CHAPTER 55 - FINALE BATTLE

989 57 7
                                    

-XINE's POV-

Tanging hikbi Lang ang aking nagagawa habang nilalamig sa loob ng isang kulungan. Hindi ko Alam Kong anong itatawag dito, Basta ang Alam ko ay nakaupo ako sa malamig na sahig nang pabilog na salamin at nakakulong. Parang incubator

Kanina ko pa sinosubukan basagin ang salamin ngunit Hindi ko magawa . Hindi ko Alam Kong anong nangyayari sakin , sobrang panghihina ang nararamdaman ko na maski ang pag tayo ay Hindi ko magawa . Halos Hindi ko na rin Makita ang labas dahil sa hamog na lumalabas sa Kung saan dahilan upang mas Lalo akong lamigin at manghina.

Nakayakap ako sa dalawang binti at mahinang humihikbi. Hanggang ngayon ay Hindi ako makapaniwala na Hindi pa pala natatapos doon Ang lahat , dahil Ang mga demonyong Ito ay Hindi titigil hanggat Hindi nakukuha Ang gusto.

Sa tingin ko ay ilang oras palang ako dito pero Ganito na ang epekto sa'kin ng lamig paano pa kaya Kong mag tatagal pa ako dito, malamang ay mag yelo na'ko.

Hanggang ngayon ayokong aminin na may kinalaman si Lee dito, ayokong tanggapin na trinaydor Niya kami at kumampi sa masasama.
Kung sabagay, kamag-anak, Tito Niya Lang Naman Ang may nais nito kaya malamang mas kakampihan niya Ito.

Pero napakahirap tanggapin ang katotohanan...Lee

Naalala ko ang kwento sakin dati ni Arksie, matagal na 'raw na sa ibang bansa Ang mga Magulang ni Lee at mula noong Bata siya ay hindi ito inuwian. lumaki lamang siya kasama ang mga katulong at Ang Lolo niya.

Malamang Ang Lolo na tinutukoy nito ay si Jose na siyang ama ni Gensis...

Napahawak ako sa lalamunan ng manuyo iyon , nanghihina na'ko at tila gusto ko nalang mahiga sa malamig na sahig at matulog hanggang sa Hindi na magising.

Naalala ko si Jack , mula nang dalhin ako rito ay walang nangyaring pag babago sa paligid , Wala akong naririnig na ingay mula sa labas wala rin akong naaninagan na Tao sa paligid , tila nasa isang malamig na Lugar ako na patuloy nilalamon ng puting usok.

Tama ka Supremo , Sana pala ay pinaniwalaan nalang Kita bigla ay gusto kong magsisi dahil Hindi ko pinaniwalaan ang mga akusa at pag hihinala nito Kay Lee.

Pinikit ko ang mga mata at humiga ng tuluyan sa sahig. Hindi ko na kaya....

Bakit tila napaka unfair ng mundo? Bakit kapag masaya ako ay babawiin rin agad ? Bibigyan ako ng pag asa pero kalaunan ay pahihirapan uli.

Gusto kong sisihin ang nag bigay ng puso na'to sakin dahil tila pinasa Niya ang lahat ng responsibilidad na tinakasan niya.

HINDI ko namalayang nakatulog ako sa kabila ng pang hihina at lamig. Nagising na lamang ako ng may dumaklot sa'kin patayo , naaninagan ko ang dalawang lalaki na inaakay na'ko palabas sa doon. Hindi ko nagawang manlaban maski ang kumilos, hinayaan ko lamang sila kaldkarin ako.

Nasinghap ako ng hangin nang buhatin ako ng Isa at ihiga sa medyo maalmbot na higaan. Hindi ko sila masyadong maaninag dahil sa panlalabo ng aking paningin, tanging nagawa ko lang ay umiling ng umiling.

"Leave us first," Isang pamilyar na tinig ang siyang bumuhay ng emosyon ko. Hindi ko na napigilan maluha. Matapos Ang ilang sandali ay naaninagan ko Ito sa paanan ko. Umiiyak akong umiling , nag mamamakaawa, nag tatanong.

"I'm....sorry." mahina pero aking narinig na Sabi niya. Hindi ko siya Makita ng lubos dahil mas lalong lumabo ang paningin ko gawa ng luha. Sinubukan kong mag salita pero agad akong natigilan ng maisip na may nakatakip sa bibig ko, mahina akong nag pumiglas pero nakatali ang kamay at paa ko sa mag mabilang dulo ng higaan.  humugot ako ng mas maraming lakas para kumalas pero gumawa Lang ako ng kaunting ingay , nawalan nalang ako ng pag asa nang Makita kung gaano kakapal ang rehas na nakatali sa kamay ,binti at paa ko.

