Chapter 7: Pagsuyo

152 10 1
                                    

Shine's POV

Buong day off ko ay nakatambay lang ako sa bahay. Wala akong gana lumabas maski lumabas sa kwarto ko.

Dahil kay Elijah. Buong araw  siyang nasa bahay. May dalang bulaklak o chocolates. Minsan naman ay nagdala pa ng tula.

Last weekend ay may dinner sana kaming pupuntahan. Pero nadala na ako sa mga dinner dinner na yan. Pilit nang pilit sakin sila mom na sumama pero hindi nila ako napilit.

Minsan naman ay sa bahay ang dinner naganap kaya hindi ako bumaba. Nung una ay pinilit akong bumaba nila mom pero hindi pa din nila ako napilit. Wala na akong pake kung magutom ako. Nakatulog ako nun at paggising ko ay 9pm na kaya bumaba ako at kumain. Nasa kanya kanya kaming silang mga kwarto kaya walang mangungulit sakin.

Break time namin ngayon. Nag aya yung kasama ko na kumain sa labas ng ospital pero hindi ako sumama. Mahirap na, baka kakonchaba pa to nila mom at Elijah.

Kumakain ako ng noodles. Wala na kasing ibang pagkain sa canteen.

"Shine, may naghahanap sayo sa lobby. "

"Sino daw? "

"Hindi nagpakilala eh"

"Okay. Pakisabi pag hindi nagpakilala hindi ko lalabasin. "

"Okay"

Nagpatuloy ako sa pagkain at nagulat ako sa tumatawag sa phone ko.

Unknown number calling....

Sino naman kaya to?

"Hello? "

Pero wala namang sumasagot.

"Hello? " tanong ko ulit.

"Shine, si Elijah to. Nandito ako sa lobby ng hospital. Please, magusap tayo. "

"Wala tayong paguusapan. Bye"

Inend ko na yung call. Istorbo naman to si Elijah. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain. Nag ayos na lang ako ng sarili at nagbalak na bumalik sa duty.

Paglabas ko ng department ay dumiretso na ako sa office ko. Nag check ako ng health status ng patients ko.

*knock*knock*

"Come in"

"Ms Galvez, pinapatawag po kayo ni Mrs Galvez sa conference room"

"Sige susunod ako"

Talaga lang ha? Bakit naman ako ipapatawag ni mom?

Calling Mommy.....

"Sweetie? "

"Mom pinapatawag niyo daw po ako? "

"Yes sweetie. Im waiting sa conference room. "

"Okay. Im on my way"

Dumiretso na ako sa conference room pero wala naman si mom. May nakita naman akong lalaki na nakasilip sa bintana.

Lalabas na sana ako pero huli na ang lahat... naka lock na ang pinto...

"Shine, " tawag sakin ni Elijah.

Hindi ko siya nilingon at tinuloy ang pagbukas sa pinto.

Hinagit ni Elijah ang kamay ko at inupo ako sa swivel chair tapos hinarang nya ang dalawa niyang kamay sa magkabilaang gilid ng upuan.

Tinitignan ako ni Elijah sa mata at ganon din ang ginawa ko. Ipapamukha ko sa kanya na wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya.

"Please listen to me Shine"

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now