Elijah Agoncillo to be your lawfully wedded husband, in sickness and in health, in richer or in poorer? "

"I do "

"You may now say your vows"

Isinuot muna ni Elijah ang singsing sakin at tumingin sa mga mata ko.

"Madame mang pagsubok ang sumira at sisira satin, sisiguraduhin kong tayo pa din hanggang dulo. I thank our dear Lord that He gave me you. Thank you for being part of my life. Mula nang dumating ka sa buhay ko, marami nang nagbago. Lahat ng kinakatakutan ko, matapang ko nang naharap yon simula nang maging tayo. Sirain man nila tayo nang paulit ulit, sisuguraduhin kong hindi nila tayo mapag hihiwalay. I love you mahal ko, always and forever"

"Magkaiba man tayo ng mundo noon, pinagisa naman tayo ngayon. Masaktan man ako ng paulit ulit, mamahalin pa din kita dahil alam kong mahal mo din ako. Di man ako sigurado na hindi na ako masasaktan, pumapayag na ako na makasama ka till my last breath. Masira man nila tayo, alam kong mabubuo pa din tayo, pagsubok lang ang lahat kung gano tayo katatag. Pagsubok na kaya nating lampasan basta magkasama tayo. I love you mahal ko, "

"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride"

Inangat ni Elijah ang veil ko tapos hinalikan ako.

Narinig kong nagpalakpan ang lahat ng taong nasa simbahan.

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now