CHAPTER 23

3.9K 132 4
                                    

--BRICKS'POIN OF VIEWS--

Mahigit isang araw na kaming nangangawit at nakakulong sa maalikabok at maduming kwarto na ito.

Hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko tuwing makikita ko ang mga kaibigan kong nahihirapan. Mag kakalayo kami ng upuan nakatali ang kamay at paa n
amin ngunit walang Nakatakip sa bunganga namin.

Kung hindi dahil sakin ,hindi sana tayo nandito..

Hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko na kasalanan ko kung bakit kami nandidito. Napakasama nila nung mga oras na yon sinamantala nila ang kahinaan namin. Pero hindi ko din maiwasan mamangha sa mga kaibigan ko dahil sinugal nila ang kaligtasan nila para sa kaligtasan ko.

Nang pumunta kami sa clinic ay hindi ako ginamot ng nurse. nag makaawa ang mga kaibigan ko sa nurse ngunit wala syang awa, hanggang sa dumating ang Demonyong si Gensis Laborte,Sinabi nya na magagamot lamang ako kapag sumama kami sa kanya. Kaya labis ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko dahil tinaya nila ang buhay nila para sakin.

Hindi kona maramdaman ang kirot saking sugat dahil sa tinurok nilang gamot,hindi ko alam kung ano yon pero gusto kong mag pasalamat.

"A-ayoko na dito! Ohoo!" Sigaw ni Sofia na umuubo ubo pa. Biglang nangilid ang luha ko dahil kitang kita ko ang pag hihirap nya. Gusto ko syang lapitan at yakapin pero hindi ko magawa.

"Kailangan nating gumawa ng paraan para makaalis dito" Si ArkSie. Gumalaw sya sa pinag uupuan nya tsaka pilit inaabot ang bulsa. Natigilan pa ako ng may ilabas sya don na maliit na kutsilyo.

"P-paano ka nag karoon nyan?" Gulat na tanong ni Sally.

"Shh..wag na kayong maingay" sita ko sa kanila tsaka pinanuod na kalasin nya ang pag kakatali sa kamay.

Para naman nabuhayan ako ng loob . Mabilis syang lumapit kay Lee ng makalas nya ang tali nya. Sunod na lumapit sya sakin "Salamat dre" nangingiti kong sabi sa kanya ng kinakalasan nya nako.

Tumingin naman sya sakin na parang nandidiri "kingina, bakla!" mahinang sigaw nya kaya natawa nalang ako. Mabilis akong lumapit kay Sofia .

"M-makakaalis na tayo" sabi ko sa kanya ngumiti naman sya kaya hinaplos ko ang pisngi nya tsaka tinggal ang tali. Sinunod ko naman si Sally.

"Wag kayong gagawa ng ingay" mahinang sabi ni Lee na Nag lilinga linga.

"Wala ng ibang daan bukod sa pintuan"si Sally. Pinakinggan nya pa ang pinto. malakas sa pandinig si Sally kaya alam nya ang gagawin. Sinenyasan nya kaming lumapit. Binuksan nya ang pinto tsaka bahagyang sumilip "Walang tao" mahinang sabi nya tsaka lumabas. "Jan muna kayo" pinanuod namin syang mag lakad patungo sa isang pinto at pinakinggan yon tsaka lumipat sa isang pinto pinakinggan din yon tsaka binuksan. "Tara na" agad kaming lumabas tsaka lumapit sa pintong binuksan nya.

Kung suswertihin nga naman kami dahil ang bumungad samin ay ang likod ng bahay kung saan may mga malalaking puno na. "Kailangan parin natin mag ingat" babala ni Lee na nanguna. Hinawakan ko sa kamay si Sofia kaya napangiti sya d^__^b pero hindi pa kami nakakalayo ng mamataan namin ang isang lalaking may baril sa gilid ng bewang habang naninigarilyo. Sumenyas si Lee na tumigil ,dahan dahan syang lumapit sa likod ng lalaki at mabilis na sinakal at Siniko sa batok dahilan para makatulog.

"Go" sinenyasan nya kaming dalian kaya mabilis kami nag punta sa liblib na gubat. Lakad takbo ang ginawa namin pero sa hindi kalayuan ay nakita namin ang tatlo pang lalaking palakad lakad na animo'y nag mamasid. Dali dali kaming napatago sa malalaking puno. Sumenyas sakin si ArkSie kaya bumitaw ako kay Sofia tsaka sabay sabay kaming dahan dahan nag lakad papunta sa tatlo pero. Narinig nila kami kaya naman..

"Waaaaa!!"

"Paaakk!"

Agad kong sinipa sa dibdib ang isa tsaka hinila ang kwelyo at pinag susuntok. Isang malakas na sipa ang ginawa ko kaya tumalsik sya pero nagulat ako ng hilahin nya ang baril at balak ipaputok pero agad syang dinagukan ni Lee tsaka sinipa ang isa pa. Pinatulog lang namin sila tsaka kami tumakbo palayo don.

