Part 21

709 14 0
                                    

KINAHAPUNAN kasama ang ina ni Lawrence na si Roma ay tumulak sila paluwas ng Maynila para sa pormal na pamamanhikan ng binata. Hindi na kasi nagkaroon ng chance ang ama ni Lawrence na si Amado dahil nasa abroad ito.

Masayang-masaya ang Papa at Mama niya para sa kanya. Dangan nga lang at hindi maiwasan ng mga ito ang maging emosyonal dahil sa nag-iisang anak siya. Bukod pa roon ay hindi rin naman biro ang pinagdaanan niya.

"Are you happy?" si Lawrence nang magkatabi silang nakaupo sa swing na nasa garden ng kanilang bahay.

Noon niya itinaas ang kamay kung saan nakasuot ang singsing na ibinigay sa kanya ni Lawrence. "Sobrang saya, sana palagi tayong ganito" aniyang inihilig ang ulo sa balikat ng binata.

Napapikit siya nang halikan ni Lawrence ang kanyang ulo. "Ito na ang simula, at hindi na tayo magkakahiwalay. Kahit kailan" ang binata.

"I know, kasi kahit anong mangyari hindi ka mawawala dito sa puso ko. Kagaya nang nangyari before."

Sa kabila ng madilim na kalangitan ay nakita niyang kumislap ang mga mata ng binata. "Alam mo bang may kwento ang singsing na iyan?"

Umangat ang isang kilay ni Anya. "Really?"

Tumango si Lawrence, pagkuwan ay sinimulang isalaysay sa kanya ang kwento ng engagement ring na ibinigay sa kanya ng binata. "Kaya pala hindi siya nag-asawa at hindi na siya umalis sa bayang iyon" anito pa.

"I'm hoping na sana, sa atin magkaroon ng happy ending ang singsing na ito" totoo iyon sa loob niya.

Noon hinawakan ni Lawrence ang kamay niya saka itinaas at hinalikan. "Oo naman, kasi kung ako ang tatanungin mo wala na akong balak na itigil ito."

Humaplos ang mainit na damdamin sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng binata. "Same here" aniya.

Nang yukuin siya ni Lawrence para halikan ay tinugon naman niya ng maiinit ring halik ang mga labi ng binata. Alam niyang totoo ang sinasabi ng binata, naniniwala siya dahil nararamdaman niya. At tiyak niyang kung nasaan man ngayon sina Phil at Tristan, pihadong masayang-masaya na ang mga ito para sa kanya.

"PERO ikaw ang tumanggi nang alukin ka niya ng kasal!" ang tila napipikon nang sagot ng ina niyang si Celina sa kanya.

"Sinabi kong babalik ako Ma! Babalikan ko siya! Bakit hindi siya naghintay?" ani Claire saka muling sinaid ang lamang alak ng hawak niyang baso.

"Kung ganoon pala, sana gumawa ka ng paraan noon? Tumawag ka sana, o kaya kahit sa internet lang" ang ina ulit niya na nagpapaliwanag. "be fair to him, alam mo sa sarili mong may mga nakarelasyon ka rin noon sa Amerika? Hindi ba't may naka-live in ka pa nga for seven months? Hayaan mo na siya, move on" pagpapatuloy ni Celina.

"No! Ayoko! Sabihin na ninyong makasarili ako at wala akong pakealam" mataas ang tono niyang sagot saka sinalinan ang baso niya ng panibagong shot ng wine. "pero akin siya! Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba!" aniyang tinungga ang laman ng baso.

"Tama na iyan! Tumigil kana lasing kana!" ngayon ay galit na nga ang Mama niya. Nakita niya iyong rumehistro sa mukha nito, noon siya tuluyang napaiyak.

"Damn!" aniyang ibinato ang baso. Tumama iyon sa pader ng kanyang silid at nagkapira-piraso.

Noon siya mahigpit na niyakap ng kanyang ina. "Tahan na please?"

"I'll get him back! Akin siya, mahal ko siya Mama, mahal ko si Lawrence" ang paulit-ulit niyang sabi habang humahagulhol ng iyak sa balikat ng kanyang ina.

Dahil kung hindi rin lang siya magiging akin, nobody can have him either! Hindi na niya isinatinig ang bagay na iyon dahil alam niya kung ano ang magiging reaksyon doon ng kanyang ina.

TWO WEEKS LATER...

"MA'AM sorry pero a__" ang narinig ni Lawrence ay ang boses ng sekretarya niya nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. "sir, pasensya na po pero mapilit po si ma'am" anito sa kanya.

