Chapter 43: Date

111 9 0
                                    

Shine's POV

Kagabi ay si Elijah na ang nag asikaso kila Angelico at Elaine. Pinagpahinga niya muna ako.

Kaya maaga ako nagising ngayon. Pagbangon ko ay naabutan ko si Elijah na nakaupo sa tabi ng crib ni Elaine at doon natutulog.

Hindi pala umuwe si Elijah. 8am ang pasok ni Elijah. 5:40 pa lang ng umaga.

"Elijah, " ginsing ko siya...

"Shine, so.. sorry.. uuwe na ako. "

"Hindi.. hindi naman sa pinapauwe na kita. Papalipatin lang sana kita sa kama. Nahihirapan ka dyan sa pagtulog mo eh. "

"Si.. sige.. " tapos nahiga na siya sa kama. Nilapitan ko siya at inayos ang kumot sa kanya.

Naligo muna ako then after ay bumaba na ako at nagbabalak na magluto ng breakfast.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Sab na nag pe prepare na ng breakfast.

"Bakit ang aga mo nagising? "

"Nagutom kasi si Erica kaya nagluto na ako. May exam din kasi si Erica so kailangan niya mag review at kumain. "

"Ah. Okay. Sige silipin ko muna si Angelico"

Pagpasok ko ay mahimbing na natutulog si Angelico. May nakabukas na notebook si Angelico sa study table niya. Pagtingin ko dito, parang isang diary notebook.

Dear diary,

Umiyak si mommy kanina dahil sa akin. Akala niya kasi galit ako sa kanya. Hindi naman ako galit kay mommy. Gusto ko man na sa kanya una ipakita at sabihin lahat ng gusto ko sabihin o ipakita, natatapat naman na busy sya o di kaya ay pagod siya. Sa susunod ay kay mommy ko na lahat lahat unang ipapakita o sasabihin, yun ang sabi ni daddy sa akin para hindi na umiyak si mommy. Sana ay maging together na ulit si mommy at daddy...

Naiiyak na ako sa nabasa ko. Nilapitan ko si Angelico at hinalikan sa noo.

"I'm sorry baby kung laging busy si mommy. I promise... babawi sayo si mommy... "

Elijah's POV

Nagising ako na sikat na ang araw. Bumaba muna ako para sana magpaalam dahil papasok pa ako sa trabaho, babalik na lang ako after work..

"Ow kuya Elijah, gising ka na. "

"Ah oo. Uuwe na muna ako. Papasok na din ako, balik na lang ako mamaya"

"Nako wag ka na muna pumasok. Samahan mo na lang muna si ate. Aalis kasi kami mamaya eh, wala silang kasama. Date kayo ganern. "

"Okay... "

Shine's POV

Ginising ko na si Angelico dahil 6:30 na, lumabas na ako para ihanda ang mga dadalin ni Angelico.

"Ate, aalis muna kami ha. Isasama namin si Elaine. Maiiwan dito si Elijah. "

"What? Why? "

"Basta. "

At dumiretso na lang ako sa kusina. Nag handa ako ng chocolate sandwich at fresh juice and fresh milk para sa snack ni Angelico.

Inihain ko na din ang yellow rice, bacon, hotdog at fresh milk para sa breakfast namin.

"Good morning mommy! " tapos yumakap sakin si Angelico.

"Good morning baby, "

"Good morning daddy! "

"Good morning. " bati ni Elijah habang binubotones ang polo niya.

Tinapos ko lang ang pagtitimpla ng kape ni Elijah tapos hinanda ko na din yung cereals ko.

"Mommy, saan po kayo pupunta ni daddy later? "

"Saan mo naman nakuha yan baby? Wala naman kaming pupuntahan. "

"Tita Sab said sa bahay po nila muna ako umuwe dahil may lakad po kayo"

"Angelico, hindi pa kasi alam ni mommy mo. Secret lang dapat yon. "

"Oh, okay! " at kumain na siya.

Pagtapos ni Angelico ay dumating na din ang service niya.

"Baby, andito na yung snacks mo ha. Nasa wallet mo yung pambili mo ng lunch. May juice and fresh milk ka din dyan. "

"Okay po. Thank you po"

"Goodluck sa exam mo baby! I love you! "

"Thank you mommy, i love you too po. Muah" at ganon din ang ginawa niya kay Angelico tapos sumakay na.

"Shine, " at nilingon ko siya.

"Can we go out? On a date? "

Nagulat naman ako sa tanong niya...

"Ah... "

"It's okay if ayaw mo"

"Ah hindi sa ganon.. ano, oo na"

At napangiti siya.

"Magbibihis lang ako... "

Pag akyat ko sa kwarto ko ay hindi na ako mapakali. Sobrang saya ko....

Nagsuot ako ng blue dress tapos flats na sandals. Naglagay ako ng light make up tapos nilugay ko yung buhok ko. Nagpabango na ako tapos kinuha na ang bag ko...

Pagbaba ko naman ay parang namangha si Elijah sakin.

"Let's go? " tanong niya at sinagot ko ito ng tango.

Dinala ako ni Elijah sa park. Naglakad lakad lang kami habang magka holding hands.

Nakakapagtaka naman ang mga kinikilos ni Elijah. Hindi naman na sya sweet nung na annulled kami. Ngayon na lang ulit siya sweet.

"If I'll ask you to marry me again, will you say yes? "

Out of the blue na tanong ni Elijah. Syempre gusto ko... mahal na mahal ko pa din si Elijah. Gusto ko na din mabuo at makumpleto ang pamilya ko...

"Never mind my question... "

At nagpatuloy kami sa pag iikot dito sa park.

'Yes Elijah, I'll marry you again. I love you so much. I want to be with you. I want to spend the rest of my life with you' bulong ko sa sarili ko.

Elijah's POV

'Yes Elijah, I'll marry you again. I love you so much. I want to be with you. I want to spend the rest of my life with you' dinig kong bulong ni Shine kaya napangiti ako.

After maglibot sa park ay nagmall na kami para kumain ng lunch. She's still the Sunshine I know, laging may fries ang pagkain niya tapos may float.

"Are you sure yan lang kakainin mo? " tanong ko sa kanya kasi salad lang inorder niya.

"Yep" at binigyan ko siya ng nagtatanong look.

"Fine, you got me. Well, gusto ko kasi ng chinese cuisine, but okay na din dito" tapos nginitian niya ako.

"Finish your salad and kakain tayo sa gusto mo"

At ganon nga ang ginawa namin.

Nag ikot ikot lang kami sa mall. Naglaro na din kami sa arcade tapos nag ikot ikot sa mga boutique. Binilan din namin ng pasalubong si Angelico. Habang nagtitingin si Shine ay binilan ko naman siya ng ilang mga damit.

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now