CHAPTER 36

3.5K 117 4
                                    

DUMAAN Ang isang Linggo na sunod sunod na ang natatagpuan'g bangkay na wala ng puso sa paligid. Dahil sa takot nang ilan at mabaliw baliw sa kakaisip, maraming nag tangkang tumakas. Ang akala ng iba ay nag tagumpay ang mga sumubok tumakas, pero laking takot nila ng mamataan na lamang na walang buhay ang mga ito sa iba't ibang parte ng hell university.

WALANG PUSO

Ang unang salita na lumalabas sa bibig ng mga istudyanteng nakakaranas at nakakaramdam ng takot. Hindi narin bumalik sa ayos ang kapaligiran. Tila lahat ay takot lumabas sa kani-kanilang dormitoryo at may kabang dinadala.

Isang linggo din ang nag daan ng walang mamataan na kahit bakas man'lang ng Supremo. Maraming nangangamba at nag aalala kung nasaan na ito at isa narin ako sa labis na nag-aalala sa kalagayan nya.

Bihira na rin ako palabasin ng mga kaibigan ko dahil halos hantingin at gusto na akong patayin ng lahat dahil sakin nila binubunto ang parusang napataw sa supremo kung kaya't magulo at walang namamahala saamin ngayon.

Naging legal narin ang pag patay sa paligid. Hindi narin nag papakita pang muli ang Head master at Mistress , alam ko na sila ang puno't dulo ng lahat ng nangyayari sa paligid dahil sa kagustuhan nilang makamit ang kanilang nais. Napakasama.

Nag lalakad kami ngayon papunta sa Canteen upang kumuha ng pag kain. Halos napabayaan narin ang stocks ng pag kain sa lahat ng istudyante at ang tanging paraan na lamang namin para makakain ay ang canteen kung saan duon may nakaimbak na pagkain. Nag iba din ang takbo ng paligid, ang dating maaliwalas na paligid ay nawala, maraming dahon ang nakakalat mula sa puno na nag lalagas, ang mga masasangsang na amoy ay maamoy kahit saan dala ng mainit na hangin. Tila hindi man lang sumikat ng matirik ang araw at parang napaka bilis kumulimlim ng paligid.

Nilingon ko ang mga kasama ko. Nasa gitna nila ako at halata ang pagiging alerto, Dumaan ang araw na hindi nila ako iniiwan mag isa dahil bawat minutong pumapatak ay may taong gustong pumatay sakin. Alam kong kaya kong lumaban pero ang hindi ko kaya ay ang kumitil ng buhay na naiipit lang din sa dalawang pader na walang pag pipilian.

Lahat kami ay natigilan sa pag lalakad ng mag sisigaw ang nasa harapan namin. Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano tumalsik sa kanya ang dugo ng taong nahulog mula sa taas.

Or should i say is,Hinulog. Tumingala ako at duon ko nakita ang isang lalaki na mabilis tumakbo.

"Oh! God!" Usal ni Sally at hindi makapaniwala dahil natalsikan din sya ng dugo. Tinitigan ko ang lalaking naliligo sa sariling dugo at ang mga baliko nyang buto. Masama ang pag kabagsak nya kaya imposibleng mabugay pa sya mula sa 3th floor.

"Kuyaa!!" Biglang may tumakbong babae sa lalaking bangkay na at umiyak habang pilit na ginising ang kanyang tinawag na kuya. Marami narin ang nakakita at pumalibot sa pang-yayari pero ilang sandali lang ay natakot ang lahat at nag sitakbo ng may mga naka-sergical gown ang nag silabasan at lumapit sa bangkay.

"Wag! Wag nyo syang kukunin mga hayop kayo! --ah!" Pinag tutulak ng babae ang mga naka sergical gown pero sinuntok sya ng isa at kinaladkad.

Agad nag init ako ulo ko kaya lalapit na sana ako ng bigla akong pigilan nila "please, wag kang mangingielam Xine" namamasa ang mata ni Dine na tumingin sakin. Napahugot nalang ako ng hininga , ayokong nakakakita ng naaapi at sinasaktan sa harapan ko. Oo inaamin ko ilang beses na akong may nasaktan pero ginawa ko'yon ng laban sila. At hindi ko kayang manakit kung alam kong walang laban.

Umalis na din kami 'dun at wala ng nagawa pa ng kunin nila ang bangkay kasama ang babaeng wala ng malay.

"Napaka'sama talaga nila" si Sofia "natatakot ako sa mga susunod pang mangyayari" agad naman syang inalo ni Bricks .

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now