"Okay na" aniyang nginitian ito saka tinanguan. "mabuti napasyal ka?" ang tanong niyang bungad kay Claire saka itinuro ang upuan sa harap ng kanyang mesa.

Mapanukso ang ngiting pumunit sa mga labi ni Claire saka sa halip na sa silya ay sa gilid ng mesa niya naupo ang dalaga. Paharap sa kanya at tila nananadya pang itinaas ang laylayan ng suot nitong kulay pulang mini skirt.

"I missed you" ang maikli nitong sabi.

Hindi na siya nagtaka sa narinig. Huminga siya ng malalim saka naiiling na hinubad ang salamin sa mata saka iyon ibinaba sa ibabaw ng mesa. "Marami akong trabaho Claire, so if you don't mind kung wala ka namang ibang importanteng sasabihin" pasimpleng taboy niya sa babae.

Tumawa ng mahina si Claire. "Actually there are several things that I would like to say" anitong tumayo at umakma kakandong sa kanya pero madali siyang tumayo para iwasan ito.

"Please! In any minute now nandito na si Anya, so please umalis kana. Ayoko ng problema!" malakas ang tinig niyang pakiusap.

"No, please Lawrence bumalik kana sa akin. I'm sorry, I'm sorry kung tinanggihan kita. Please?" sumamo nito sa kanya sabay lumapit at nagtangkang hawakan siya pero mabilis niya itong inawat.

"Claire, ano ba? Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Tapos na tayo, dalawang taon na iyon. At isa pa, ikakasal na ako. Kaya tama na okay? Move on, ginagawa ko naman ang makakaya ko noon. Pero mas pinili mo ang pangarap mo. And besides may makikilala ka pang mas higit sa akin. Iyong magmamahal sa'yo ng buo" mahinahon niyang paliwanag sa dalaga na nagsimula na ngang umiyak.

Nagbuka ng bibig si Claire pero napigil ang lahat ng gusto nitong sabihin nang bumukas bigla ang pinto. Sa pagkakataong iyon, si Anya ang iniluwa niyon. Noon na nga nagsimulang kabahan ang binata. Malalaki ang mga hakbang niyang dinaluhan ang nobya sa pag-aalalang baka magalit ito lalo't minsan na nitong pinagselosan si Claire.

"M-may bisita ka pala?" ang bungad sa kanya ni Anya.

Tumango siya. "Si Claire, remember?" aniyang humimig na tila walang anumang nangyaring pagtatalo sa pagitan niya at ng dating nobya. Hangga't maaari ayaw niyang palakihin pa ang problema. At hangga't maaari ayaw niyang madamay si Anya dahil kung tutuusin silang dalawa lang naman ni Claire ang involve sa sitwasyon.

"Oo kilala ko na siya" si Anya na tumingala sa kanya saka matamis na ngumiti. "lalabas muna ako, tapusin mo muna ang business mo sa kanya then we can have lunch together?" anitong iniwan na nga sila pagkatapos.

SA labas nakangiting naupo si Anya saka walang anumang dinama ang impis paring tiyan. Tiyak na matutuwa si Lawrence kapag nalaman nitong nagbunga na ang kanilang pagmamahalan. Kapag nalaman nito buntis siya. At hindi na niya mahintay na makita ang reaksyon nito kapag nagkataon.

"Ma'am gusto ko pa ninyo ng kahit anong maiinom?" ang sekretarya ng nobyo niya nang damputin niya ang magazine sa center table para basahin.

Umiling siya. "Okay lang ako" aniya kaya binalikan narin nito ang trabaho.

"PLEASE? Kalimutan na natin ang lahat ng iyon, pwede tayong maging magkaibigan kung gusto mo pero kung hihigit pa doon, I'm sorry" sa mababang tinig ay minabuti niyang muling pakiusapan ang dating nobya. Binalikan niya ang kanyang mesa para harapin muli ang naiwang trabaho pero napigil ang pag-upo niya nang magsalitang muli ang dalaga.

Umiling ng magkakasunod si Claire. "Alam mo ba kung anong sinabi ko sa sarili ko?" anitong binuksan ang dalang shoulder bag.

Nagsalubong ang mga kilay niyang pinakatitigan si Claire saka napamulagat nang makitang inilabas nito doon ang isang baril. "Hey, ano ka ba. Hindi ikaw ito, Claire!" mabilis ng nilamon ng takot ang dibdib niya. Sa distansya niya mula sa dalaga, imposibleng maagaw niya rito ang baril kaya minabuti niya itong pakiusapan pero nagmistulang wala itong narinig.

"Sinabi kong kung hindi rinlang kita mababawi sa kanya, nobody can have you either!" 

JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now