Chapter 46: Pag asa o Paasa?

107 9 0
                                    

Shine's POV

Lumapit naman si Elijah at tinitignan ako ng may pagkamangha...

"You're so beautiful... " -Elijah

"Ti.. thanks.. "

"Uhm, happy birthday Elijah.. "

Ngumiti naman sya...

"Thanks... " tapos niyakap ako ng back hug...

"Alam mo bang ito na ang pinakamasayang birthday ko? Pero dodoble ang saya ko kung magiging tayo ulit... kung mamumuhay tayo bilang isang pamilya... sama sama sa isang bahay... sabay nating palalakihin sila Angelico at Elaine... "

Tapos hinarap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at diretso akong tinitignan sa mata.
"Shine, will you please be my Mrs Agoncillo again? "

Hindi agad ako nagsalita... sa takot na kapag naging kami ay may mga taong humadlang at sumira ulit sa amin...

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko... pati na ang pagbitaw ni Elijah sa mga kamay ko.

"Sorry. It's okay if talagang ayaw mo na. Kung masaya ka na sa ganitong set up natin. Sorry, masyado akong nagpapaka tanga at umaasa na magiging tayo ulit. Wag ka na umiyak, ayan tuloy nasira yung make up mo" sabi niya habang pinupunasan ang luha ko tapos ngumiti siya. A bitter smile...

"Tawagin ko lang si Sab para maayos yung make up mo.. " cold niyang sabi

Pero bago pa siya tuluyang makalabas ng kwarto ay...

"Yes Elijah... " napahinto siya pero hindi sya humarap sakin.

"Wag mo ipilit Shine. Okay lang naman talaga kung ayaw mo... sabi nga nila panget sa isang relasyon ang pilit... "

"Hindi ko to pinipilit Elijah... noon hanggang ngayon, ikaw pa din ang mahal ko... araw araw gabi gabi kitang iniisip... palagi kitang nami miss... lahat ng sana para sa atin at sa pamilya natin ay lagi kong iniisip... pilit kong lumalayo sayo dahil baka isang araw may mahal ka nang iba... " sagot ko sa kanya habang umiiyak... at dahil don napalingon si Elijah at nilapitan ako. Niyakap niya ako ng mahigpit

"Kahit kailan Shine, hinding hindi ako magmamahal ng iba. Ikaw lang ang mahal ko.. kayo ng mga anak natin... promise me Shine, kapag may sumira ulit sa relasyon natin, hinding hindi ka susuko... hindi mo na ulit ako iiwan.. dahil ako, hinding hindi ko kayo ipagpapalit sa iba... lalaban tayo sa mga taong sisira sa atin... para sa mga anak natin.."

At tinanguan ko lang sya...

Pangako Elijah, hinding hindi na kita iiwan. Sabay tayong lalaban sa mga taong sisira sa atin...

Nang mag gabi na at malapit na mag start ang birthday party ni Elijah ay naghiwalay muna kami... sumama ako kila Sab habang si Elijah ang sumasalubong sa mga bisita niya na halos ka business partner namin.

"Sabi ko naman sayo effective yung beauty mo ate eh" -Sab

Alam na kasi nila na ayos na kami ni Elijah..

"Mommy are we going to live na with daddy? "

"Ahm, I'm not sure pa Angelico eh... siguro pag uusapan pa namin ng daddy mo ang tungkol doon "

At nagsimula na ang party ni Elijah. Hindi namin kasama si Elijah sa table dahil paikot ikot siya sa bawat table ng mga bisita.
"Oh hi Elijah! " medyo malakas na sabi ng isang babae at niyakap yakap pa si Elijah tapos balak pang halikan pero pinigilan din ni Elijah.

"Happy birthday my dear Elijah!"

"Uh, thanks"

At mukang yung babae na yon ay yung client na lumalandi kay Elijah noon...

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now