CHAPTER 2

11.9K 298 12
                                    

Kingofhelluniversity-RULES

-XINE's POV

Bago pa kami makalapit sa gate ay napansin kona agad ang nakaukit sa itaas ng gate.medyo malabo na ito marahil natatakpan na ng makakapal na alikabok at kalawang ngunit kapag tinitigan mo ay makikita mo din "HU" ang nakita kong nakaukit sa itaas ngunit agaw pansin ang kulay neto.Kulay pula ngunit parang hindi pintura ang pinang guhit may lagpas lagpas pang Kulay pula na kumakalat sa dalawang letra. Para itong dugo.

Mas lalo akong kinalibutan kaya hindi kona pinansin pa.
Nag bukas ng kaunti ang malaking gate sakto lang para makapasok kaming lahat. Walang main gate parang yon lang ang gate don.

Napatingin pa muna ko sa mga kasama ko.bakas sa kanila ang pag kailang ngunit mas nangingibabaw ang excitement sa kanila.

Pinapasok na kami ng dalawang lalaki sa loob ng gate. Nagitla pa ako ng mag angat ako ng tingin. Hindi ko akalain na maraming istudyante sa loob. Nag salubong pa ang kilay ko ng mapansin kong lahat sila ay nakamasid samin. Baks sa mga mata nila ang Gulat,pag tataka,at takot. Hindi ko maipaliwanag kong bakit.

Hindi ko nalang sila pinansin bagkus tinuon ko nalang ang pag mamasid sa malalaking building dito . Sumalubong agad samin ang Tatlong nag lalakihang building sa bawat isang building ay may 6floor kulay krema ang mga pintura. Sa gitna non ay may malaking Fountain na talaga namang agaw pansin may mangilan ngilan na istudyanteng nakaupo ngunit halata sa kanila na ilag sila samin.

"Wow" asik ni Sofia.

Maganda ang paligid hindi ito ang inaasahan ko dahil ang akala ko ay nakakatakot din ang loob dahil sa labas palamang ay nakakatakot na

Sandali lamang kaming nag masid sa paligid dahil hindi rin namin matagalan ang mga kakaibang tingin ng mga istudyante ditto pati pa ang ibang mga guro ay napapatigil tsaka basta nalang napapangisi.

"Come on,This way" inakay kami ng hindi pa masyadong matanda na lalaki patungo sa isa pang hallway ng building.kapansin pansin ang mga tingin ng istudyante samin tsaka basta nalang tutungo "oh,bytheway im the pre-master in this school" masayang pakilala ng lalaki.

"Oh sige pumasok na kayo sa office jan sa 3third floor pangatlong room. marami pa kayong dapat malaman" nakangisi nyang usal saamin nakakaloko din ang mga Tingin nya saamin para bang may pinapahiwatig.
"Mauuna nako marami pa akong gagawin" pag papaalam nya.

hindi na kami nag dalawang usip pa nag lakad na kami.
"Huwaw! Rich Din pala to eh hahah" masayang usal ni Bricks na napag tanto namin na may elevator pala.
Sumakay na din kami may mga nakasalubong kami istydyante lahat sila ay mag pag tataka na tingin.

"May bago ba?"

"Sila yong sinasabi nilang bago"

"Sana hindi na sila tumuloy"

Mga bulungan ng mga nakakasalubong namin.
Nag katinginan naman kaming lahat tsaka nag kibit balikat.

Dumeretso na kami kami sa building na sinasabi ng pre master tsaka dumeretso sa pinto na kanyang sinabi

Hindi na nag abala kumatok ang mga kasama ko ganon yata sila ka bastos hehe pag bukas namin ng pinto ay sumalubong na saamin ang malaking table at may taong nakaupo sa swivel chair Pero nakatalikod ito .

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now