CHAPTER 43-Delubyo-2

3.7K 146 11
                                    

Kingofhelluniversity-To become a heroes.

--ARKIE's POV--

Tahimik

Madilim

Madumi

Magulong paligid

Ang mga napansin ko sa lugar na ito matapos Kong sundan si Mang Erning . Hindi ko alam kung saa'ng lugar ito ,basta ang alam ko lang malayo 'to kung saan maraming kabahayan at tao. Masyadong masalimuot ang lugar.nag tataasan rin ang mga puno at damo bago makarating dito.

Para itong isang lumang bahay dahil sa dumi ng paligid at halos sakupim narin ng mga galang Halaman ang buong paligid.

Kasalukuyan akong nakatago sa isang malaking tangke at inaaninag ang lugar na kaniyang nilakaran, pero sadyang napakadilim ng paligid kung kaya't nahihirapan akong hanapin siya. Mabilis kasi siyang nalingat sa paningin ko dahil habang tumatagal ay mas lalong dumidilim ang paligid.

Napahawak ako sa nuo ko ng makaramdam ng pamamawis. Gusto ko siyang sundan sa madilim na bahagi na'yon pero Hindi ko maiwasan kabahan dahil baka mahuli niya 'ko.

Alam kong marami kang tinatago mang Erning. Hindi ka pupunta rito kung wala...Hindi ako makapapayag na malagay sa piligro ang buhay ng kapatid ko.

Muling umakyat ang galit sa'kin ng maalala si Xine. Malakas ang kutob ko na may Hindi magandang nangyayari sa kaniya.

Matagal narin akong nag hihinala Kay Manong Erning lalo na ng malaman kong walang nakaregister na HEAVEN UNIVERSITY na Univ.o school manlang sa lugar namin. Sinubukan ko rin mag hanap at mag tanong sa iba pang nakakaalam kung saan may univ. Na ganon, maraming kapareha pero lahat sa kanila walang Nag sasabing bawal ang Pag dalaw sa Istudyante, at bawal ang communication sa labas. Isa pa wala silang student na kapangalan ng kapatid ko.

Ngayon sigurado nako... Na may tinatago siya sa'min.

Walang hiya ka! Kapag may masamang nangyari sa kapatid ko, binding Hindi kita mapapatawad! Tanda!

Galit akong lumabas sa pinag tataguan ko at nag lakad papunta sa mas madilim pang parte na kaniyang pinuntahan.

Sinibukan Kong mag palinga-linga sa paligid pero sadyang kadiliman lang ang nakikita ko.napatigil ako ng may maramdaman presensya sa paligid. Alam Kong si mang Erning 'yon at pinapanuod lamang ako. Hindi ako gumalaw pa at nakiramdam nalang. mata ko lang ang gumagalaw at hinahanap siya pero Hindi ko siya makita. Isa pang nag papadilim sa kaniya ay dahil nakaitim itong kasuotan at maitim rin siya! Tsh!

"Lumabas kana mang Erning."
Malakas ang loob na sabi ko at nag paling a linga ulit. Naramdaman ko ang mga yapak ng paa. papalapit ito sa'kin.

"Napatagal yata ang pag tatago mo kanina Sir Arkie." Tila nanibago ako sa tono ng pananalita niya dahil para isa itong demonyo at sinabayan niya pa ng tawa.

"Hayop ka! Sabihin mo sa'kin kung nasan ang kapatid ko!" Sigaw ko at inikot ng tingin ang paligid.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now