CHAPTER 26

4.1K 148 13
                                    


*Sino po Marunong gumawa ng Cover Ni'to d^_^b hanidyu po.

~~XINE's POV~~

"Xine! okay ka lang ba?" napaigtad ako sa pag kakaupo ng hawakan ako ni Dine . Bakas sa mukha nya ang pag-aalala kaya napaayos ako ng upo.

"Oo naman" ngumiti ako sa kanya.

"Pero ilang araw ka ng ganyan'eh" bakas ang pag aalala sa tono nya. Napabuntong hininga na lamang ako. Totou na ilang araw na akong ganito at palaging balisa at parang maraming iniisip ayon sa mga kaibigan ko . Dalawang araw na ang nakalipas mula ng mag kita kita kami ,eto ulit kami balik sa University at umaakto ng normal katulad ng mga istudyante dito.Pero hindi ko maitatago ang masasama at laging galit na pakikitungo ng mga tao dito .

Lahay sila ay iwas samin para bang may sakit kaming nakakahawa kaya kung makatingin sila ay parang gusto nalang nila kaming dakpin at tanggalin sa mundo.

"Sa tingin mo may binabalak nanaman sila?" natigilan ako ng marinig ko'yon .Ganon nalang din ang pag tataka ko ng makita ko nalang ang sarili kong nag lalakad at nakikisabay sa mga kaibigan ko. Ganito ba talaga ko kalutang? napahilamos nalang ako tsaka tumingin sa kanila .Nasa hallway na kami at sa tingin ko ay papunta na kami ng canteen.

"Why would not them to find us?" napatingin ako kay Bricks "ilang araw na ang nakalipas mula ng makatakas tayo sa kanila. Pero bakit hindi nila tayo hinahanap?"

"I think that was a trap .Hinuli lang nila tayo para mapalabas si Xine" tumaas ang kilay ko ng sabihin 'yon ni Lee. Hanggang ngayon hindi parin ako nakakalimot sa mga nangyari nung mga nag daan. dalawang araw na kaming pumapasok ulit dito sa hell university . Sinabi nila na kailangan namin mag ingat kada oras dahil bigla bigla na lamang tutunog ang kakaibamg tunog ng bell . Yun ang oras na tinatawag nilang Gameblood kada minuto na pumapatak ay nagiging alisto kami dahil ano mang oras ay pwedeng mapahamak kami kapag tumunog na'yon lalo na't mainit kami sa mata ng tao dito.

"Pero wala naman silang mapapala sakin e!" naiinis kong sabi. dahil wala naman talaga silang makukuha sakin at wala akong kinalaman.

"iyon din ang ipinag tataka ko kung bakit ikaw ang gusto nilang makita upang lumabas ang Supremo . Isa ka lamang istudyante dito pero kakaiba ang trato sayo ng Supremo ,jan marahil sila nakapag plano at ikaw ang ginawa nilang taya at kami ang pinain" mahabang sabi ni Bricks .Pero wala parin akong maintindihan.

"Kilala ka nila" biglang sabi ni Lee. Mag sasalita na sana ako kaso naunahan nako ni ArkSie.

"Paanong kilala? tsaka kung si Xine talaga ang kailangan nila bakit hindi pa sila kumikilos ngayon? alam nating lahat na alam na nilang nakabalik na si Xine .Pero bakit parang wala silang kinikilos para kunin sya" sinenyas nya ko kaya napairap nalang ako sa hangin.

Gusto pa yata akong ipahuli. Tsh!

"Siguradong may plano nanaman sila Dahil pati ang Head Master at mistress ay matagal na'rin na hindi nag papakita" Si Bricks. Bumuntong hininga nalamang ulit ako.

Pumila na kami ng makapasok na kami sa loob ng Canteen. ramdam namin ang pag katingin ng lahat dahil sumabay dito ang pagtahimik ng paligid.

Pwede akong hindi pumila dahil SSG  naman ako pero bilang pakikisama sa mga kaibigan ko ay pumila na din ako.Luminga linga ako sa paligid habang iniiwasan ang mga tingin nila .

bakit ba sila ganyan tumingin? pakiramdam ko nasa hotseat ako.

Natigilan ako sa pag mamasid ng may makita akong imahe ng tao sa pintuan ng Kabilang entrance kung saan dumadaan ang mga former ng School. Nakatayo'to sa entrance habang nakatingin sa gawi ko .Hindi kona kailangan makasigurado dahil alam kong saakin sya nakatingin.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now