Chapter 13: Vacation

122 9 1
                                    

Shine's POV

Dahil sa pagod kahapon ay agad akong nakatulog  tapos pag gising ko ay umaga na.

Napansin kong wala na si Elijah sa tabi ko. Nasaan na kaya sya?

*knock*knock*

Pumasok si Elijah na may bitbit na tray of breakfast tapos naka suot na sya ng long polo na suot nya sa trabaho.

"Good morning mahal ko, " sabi niya sakin tapos hinalikan ako sa noo, sa ilong, sa cheeks at sa lips.

"Elijah, di pa ako nakakaligo." Sabi ko habang tinataboy sya.

"It's okay mahal ko. Mabango ka pa din naman. Eat your breakfast na then prepare yourself, may pupuntahan tayo. "

"Huh? Eh may pasok ako eh"

"It's okay. Pinaalam na kita kay Mommy Irene. Tska tinawagan ko na ang boss mo"

"Owwwkay. Saan naman tayo pupunta? "

"Sa resort natin sa tagaytay"

"Business matters? "

"Kind of but we're there for a vacation"

"Okay" tapos kumain na ako. Alam talaga ni Elijah kung ano ang mga kinakain ko sa breakfast, hindi kasi ako nag he heavy meal so cereals lang ang kinakain ko tapos apples.

Napansin ko naman na tinitignan ako ni Elijah. Nako! Bakit ko ba hindi natanong si Elijah if kumain na siya.

"Mahal ko, "

"Hmm? " -Elijah

"Kumain ka na ba? "

"Yes. Im done. "

Tapos ngumiti lang sya. Tinapos ko na ang pagkain ko.

Pumasok na ako sa banyo at naligo.

Nagsuot lang ako ng maong shorts tapos crop top tapos pinatungan ko ito ng blouse na mahaba at long sleeves. Nagsuot naman ako ng floral sandals.  Binolower ko lang ang buhok ko at sinuklay ito. Nagpolbo lang ako tapos lipstick.

Kinuha ko yung bag ko at phone tapos bumaba na.

"Ready? "

"Yup"

Tapos nagdrive na sya papunta sa Tagaytay.

At dahil malayo ang biyahe ay natulog muna ako.

...............

Elijah's POV

Pagdating namin sa resort ay napansin kong tulog si Shine. Hays kahit kelan talaga antukin tong mahal ko.

Pagbaba ko sa kotse ay agad akong sinalubong ng secretary ko.

"Good afternoon po sir Elijah. You have a meeting with ms. Cass within 30 minutes. "

Oh fuck. Bakit ngayon agad nag set ng meeting si Cass?

"Okay. Susunod ako. Is our room ready? "

"Yes sir"

Binuhat ko na si Shine papunta sa room namin. Hindi naman siya nagising, siguro ay malalim ang tulog nya ngayon.

Dahan dahan kong binaba si Shine sa higaan namin para hindi sya magising. Pinagmasdan ko na lang muna si Shine habang natutulog.

*knock*knock*

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon.

"Sir your meeting will start at 5 minutes "

"Okay sunod ako"

"Okay sir"

Nilapitan ko si Shine at hinalikan sa noo bago ako tuluyang lumabas.

..........

Shine's POV

Hmmmm...

Paggising ko ay nasa resort na kami. Pero wala naman dito si Elijah. Nasaan kaya sya?

Nagbihis muna ako ng panibagong damit bago lumabas. Nagsuot ako ng high waist pants then off shoulder blouse. Nilugay ko lang buhok ko. Nagpolbo ako at nag liptint.

Saan kaya pumunta si Elijah?

Paglabas ko ng room namin ay nakita agad ako ng secretary niya.

"Uh, good afternoon po mrs. Agoncillo"

Hays. Hindi pa ako sanay na tinatawag ng mrs Agoncillo.

"Uh, nasaan si Elijah? "

"He's in a meeting with ms. Cassandra po. Would you like to eat your lunch maam? "

"Uhm, I'll wait for Elijah na lang."

"Okay maam"

Tapos umalis na sya. Pumasok na lang muna ako sa kwarto at inaliw ang sarili ko.

..............

Elijah's POV

"Elijah, your wife's still asleep. So please do it now while she's not yet awake. "

Pangungulit ni Cassandra. Kanina pa niya ako kinukulit na sumama sa condo niya.

"Cass, pwede ba if wala ka nang sasabihin na any business matter, umalis ka na"

"No I wont! Not until you'll come with me! Pina appointment ko yung buong maghapon na to para lang makuha ang gusto ko. Tapos hindi mo pa ibibigay? "

"Cass, kasama ko si Shine. Kasal na kami. Kaya pwede ba tigilan mo na yang kahibangan mo"

Yumuko si Cass sa table ko kaya na eexpose yung clevage nya. Shit. Oh god ilayo mo po ako sa tukso.

"Please Elijah! " mapangakit na sabi niya.

"I know you want to do it because your wife can't do it for you"

"Cass tumigil ka na nga. Wag mo idamay dito si Shine "

Unti unting lumalapit si Cass sa gawi ko. Habang lumalapit sya ay pinamumuka niya sakin kung gano kalaki ang breast nya.

Hinawakan ni Cass yung magkabilang mukha ko at bigla akong hinalikan.....

Shine's POV

I decided na puntahan si Elijah sa office nya kasi ang tagal masyado ng meeting nya.

Kumatok muna ako bago ko buksan iyon.

Pagbukas ko ay nakita ko si Elijah na may kahalikan. Yung babae ay nakapatong pa sa lap ni Elijah.

Isinara ko ang pinto at bumalik na lang sa kwarto namin.

Bakit ba nagpatali pa ako kay Elijah? Bakit ba binigyan ko pa sya ng chance? Bakit ba sumama pa ako sa kanya?

Kinuha ko lang ang bag ko tapos lumabas na ako.

"Mrs Agoncillo saan po kayo pupunta? " tanong ng secretary ni Elijah.

"Ah, kakain lang ako. "

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Naglakad na lang ako hanggang sa makalabas sa resort. Kada may madadaanan akong staff at business partners ay panay ang bati nila sakin na nginitian ko lang.

Pumara ako ng taxi at tuluyang nilisan ang resort.

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora