CHAPTER 19

4.3K 191 2
                                    

--XINE's POV--

"What's Happening H-here" wala sa sariling usal ko.

Nanginig ang mga tuhod ko bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi paman ako nakakalapit sa lugar ay parang gusto ng umatras ng mga paa ko.
Napahawak ako sa dibdib at huminga ng malalim.

Alam kong may maling nangyayari dito,'

Iginala ko ang paningin ko sa paligid lalong nangunot ang nuo ko.

Nasan ang mga tao dito?
Pinag masdan ko ang paligid napakatahimik.ginala ko ang paningin ko sa mga building lalo akong kinabahan dahil pakiramdam ko maraming mata ang nag mamasid sakin.

Kakaiba ang kaba na nararamdaman ko ngayon buong sistema ko, nag kakaisa.

Muli kong binaba ang paningin ko at pinag masdan.maraming tuyong dahon na ilang araw na sigurong hindi nawawalis,may mga base ball bat,kahoy na mahahaba at ang mas nag patindig ng balahibo ko ay ang mga tuyong dugo na nakadikit sa mga bat at kahoy. hindi ako pwedeng mag kamali dahil hindi lang sa kahoy meron non pati na ang lupa na natuyuan ng dugo.

Nanayo lahat ng balahibo pag kakataon na 'to parang gusto kong tumakbo nalang palayo at wag ng titingin.pero may parte sa katawan ko na nag sasabing lakasan ko ang loob ko kailangan malaman ko kung anong nangyayare dito.hindi ko pwedeng iwanan ang mga kaibigan ko.

Muli akong binalot ng kaba at panghihina ng tuhod ng maalala ko ang mga kaibigan ko.

Asan naba kayo??

Nag pakawala ulit ako ng malalim na buntong hininga kumuyom ang mga palad ko at sinimulan ng mag lakad.

Hindi to oras para maging duwag ako.kailangan kong malaman kung nasan ang mga kaibigan ko o kong ayos lang ba sila.malakas ang hinala ko na may hindi magandang nangyayari dito.may mali akong nararamdaman.

Bayat hakbang ng aking paa ay nagiging alisto rin ang mga kamay ko nakahanda na kung sakaling may umatake. Nag mamasid din ako sa paligid kong may nag iiba ba.

Bawat hakbang ko ay parang mas bumibigat animo'y pinipigilan ako ng lupang mag lakad. ganon nalang din ang alisto ng mga mata ko 'tingin sa kaliwa at tingin sa kanan.alam kong hindi lang ako ang tao dito hindi ko man nakikita pero nararamdaman kong maraming nakamasid sakin.

Napatigil ako sa harap ng music room dahil sa dahan sahang yapak ng paa na nag mumula don.hindi ganon kabilis kompara sa normal na lakad kaya nasisiguro kong yapak ito ng paa.

Pero ganon nalang ang gulat ko ng unti unting bumukas ang pinto nito.Gusto ng tumakbo ng katawan ko sa takot pero ang paa ko ay ayaw gumalaw.

Nanlaki ang mga mata ko ng may babaeng lumabas dito at halos hindi kona makilala dahil sa dugo na humilamos sa mukha nya.

"H-help"pag mamakaawa nya ng matumba sa harapan ko.ngunit para akong na estatwa sa kinakatayuan ko hindi ko alam kung paano ako kikilos dahil sa kaba na bumabalot sa sistema ko.

"P-please help me-huk!" Nanlaki lalo ang mata ko ng sumuka ito ng dugo. Nagulat nalang ako ng kusang gumalaw ang katawan ko at nilapitan ito.

"A-anong n-nangyayari sayo?" Aligaga kong tanong hindi ko alam kung saan sya hahawakan dahil puro hiwa ang braso nito at may ilang saksak sa katawan.

"X-cine, p-please help me" napatitig naman ako sa kanya at kinikilala kung sino sya.ngunit hindi ko sya mamukuan pero kilala nya ko.

"W-wag ka ng mag s-salita tutulungan kita" nasapo ko ang nuo ko dahil sa kilabot.takot ako sa dugo pero bakit ako nakaharap ng ganito.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now