CHAPTER 45-Delubyo-4

5.3K 182 73
                                    

Kingofhelluniversity-

-THIRD PERSON's POV-

Napakatahimik.

'Yan Ang masasabi ni Xine habang nakamasid sa paligid ng mataas na tore. Labis rin syang nag tataka dahil Hindi naman kalakihan ang tore. May maliit na pinto lamang ito na gawa sa rehas. Kaya nakakapag taka kung paano mag kakasya ang maraming nilalang sa loob.

Nang mapansin ang reaksyon ng dalaga, agad nabasa ni Zyn ang nasa isip nito. "Nasa underground ang pinakacentro ng tore." Nagulat si Xine. "Isa ito sa mga tagong laboratory ni Madame Black. Nakakalito rin ang loob nyan dahil lahat ay maze, maaring kontrolado rin nila ang bawat sikot."

"Kung ganon pa'no tayo makakapasok nyan?"

"Trust me, my Lady, I had know secret way for that. And beside ang mga grupo ko ay nag mamasid narin sa palibot ng tore."

Matapos ang mahabang pamamasid sa paligid naisipan nilang bumalik sa lugar kung saan sila nagtatago pansamantala.

Madilim na sa paligid at napakatahimik pa. Ang halimuyak at lamig ng hangin ay nakakabuhay ng kilabot sa katawan. Wala ni'isang nilalang silang nakikita sa paligid tanging maruruming kalsada at nagliliparan na dumi ang sumasalubong sa kanila. Pero kahit gan'on ay mas nag iingat parin sya kahit na si Zyn ay deretsong nag lalakad na tila walang takot.

"Sa tingin moba mabubuhay pa ako..."

Tila naging dahilan 'yon upang maging balisa si Zyn. Kunot nuo nyang nilingon si Xine na parang wala sa sariling nakatingin sa kawalan. Hindi niya nagawang mag salita agad.

"Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.. Ang pagkamatay ng marami..ang mga nararanasan ng kaibigan ko, tapos...tapos ngayon pati ang kapatid ko m-mahihirapan ng dahil sa'kin."  tuluyan ng bumigay ang mga luha sa kanyang mata.

Hindi alam ni Zyn ang gagawin para palakasin ang loob nito kaya naman hinatak nya ito at mahigpit na niyakap.

"Don't say that, this is not your fault. Hindi mo kasalanan na mapunta sayo 'yan." Patungol nya sa Puso ni Xine. "At mas lalong Hindi mo kasalanang baliw ang mga taong gusto kumuha nyan." Napasinghap nalang sa tawa si Xine. Pinilit niya ang sariling ngumiti at tiningala ang binata.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now