CHAPTER 35

3.5K 112 2
                                    

Palabas na sana ako ng Dormitoryo ng may biglang humatak sakin pabalik.

Tinignan ko si ArkSie na may pag tataka "Wag ka munang lalabas"

"Ha? Bakit?" Sumilip sya sa bintana. Makulimlim sa labas at mukang bubuhos ang malakas na ulan. Dalawang araw akong hindi nakapasok at nakalabas ng dormitoryo ng sumpungin ako ng alergic dahil sa nakain kong green peace sa hinandang  pagkain sakin ni Supremo nuong kaarawan ko at halos hindi kona sya makilala ng makita nya kung paano ako mamula at mag kapantal sa katawan kaya taranta nya akong dinala sa clinic at ngayon hindi ko alam kung paano haharap sa mga istudyante'ng nakakita sa'amin na may malaking pag tataka. Hindi ko alam kung anong mangyayari pero alam kong malaking problema ang haharapin ng supremo ngayon, at ayoko syang iwan mag isa sa problema na kasalanan ko naman,  kaya kahit masama at namamantal pa ang ibang parte ng katawan ko ay nais ko parin makita sya.

"H-hindi pa maayos ang kalagayan mo,mas makakabuting mag pahinga ka muna" sabi nya at inalalayan ako paupo.

"Hindi, okay nako" pag pumilit ko at tumayo ulit pero inupo nya ulit ako. Nag init ang ulo ko "Ano bang problema mo ArkSie!" Inis kong sigaw sa kanya, halatang nagulat sya pero hinarangan nya parin ako.

"Hindi makakabuti sayo kung mag papakapagod ka" nangunot ang nuo ko kasi naging malikot ang mata at nakikita ko 'don ang kasinungalingan.

"Anong nangyayari?" Seryoso kong tanong. Tila natigilan naman sya bago umiling illing.

"Wala Xine, Kailangan mo lang talagang mag Pahinga"

"Bullshit! Tell me what happened on the outside!"

Nakaramdam ako ng galit, at takot na bumuhay sa pag daloy ng dugo ko sa katawan. Sabi ko nanga ba. Ramdam na ramdam ko na may kakaibang nangyayari ngayon dito. Madalas lamang akong tulog at nasa kwarto,sila nalang ang nag dadala ng pag kain ko at napag hahalataan ko na palagi silang iwas at ilang kapag kaharap ako .

"X-xine please..clam down" tila kinakabahan na sabi nya at akma akong hahawakan pero umiwas ako.

"Anong nangyayari kay Jack?" Pigil ang galit kong sabi. Hindi nya naman nagawang tumingin sakin at napahawak nalang sa nuo.

FUCK!

sa Inis ko ay tinabig ko sya at alam kong napaupo sya sa sofa dahil sa lakas 'non. Pag bukas ko ng pinto agad sumalubong sakin ang malamig at nakakakilabot na hangin sa balat ko. Napatingala ako sa langit. Madilim at nag babadya ang malakas na pag ulan. Mabilis akong bumaba ng dormitoryo. Nag palingon -lingon ako sa mag kabilang gilid dahil napakatahimik ng lugar at pakiramdam ko nababalot ng mabigat na aura ang buong paligid.

Binilisan ko ang pag lalakad patungo sa Hell office dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa paligid. Nakatago man sila sa iba't ibang dako pero hindi nila ko maiisahan.

Agad akong umikot sa ere ng may kutsilyong lumipad sa gawi ko.

"Magaling kang umilag Ms.Harget" mula sa madilim na parte ay nag labasan ang mahigit sampong istudyante na pinapangunahan ngayon Shan at ..Yeah Sino paba. AXEL na nakangisi na ngayon .

"Masaya ka ba sa sinapit  ng Supremo, Yull" agad nangunot ang nuo ko sa sinabi nya.

"A-anong nangyari sa Kanya?" Kinakabahan kong tanong . Muli akong napaiwas ng ibato muli ni Shan ang isang kutsilyo sakin. Humalakhak sila.

"Hindi mo alam? Hindi mo alam ang katangahan na ginawa mo!" Hindi ko namalayan ang mabilis na pag lapit ni Axel at sinampal ako. Tila hindi koo iyon ininda at natulala lang ako. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Supremo at nangangamba ako para 'don.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now