CHAPTER -50 Delubyo 8

1.2K 72 9
                                    

Makukulay na palamuti . Iba't ibang kulay ng ilaw na patay sindi Ang makikita sa bawa't haligi ng bawat bahay . Maingay na paligid at mga taong magiliw na bumabati sa isa't isa. Masasayang tugtugin na sumasabay sa ningning ng mga bituin .

Masayang sinalubong ng bawa't Isa ang panibagong taon.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman . Mula sa malayong lugar , sa madilim at masukal na kagubatan may nakakubling gusaling paaralan ngunit Hindi nasasakop ng komunidad at ng gobyerno , lingid sa kanilang kaalaman na mayroong hindi magandang nangyayari sa bandang iyon.

Ang mga putok ng baril na nag mumula sa loob ay mistulang sumasabay lamang sa mga paputok na sinisindihan ng mga tao.

Ngunit natigil ang kasiyahan sa sentro ng syudad dahil sa mabibilis at maiingay na Wang Wang Ang namutawi sa paligid galing sa sasakyan ng mga pulis.

-XINE's POV

Nagitla ako at agad napamulat dahil malakas na ingay. Nanlalabo Ang paningin ko at Wala akong maaninag bukod sa mga aninong malilikot at ang Ilan na mga sigawan, gayon na rin ang malakas na ingay , tila Parang may pag sabog at Kung minsan parang may putok ng baril.

Tila para akong manhid dahil Hindi ko manlang maramdaman Ang aking katawan , nag palingon lingon ako at pilit kinikilos Ang aking katawan . Hindi ko Alam kung anong nangyayari at nahihirapan ako maabsorb Kung bakit hirap kong igalaw Ang katawan ko , para bang may nag papabigat rito.

Ilang ulit akong huminga ng malalim bago muling nag mulat , sa pag kakataong Ito mas malinaw na ang paningin ko. Nabuhay Ang matinding pangamba at gulat sa Nakita ko . Nag kakagulo Ang paligid ko , Ang mga aninong nakikita ko kanina Lang ay mga armadong tao, lahat sila ay may kinakalaban .

Hindi ko mawari Kung bakit kumirot bigla Ang dibdib ko , napahawak ako 'don nagulat pa ako ng makitang pulos dugo na Ang suot Kong berdeng bistida, biglang may pumasok na ala-ala sakin Kung saan nasa iisang kwarto ako at okupado Ang mga taong nais isagawa Ang Plano saakin.

Naramdaman Kong wala Naman akong hiwa sa dibdib pero ang suot Kong damit ay may hiwa . Malamang ay nag hilom na Ang sugat ko .

Pero agad naagaw ng atensyon ko ang isang Tao, ilang dipa man Ang layo niya saakin pero nakakasiguro akong si Arkie 'yon . Bumigat Ang dibdib ko ng Makita ko siyang may hawak na patalim at hinawasiwas iyon sa kaniyang kalaban, huli na ng mapag tanto Ko na ang driver namin ang kalaban niya , si Manong Erning .

Nabuhay Ang galit sa dibdib ko at tila naging dahilan 'yon Kung bakit nakatayo ako agad . Nilibot ko ng paningin Ang paligid . Lahat ay nag kakagulo , muli Kong namataan Ang mga taong naging kalakasan ko at naging kahinaan ko rin . Ang akala ko ay ipag kakaluno nila ako at hahayaan mamatay , ngunit Ito sila ngayon nakikipag laban maligtas  Lamang ako .

Umihip ang malamig at malakas na hangin , bahagya akong nangiti ng lumipad ang ilang hibla ng buhok ko . Muli akong pumikit at ninamnam 'yon. At sa pag kakataon na Ito , sa muling pag mulat ng Mata ko , sa pag galaw ng palad ko ,Wala akong kakaligtaan Isa man sa gustong manakit sa mga Mahal ko Lalo na sa buhay ko.

-THIRD PERSON POV

Mula sa gitna ng kaguluhan , sa gitna ng patayan , sa lugar Kung saan dumadamak ang dugo ng karamihan . May isang dalaga Ang nakatayo at nakapikit na tila ninanamnam Ang sandali .

Ngunit sa pag dilat ng kaniyang mga mata, ang pag silip ng ngisi sa kaniyang labi ay tila nag bigay ng kilabot sa hangin .

Ang ilan ay natigilan at nabalot ng takot , hindi dahil nakikipag laban sila sa kamatayan kundi dahil nagising na Ang mag dadala sa kanila sa kamatayan .

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now