Bakit Parang Hindi ko Ito naramdaman kanina? G-ganoon na ba ako kahina?

"Tinurukan ka ng lason na siyang ginamit ni Madam Black sa'yo n'on, kaya ganyan ang iyong nararamdaman, kaunting oras nalang ay tuluyan ka ng panghihinain niya..Xine." muli niyang sabi. Hindi ko mahimigan Ang boses niya , tila nag iba ito, puno ng poot, sakit at kagustuhan.

Wala na akong nagawa ku'ndi ang tumingala sa maliwanag na ilaw na nasa harapan ko.

"Bata pa lang ako...pangarap ko ng makasama ang pamilya ko Xine,...Lahat ng bagay na maaring ikasaya nila ay ginawa ko na dahil nag babakasali akong uuwi sila at sasamahan nila akong matulog sa gabi kapag natatakot ako , pag hahanda ng pag kain kapag papasok ako at yayakapin ng mahigpit tulad ng nakikita ko sa pamilya niyo."

Natigilan ako ng marinig siyang mag kwento , hindi ko inaasahan na magiging gano'n sya kaemosyonal na halos marinig ko pa ang pigil na hikbi niya.

"I'm so fucking insecure everytime na makikita ko kayong lahat na masaya...kasama ang family nyo....Xine, gusto kong maramdaman ang pag mamahal at pag aalaga ng isang ina at ang sakripisyo ng isang ama sa anak."

Hindi ko na napigilan lumuha muli ng maaninag siyang lumuhod at doon umiyak. Tila lahat ng galit, poot ko kay Lee ay nag laho dahil sa nasaksihan ko , parang gusto ko nalag siyang lapitan at patahanin.

Ilang minuto ang lumipas bago siya muling tumayo at lumapit sakin. Mas natitigan ko siy ng matagal, halos hindi ko siya makilala ngayon. Namamaga na ang mata niya at pulang pula ang mukha, gulo gulo ang buhok at tila galing pa sa gyera ang suot niyang damit.

"Nakakasama ni Tito Gensis si Ama...handa siyang dalhin ako sa kaniya kapalit mo..Xine."

Fuck!

Alam kona na ito ang dahilan kaya niy nagawang ipag kaluno ako pero parang hindi ako naging handa, tila binuhasan ang ng malamig na tubig dahil sa katotohanang kaya niyang ipag palit ang kaibigan niya sa para sa sariling kagustuhan.

"Lee..." tanging nausal ko sa aking isip.nag tatanong, nag mamakaawa. Muling nag unahan ang mga luha ko.

"I'm sorry Xine,.." matapos nyang sabihin iyon ay sunod sunod pumasok ang mga nakasurgical gown dala ang kanilang mga gamit para sa maitim na balak nila sakin.

Muli ko siyang tinignan, nag mamakaawa. Pero yumuko lang siya at tinalukuran ako. Buong lakas akong pumiglas at pinilit mag wala pero tingin lang ang pinukol nila sakin na para bang sigurado na silang wala akong magagawa para makatakas.

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak at humikbi pero tila pati ang pag luha ay iniwan na'ko . Sobrang sakit na ng dibdib ko at nanghihina na rin ako , namamanhid na ang kamay at mga paa ko. Parang gusto ko nalang mag pahinga .

Muli akong tumingala sa maliwanag na ilaw saka ngumiti habang inaalala ang mga sandaling kasama ang buo kong kaibigan, pamilya at si Jack.

Ubo Lang Ang nagawa ko matapos tanggalin Ang busal sa bibig ko . Ubo na tila tumatagos sa dibdib ko na nag bibigay Lalo ng mas matinding hapdi.

"Stop all you do or else you'll burn..."

Isang mahina at kakaibang tinig Ang narinig ko bago tuluyan umubo pero nalasahan ko ang dugo r'on na syang nag pahina sakin hanggang sa mawalan ng Malay .

If this my last moment..... please give me one last time to see all my love ones...



----------

Henloo poo ☺️ . Sorry sa mga lovely readers ko na nag hintay talaga ng napakatagal ..Hays .

Actually nakalimutan ko PO talaga ang email account ko sa Wattpad Kaya Hindi po ako makapag update .

Pero mabuti nalang po talaga nabuksan ko pa hahaha .

KONTING HINTAY NALANG PO AT MAWAWAKASAN NA ANG KOHU ☺️

MARAMING SALAMAT PO SA MATATYAGANG NAG HIHINTAY ❤️

LOVE KO KAYO 😘

BITIN MONA FOR NOW 😆

-itsmella_29

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now