CHAPTER 11

6K 217 8
                                    

-THE GANG'S-

~XINE's POV~

Nag lalakad ako patungon sa Hell Office. May mga nag titinginan sakin tapos bubulong sa kasama. Siguro ay hindi pa din nila nalilimutan nong nakaraan.
Nakangiti akong nag lakad. nasa kalagitnaan nako nang pathway ng biglang may nakabanggaan ako.Malakas ang pwersa ng nakabangga ko kaya nahulog lahat ng hawak ko. Pinulot ko lahat yon tsaka Nag mura sa isip hindi tumitingin hindi ko nagawang tignan ang nakabangga ko nag angat lang ako ng tingin ng madampot kona lahat.

Nakakainis lang dahil nakalayo na sya . Muli akong nag lakad Nang biglang May mag salita sa mga speakers na nakadikit sa mga building.

"All of Students,Go To our Gymnasium" tinig ni Vice President.

Mabilis na nag silakaran ang mga Istudyante patungo sa Gym. Nakasabay na din ako sa mga nag lalakad.

"Bakit kaya tayo pinapapunta Sa gym"

"May iaanounce siguro"

"Sana naman good"
Bulungan ng mga nakakasabay ko papunta sa gym.

Malapit na kami sa gym ng
Mapalingon ako sa dulong bahagi ng cafeteria ng may mapansin akong mga grupo na may mga tabing sa mukha.

Gintong Maskara? Look familiar'

Parang nakita kona sila Dati.

San ngaba?

Hindi ko matandaan tsk.

Mabilis silang nawala sa paningin ko marami sila at ang tingin ko ay papunta din sila sa gymnasium ngunit hindi sila sumasabay samin dahil nasa likuran sila ng cafeteria dumaan.mag katabi lamang ang Gym at Cafeteria.

Nangiwi ako ng Mag kagitgitan na sa Entrance ng Gym.
Maliit lang kasi ang entrance ng gym pero kung makakapasok kana sa Loob ay talagang mapapahanga ka sa laki.

"Aw" asik ko sa dalawang nasa tabi ko dahil nagigitgit nako,ngunit parang wala silang pakeelam.

Hindi ba nila naisip na secretary ako? Kung sabagay hindi ko naman pinag mamalaki pinag-sisisihan ko panga tsk.

Naalala ko nanaman bigla yong pag iiba ng ugali ni Supremo nung Foundation Day.
Parang may mga ibig sabihin syang pinapakita don.
Tsk! Xine nakainom yon kaya abnoramal.

Nakahinga lamang ako ng maayos ng makapasok na kami sa loob ng gym. Marami ng Istudyante lahat nag bubulungan kong anong meron. Agad kong hinanap ang mga kaibigan ko.

Nakakapag taka panga dahil may mga nakahanda ng upuan sa gitna ng gym.

Nag palinga linga ako para makita sila.hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sila sa bandang harapan.

Ngunit bago pa ako makalapit sa kanila ay natanaw kona ang stage kong saan may tatlong grupo na mga nakatayo.

Pinag kunutan ko ng nuo ang unang grupo na nakita ko. Apat lang sila pawang mga lalaki lahat sila ay nakajacket na may hood sa ulo mahaba ang hood nila kaya hindi nako mag tataka kong hindi makikita ang mukha nila. Ang mga t-shirt na black nila sa loob ay may nakapintang Kutsilyo,iisa lamang ang Nakaputing T-shirt walang burda ng Kutsilyo ang damit nya,puti lamang yon.

Ang sumunod naman na grupo ay aapat na lalaki din Lahat sila ay nakacoat ng itim at white t-shirt, mahahaba ang mga buhok ng mga ito.walang tabing ang mga mukha nila prente silang nakatayo habang nakapamulsa at nakaCross arm habang masama ang tingin na nakatingin saming lahat.

Ngayon ko lang nakita ang dalawang grupo na yon ngunit ang natitira pang grupo ay pamilyar sa'kin

Mag patuloy nalang ako sa pag lalakad.tumabi ako kay Sally may bakante pa kasing upuan sa tabi nya.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now