Part 2

1.4K 26 0
                                    

FIVE YEARS AGO...

IYON ang unang araw ni Lawrence sa malaking unibersidad na iyon sa Maynila. Nasa unang taon siya sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Business. Ang totoo hindi niya inasahang papasa siya sa kilalang unibersidad na iyon. Pero nagawa niya. Labag sa kalooban ng mga magulang niya ang mag-Maynila siya dahil kung tutuusin ay mayroon ring malaki at kilalang eskwelahan ang bayan ng Don Arcadio kung saan nagsipagtapos ang dalawang nakatatanda niyang kapatid na sina Fritz at Sean. Siya ang pangatlo sa kanilang magkakapatid. Lima sila at puro mga lalaki. Ang sinundan niya ay si Stephen at ang bunso naman ay si Yhuan.

Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang nilang sina Amado at Roma sa pagpupumilit niyang mag-Maynila, sa kalaunan ay naipaunawa din naman niya sa mga ito na gusto niyang subukan ang mamuhay ng mag-isa. Gusto niyang maging independent kagaya ng kuya niyang si Fritz na ngayon ay isa ng matagumpay na engineer. Bukod kasi sa bunso nilang si Yhuan, masasabi niyang siya ang isa pang laging nakadikit sa nanay nila dahil sa pagiging sakitin niya noong maliit pa siya. Pero ngayon ganap na nga siyang magaling, gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Para nang sa gayon ay kayanin rin niya ang magtayo ng sariling negosyo ng mag-isa balang araw.

Walking distance lang ang layo ng tinutuluyan niyang apartment mula sa unibersidad. Ang nanay kasi niya mismo ang pumili at nagtingin niyon ayon narin sa tagubilin ng kanyang ama. Sa parteng iyon naiintindihan niya ang mga ito, dahil sino ba namang magulang ang hindi gugustuhing ibigay ang pinakamaganda sa kanilang anak lalo kung kaya namang ibigay? Mayroong isang maliit na sala, kwarto, kusina at banyo ang apartment bagay na gustong-gusto naman niya dahil wala siyang kaprobleproblema kung tutuusin, ang tanging kailangan lang niyang gawin ay mag-aral at magtapos. At iyon ang talagang goal niya sa buhay.

Hindi naman naging mahirap para sa binata ang paghahanap ng classroom. Sa loob gaya nang nakagawian na niya, sa unahan siya naupo. Kita naman sa suot niyang glasses ang ebidensya at dahilan kung bakit. Maliban nalang kung alphabetically arranged sila dahil Lerios ang apelyido niya.

Ilang sandali narin siyang nakaupo doon nang tabihan siya ng isa ring lalaking nang lingunin niya ang mabait na ngumiti at tumango agad sa kanya. "Tristan" anitong inilahad pa ang kamay sa harapan niya.

Tinanggap niya iyon saka gumanti ng ngiti. "Lawrence Joseph Lerios" sagot naman niya.

Tumawa ng mahina ang lalaki. "Binuo mo pa talaga, anyway glad to meet you pare" anito sa mabait na tinig.Tumango lang siya saka hinarap ang gurong kapapasok lang.

ONE WEEK LATER

"SALAMAT" sa quadrangle tinanggap ni Lawrence ang flyer na iniabot sa kanya ng isang estudyante. Kalalabas lang niya noon ng canteen at patungo siya ng library. May isang oras pa siyang bakante at si Tristan ay nagsabi sa kanyang may sasamahan pang matalik na kaibigan sa pagkain nito ng lunch kaya nauna na siyang kumain. Binasa niya ang papel para lang mapangiti nang mapagalaman kung tungkol saan ang nakasaad doon.

Patalastas para sa lahat ng may angking talino sa pagsulat ng tula at maikling kwento. Natawa siya ng mahina. Hilig niya ang magsulat ng tula at short stories. Sa katunayan marami narin siyang published poems sa school journal ng high school na pinagtapusan niya.

Masubukan nga. Ang isip niya habang nagpatuloy siya sa paglalakad ng nakayuko dahil sa ginagawa niyang pagbabasa sa flyer.

"Hey!" ang malakas na sigaw ng babaeng kasalubong niya.

Mabilis na nataranta doon si Lawrence saka tinilungan ang babae sa pagpulot nito sa tumilapong dala-dalahan. "I-I'm sorry Miss, hindi kita nakita pasensya na" aniya sabay abot ng libro dito.

Noon galit na nagtaas ng ulo ang babae, naniningkit ang mga mata siyang pinakatitigan saka nagsalita sa mataray na tinig. "Paano mo akong makikita eh busy ka diyan sa binabasa mo!" galit nitong sabi.

Si Lawrence nang mga sandaling iyon ay parang nananaginip at hindi nakapagsalitang pinakatitigan lang ang kaharap. Napakaganda nito, at sa totoo lang ito na ang pinakamagandang babaeng nakita niya.

Mapupula at makipot na labi, bilugang mga mata na itim na itim ang kulay, mahahabang pilik, tila iginuhit na mga kilay, matangos na ilong, alon-alon ang buhok nitong nag-aagaw sa itim at brown ang kulay na may habang lampas-balikat. Mestisahin ang kutis nitong nangingintab na tila porselana, at may taas ang babae sa na tingin niya'y nasa five feet and seven inches.

"You look beautiful" ang paanas niyang turan habang nanatiling nakatitig sa mukha ng babae na nakita niyang mabilis na nagkulay mansanas.

JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now