--XINE's POV--

Tulala akong nakasandal sa pasimano ng Veranda habang nilalasap ang Malamig na hangin. Gabi na at DeadTime na pero wala akong pakeelam kung may lumipad man na bagay at mapatay ako dito dahil ngayon ay parang pinanghihinaan nako ng loob. Napapagod nako sa katotohanang Wala na kaming takas sa lugar na'to.

Wala sa sariling lumabas ako ng dorm at pumunta sa malapit na park at naupo sa swing, Tumingala ako habang nangingilid ang luha. Ang ning ning ng bituin at ang maliwanag na buwan ay parang nag papagaan ng nararamdaman ko.

Tinupad ng Lalaking nakasama ko kanina ang sinabi nya hinatid nila ko sa dorm kahit na parang wala na akong lakas kilalanin sila. Ilang sandali pa ay bigla nalang akong nangilabot . Ramdam ko ang presensyang nag mumula sa likod ko. Hindi ko magawang gumalaw at lumingon don dahil pakiramdam ko kapag ginawa ko yon katapusan kona.

"Wala akong sinabing lumabas ka.." nag tayuan ang balahibo ko ng marinig ko ang malamig na tinig nya.

Natigilan pa ako ng patalon syang maupo sa katabi kong swing.hindi ko nagawang alisin ang tingin ko sa kanya. Ramdam ko ang kabang nangingibabaw sakin.

S-sya ba?

Hindi makapaniwalang tanong ko sa isip ko. Bahagya pa akong natigilan ng salubungin nya ang tingin ko. "Ako nga.." nanlaki ang mata ko ng sabihin nya yon.

P-paano mong nalaman?

Nagugulat ako ng malaman at mabasa nya ang nasa isip ko. "Wag mokong titigan" natatawa pang sabi nya kaya wala sa sariling napaiwas nalang ako ng tingin. Kahit pa nakamaskara sya ng Ginto ay alam ko at nakilala ko sya sa ilang sandaling nakasama ko sya.

"B-bakit hindi mopa ko p-patayin" bigla nalang bumuhos ang luhang kanina kopa pinipigilan.

"Hindi ko magagawa yon"

"P-pero yon ang d-dapat ginagawa mo dahil oras nang pag p-patay nyo" nanginginig kong sabi sa kanya.

"Hindi ko magagawa yon, at hindi ako ang gagawa non..Kung iba man ang nakakita sayo siguro ngayon, nakabulagta kana"tumawa pa sya ng malakas.

"Tss! Umalis kanga dito!" Inis kong sabi sa kanya.

"Ang sungit mo talaga" natatawa pang sabi nya. "Pumasok kana at wag ng lumabas pa"bakas ang pagiging seryoso nya. Tumayo sya , natigilan pa ako ng hawakan nya ko sa dalawang kamay at marahan itayo. "May nararamdaman akong kakaiba"sabi nya pa hanggang nakahawak parin sakin ,habang ako ay nakatingin sa kanya mata.

Hindi ko alam kung bakit gumaan ang pakiramdam ko ng makaharap ko sya ngayon "bakit" tanging lumabas sakin.

"Kapag kasama kita"nag tindig ang balahibo ko "pakiramdam ko napakasarap mabuhay tuwing makikita kita" mahina ang pag kakasabi nya pero rinig na rinig ko.

Hindi ko maklaro ang lalamunan ko kaya agad akong napabitaw sa kanya tsaka umatras. Rinig kopa ang buntong hininga nya bago nya ko muling hilahin "J-just forget what you heard" sabi nya habang hinihila ako pabalik sa dormitoryo. Hindi ko alam kung paano naman ako mag rereak ,pakiramdam ko ay nawala ako sa sarili.

Pagkarating sa Dorm ay wala kong lingunan na pumasok sa loob at mabilis sinira yon. Para akong nakahinga ng maluwag dahil don.Hindi ko maintindihan kung bakit nya sinabi yon at kung ano ang punto nya pero may kung ano ang nabubuo sa isipan ko na gusto nyang sabihin . Pero hindi ko matanggap yon.

Habol ang hiningang nakapikit ako habang nakasandal sa pinto "Hoy!" Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang tinig na yon kasabay ng pag hawak nya sakin.

____

HELLOO NAMAN SA MGA NAG-TIYAGANG HINTAYIN ANG UPDATE KO d^__^b. Salamat sa pag hihintay! .

NGAYON AY MAGIGING MABILIS NA ANG PAG-UPDATE KO DAHIL TAPOS KO NAMAN NG MAEDIT ANG KWENTONG ITO. KAYA KUNG AKO SAYO BASAHIN MO ULIT 'to MULA UMPISA HANGGANG DITO,DAHIL MARAMI PO AKONG BINAGO...

YUN LANG SALAMAT!!
EnJoy! Kaibigan!!

-itsmella29

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now