CHAPTER 34

4.1K 134 11
                                    

**'Bat Ganon! NAG LOLOKO SI WATTPAD! TT__TT Minsan na dodouble publish ko ito, kahit isang beses ko lang ginawa.

Minsa naman bigla'ng mabubura! WAAAHH PAKSHET TALAGA!!!  Nuong Kabanata 33 ay nabura ang una kong gawa kaya sa inis ko nag tampo pa ako ng ilang araw bago mag sulat ulit T__T  kainis kasi eh.. nakalimutan ko agad ang sinulat ko huhuh. Kaya tyaga nalang muna sa mga susunod pang Chapter dahil sa totou lang......

WALA PA PO AKONG NAIISIP NA WAKAS HUHU!! dTT___TTb

Pero hindi parin susuko ang maliit kong utak :< opo maliit,ilang beses na kasi akong naloko ... so,wala lang.May masabe lang^_^ bat ba! Epal ka...HAHAH.

For info lang: SELPON LQ GMT KU MGA KANIGA^_^  tiis tiis lang po dahil sa totou lang mas masarap ma'bitin ugh! Yeaa! Hahah..

_____

--XINE's POV--

There's a fire starting in
my heart Reaching a fever
pitch and it's bringing
me out the dark

Finally i can see you crystal
clear Go'head and sell
me out and i'll lay your
ship bare

See how i leave with
every peace of you
Don't underestimate the
things that i will do..

There's a fire starting
in my heart Reaching a
fever pitch and it's
bringing me out the
dark..

Tila nagising ang diwa ko sa isang maingay na tugtugin. Agad akong dumilat at bumangon. Wala na ang mga katabi ko, siguro ay nasa labas na sila. Agad akong nag asikaso at naligo.

Napangiti ako ng dumaloy sa katawan ko ang lamig ng tubig. Hindi ako takot sa malamig na tubig kahit madaling araw pa, pero nakakaramdam ako ng matinding lamig kapag hangin na ang umihip.

Matapos kong maligo ay lumabas ako at nilock ang pinto para walang makapasok. Binuksan ko ang electric fan at tumapat duon. Ganito na talaga ako matapos kong maligo ay gusto kong itapat ang basa kong katawan sa electric fan kasi mas giniginaw ako kapag hindi ako nahahanginan matapos maligo. Hahah ang weird ko talaga..

Lumabas nako ng kwarto at duon ay nakita kong nag kakadarapa sa pag kilos ang mga kasama ko. Para silang si flash sa sobrang bilis kung mag si kilos. Nagitla ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Dine, at natakot talaga ako dahil sa magulo nyang buhok kahit na nakatali pa.

"Wag ka na munang lumabas!"  Tinulak nya ko papasok, pero nag laban ako.

"Ha? Bakit? Ano bang nangyayari?" Naguguluhan kong tanong.tila natigilan naman sya at bahagya pang bumali ang leeg nya.

"Hindi mo alam?--ah! Basta jan ka lang sa loob at h'wag kang lalabas!" Tuluyan nya na akong napasok sa loob tsaka nya mabilis sinara ang pinto. Agad akong nataranta at naalarma dahil sa mga kilos nila.

Pinakiramdaman ko ang paligid kung may kakaiba bang nangyayari, pumunta din ako sa veranda para sumilip kung may masama bang kaganapan ngunit wala naman , tahimik ang paligid at maraming istudyante ang palabas na ng kani- kanilang dormitoryo.

Wala namang kakaiba sa paligid,pero bakit ganon sila magsikilos?

Agad akong lumapit sa pinto at tinapat ang tainga ko.

"Ano, handa naba lahat?" Boses ni Sally.

"H'wag nyo muna palalabasin si Xine at baka magulat.." boses ni ArkSie.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now