Chapter 38: Family Bonding

108 7 0
                                    

Shine's POV

Last week of February ay approved na ang annulment paper namin ni Elijah.

5 months na si baby. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa pagbubuntis. Ayaw ko lang sa mga cheese.

Pilit naman na pinapagaan nila Sab ang pakiramdam ko dahil pansin nilang apektado pa rin ako sa nangyare.

*knock*knock*

"Mommy "

"Yes baby? "

"Pwede po ba tayong mamasyal kasama si daddy? It's Sunday naman po so wala po syang work today"

"Wala ngang work ang daddy mo pero baka may ginagawa yon. Gusto mo tayo na lang ng tita Sab at ni Erica ang mamasyal? Pwed din natin isama si mama at papa mo"

"But... Gusto ko po sana na tayo pong family ang mamasyal together. Can you call him and ask him if he's free today? "

"Well, uhm kasi baby... "

"Please mommy? " at nag puppy eyes pa si Angelico

"I'll try baby"

"Okay po" malungkot nyang sagot tapos lumabas na.

Ayoko naman talaga makasama si Elijah dahil nag mo move on pa din ako.

Bumaba ako sa sala at nakita ko si Angelico na kausap ni Sab. Nang makababa na ako at sinubukan siyang lapitan ay nagpaalam na siya na aakyat sa kwarto.

Alam kong nagtatampo si Angelico dahil namana niya ang ugali ko kapag nagtatampo o nagagalit ako.

"Ate, "

"Sab, you know I still can't "

"Kahit just for today? "

Iling na lang ang sinagot ko.

"Okay. Puntahan ko lang ang pamangkin ko"

Hays.

Im sorry Angelico. Pati ikaw nadadamay pa sa nangyayare sa amin ni Elijah.

Angelico's POV

Naintidihan ko naman kung bakit ganon si mommy.

Pero it's been 5 months since that incident. Tuwing nasa puder ako ni dad ay hindi ko naman makita sa kanya na apektado pa rin siya kaya naisip ko na baka ganon din si mommy, pero hindi pala.

*knock*knock*

"Angelico, " -tita Sab

"Why po? "

"I'm sorry, pero hindi pwede kasi magkita si mommy at daddy mo eh"

"Pero gusto ko po sila makasama eh"

"I know baby. Pero hindi ko kasi mapilit si mommy mo eh"

"Its okay po"

Narinig ko naman na bumuntong hininga si tita.

"You wanna play with Erica? I'll call her"

"Wag na po tita "

"Okay. Call me if you need something "

At lumabas na sa kwarto ko si tita.

Napatingin naman ako sa bedside table ko.

Seperate picture frames. Sa isa ay picture namin ni mommy at yung isa ay picture namin ni daddy. Hindi man lang kami nakapag pa family picture.

Pumapasok ako sa school kung saan nag aral sila mom and dad. Nalaman ko lang iyon kay Erica dahil same school kami.

Thursday to Sunday ako nakay mommy and Monday to Wednesday naman kay daddy.

Elijah's POV

Sabrina Calling...

"Yes? "

"Elijah, sorry to disturb you. Are you busy? "

"No"

"Well, I know it's too much to ask and hindi mo schedule ngayon kay Angelico but, pwede ba kayong mamasyal ngayon? "

"Why? Is Shine not there? "

"Well nandito sya. Pero gusto ni Angelico na kayong dalawa ang kasama"

"Okay. Im on my way"

Shine's POV

Pinag iisipan ko pa din yung gustong pamamasyal ni Angelico.

*knock*knock*

"Ate, Elijah's here. Pinapunta ko siya... "

"Well, tell Angelico pwede siyang sumama kay Elijah... "

"Ate, please. Sumama ka na. Ngayon lang... for your son"

"Okay. Magbibihis lang ako"

Nag suot naman ako ng dress na light blue na may belt. Tapos flat shoes. Nagsuklay lang ako at polbo at binitbit na ang bag ko.

Nakita ko na nag uusap si Elijah at Angelico at nang nakita na ako ni Angelico na bumaba ay napangiti siya ng malaki.

"Let's go? " -Elijah

Tumango lang ako at lumabas na kami.

Naunang sumakay si Angelico sa back seat, susunod na sana ako pero pinagbuksan ako ni Elijah sa may passenger seat kaya sumunod na lang ako.

Pansin kong ang tahimik na ni Elijah ngayon. Dati naman ay nangungulit si Elijah.

Siguro ay naka move on na siya. Ako na lang siguro talaga ang may nararamdaman sa kanya.

Maya maya lang ay huminto kami dito sa ocean park.

Pagbaba ay humawak ng kamay si Angelico kay Elijah kaya medyo nauna na ako sa paglalakad para ako na lang ang bumili ng ticket.

Maya maya ay naramdaman kong may humawak sakin...

Si Angelico habang nakahawak pa din kay Elijah. Hinayaan ko na lang para kay Angelico.

Pagdating sa ticket booth ay maglalabas na sana ako ng pera pero pinigilan ako ni Elijah

"Ako na"

Pagpasok naman ay magkakahawak pa din kami ng kamay. Tuwang tuwa naman si Angelico.

Kada aquarium na hinihintuan ni Angelico ay pinipicturan naman ni Elijah. Minsan naman ay hinihila ako ni Angelico para kasama sa picture.

Habang nag iikot ay nag request naman si Angelico...

"Mommy, daddy, "

"Yes baby? " -Elijah

"Can we have a family picture together? "

Nagulat naman ako sa request ni Angelico. Nakita ko naman na tumingin sakin si Elijah at inaantay ang sagot ko..

"O.. oo naman" tapos tinawag ni Elijah ang isang staff at nagpapicture kami.

Pagkatapos mag ikot ay kumain muna kami. Hotdog sandwhich at coke ang kinain namin.

Nagsubuan ang mag ama habang ako ay tinititigan ko sila.

"Daddy, si mommy naman po! " nagulat naman ako sa sinabi ni Angelico.

At lumapit si Elijah pero inaantay ang permiso ko at tinitignan kami ni Angelico. Kaya tinanguan ko si Elijah.

Sinubo naman niya ang hotdog sandwhich sakin tapos ngumiti siya sakin kaya napangiti ako

Nag ikot pa kami at nanood ng penguin and sea lion show. Gabi na ng napag desisyunan namin umuwe.

Tulog na si Angelico kaya binuhay siya ni Elijah papasok sa kotse.

Tahimik kami pareho ni Elijah sa byahe. Hanggang sa nag traffic..

"Kamusta ka na? " -Elijah

Napalingon naman ako sa kanya, pero diretso lang ang tingin niya sa kalsada kaya nag iwas ako ng tingin.

"Im.. fine"

"How's the baby? "

"The baby's healthy... "

"Good to hear"

At nag go na ay pinaandar na niya ang sasakyan hanggang sa makauwe kami.

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now