CHAPTER 27 (GameBlood)

4.2K 156 26
                                    

HI MGA KAREADER's! THANK YOU SO MUCH TO FOLLOW MY FAN-FICTION STORY (KHU!) THANKYOU TALAGA!

Pero nais ko po sanang malaman nyo na nag uumpisa palang ang MGA MALALAGIM AT KAGIMBAL-GIMBAL NA ISTORYA KO (grabe sa kagimbal gimbal eh haha) d^__^b Sigurado po'ng hindi kayo mag'sisisi kapag sinubaybayan nyo 'to Hanggang Huli!

_______*

--BRICKS POV--

Kasalukuyan kaming nasa loob ng klase at nag susulat.tahimik ang lahat at tanging ingay lamang ng aircon ang bumabasag sa tahimik ng paligid.

Magkakasama kami ngayon sa iisang Subject lamang kaya ng matapos ang klase ay nauna nang lumabas ang iba iilan na lamang kaming naiwan sa loob ng room.

"Tara! dalian nyo naiihi na ko eh" pag mamadali ni Sofia kaya taranta akong lumapit sa kanya.

"T-teka! Wag kang iihi dito ah! Baka may makakita sayo wait wait--aw!" Napabusangot ako ng makatanggap ako sa kanya ng batok.

"Baliw ka talaga!" Inis na sabi nya pa tsaka nauna.

"Tss nag sasabi lang eh"bulong kopang sabi habang nakanguso natawa naman ang iba naming kaibigan tsaka lumabas. Inayos kona rin ang gamit ko tsaka sumunod pero bago pa ako makasunod ay may nahulog na papel muli sa bag ni Xine .tinignan ko muna sya pero tuluyan na syang nakalabas. Kinuha ko ang papel tsaka tumingin sa paligid.

Ano kaya 'to .

Maayos ang pagkakatupi ng papel kaya halatang hindi ito itinapon lang o scratch paper lang. Sinimulan kona itong buksan at agad bumungad sakin ang isang drawing na scorpion sa gilid gilid nito ay may mga matutulis pa na ukit.

Muli ko itong tinitigan ngunit wala ng kakaiba dito kaya bumuntong hininga nalang ako tsaka sumunod sa kanila.

"Anong order nyo?" Tanong ni Xine ng nasa cafeteria na kami.agad naman naming sinabi kanya nag thumbs up pa sya"tara upo na tayo"

"Huy oorder pa tayo" naguguluhang sabi ni Sally ng igaya nya kami Paupo sa isang table.

"Ako nalang" kumindat pa sya tsaka itinaas ang kamay, wala pang isang minuto ay lumapit na ang isang matandang lalaki na nakay Xine ang tingin.

Hahahah SSG Nga pala 'to

"Sigurado poba kayo na ikaw lahat ang kakain nyan?" Gulat pang tanong ng waiter. Tsaka pasimpleng sumulyap samin.

"Yes,gusto kong mag pataba eh" nakangusong sabi ni Xine.agad naman umalis ang lalaki.

"Huy! Ikaw ah! Mamaya pag buntungan kami ng ibang istudyante dito dahil sa ginagawa mo eh" ngiwing sabi ni Dine .

"Hahah nakakatamad kasing pumila,gutom na rin ako eh"

Maya maya lang ay dumating na ang waiter.nagulat pa kami ng ilatag nya ito isa isa sa harapan namin tsaka walang pasabing umalis. "Hindi yata naniwala si manong na ikaw lang kakain nyan"natatawang sabi pa ni Sofia my loves hehe.

Nasa kalagitnaan na kami ng kainan ng bigla akong may naalala.

Curious lang talaga ako.

"Tingin nyo ano kaya ung sinasabi ni Lile Raminez na nalalapit na ang ating kapahamakan?"  Pang gagaya kopa sa sinabi nung Lile.Kita ko na lahat sila ay natigilan sa biglaang sabi ko.

"Hindi natin alam kung ano ang tinutukoy nya pero nakasisiguro akong isang banta ang sinabi nya" si Lee ,seryoso lang sya habang naktingin sa malayo "kailangan natin mag ingat"

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now