Part 7

1K 19 3
                                    

"MUKHANG mapaparami ang kain ko nito ah!" natawa ng mahina si Anya sa sinabing iyon ni Lawrence matapos niyang ihain rito ang kaluluto lang niyang sinigang na spare ribs.
Kung bibilangin two weeks na silang magkaibigan ni Lawrence officially. Simula iyon nang isama siya nito sa apartment nito. Nakabalik naman na si Tristan sa eskwela, pero gaya nga ng sinasabi ng marami, madaling gawan ng paraan ang isang bagay na talagang gusto mo. At ganoon nga siya.
Inamin naman kasi niya kina Joy at Carol ang lihim niyang pakikipagkita sa binata at naunawaan iyon ng dalawa. Nangako rin ang mga itong walang sasabihing kahit ano kay Tristan. Pati narin ang totoong nararamdaman niya para kay Lawrence. Ang espesyal niyang pagtingin rito na alam niyang mas higit pa sa salitang crush.
"O hayan, kumain ka ng marami para maniwala akong masarap nga ang pagkakaluto ko" aniyang sinimulang lagyan ng pagkain ang plato ng binata.
"Ang swerte ni Tristan sayo alam mo ba? Nagkaroon siya ng bestfriend na kasing bait mo" parang hinaplos ng pakpak ng ibon ang puso ni Anya sa sinabing iyon ni Lawrence.
"Salamat" nang walang makapang pwedeng sabihin ay iyon nalang ang isinagot niya.
Papadilim na nang magpaalam siyang uuwi na. "See you tomorrow" aniya kay Lawrence nang igiya siya nito palabas sa may pinto.
Hindi sumagot ang binata kaya tiningala niya ito. Noon niya nakita ang mataman nitong pagkakatitig sa kanya. "Salamat sa masarap na ulam" anito saka siya hinawakan sa kamay.
Mabilis ang naging epekto sa kanya ng ginawing iyon ng binata kaya minabuti niyang bawiin ang kamay mula rito. "L-Lawrence" anas niya.
Parang naparalisa ang kabuuan niya nang damhin ng binata ang pisngi niya. Pagkatapos ay bahagya pa siya nitong itinulak pasandal sa pinto. Pakiramdam niya ay parang nag-aalab sa hindi niya matukoy na damdamin ang mga mata ni Lawrence.
Hindi siya humihinga nang unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Anya nang sa kauna-unahang pagkakataon ay nasayaran ng labi ng isang lalake ang kaniya. May bonus pa dahil si Lawrence ang binatang lihim niyang pinapantasya.
"First kiss?" nangingislap ang mga mata ni Lawrence nang pakawalan nito ang kanyang mga labi saka hinagod ng tingin ang kanyang mukha.
Sunod-sunod ang hiningang pinakawalan niya saka pagkatapos ay napatango. "Y-Yes" aniya.
Ngumiti ang binata. "Gusto mo bang ituloy natin? Iyong mas matagal para mas ma-feel mo ang sarap?" hinihingi nito ang kanyang pahintulot.
Wala sa loob siyang napatango. Marahas siyang napahugot ng hininga sa muling ginawang pag-angkin ni Lawrence sa kanyang mga labi. Hindi niya inasahan na gaano pala ang mas malalim at maalab na halik. Dahil kahit sabihing wala siyang karanasan, hindi nakaligtas sa pandinig niya ang mahinang ungol na pinakawalan ni Lawrence nang masuyo niyang haplusin ang mukha nito pababa sa leeg ng binata at nagtuloy sa matipuno nitong dibdib.
"Girlfriend na kita?" nang pakawalan ng binata ang kanyang mga labi ay iyon agad ang itinanong nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "P-Pero paano si Tristan?" ang nag-aalala niyang tanong.
Mabait ang ngiting pumunit sa mga labi ni Lawrence. "Ilihim natin sa kanya?"
Matagal niyang tinitigan ang binata bago muling nagsalita. "Mahal mo ba ako?"
Napapikit siya nang muling kinintalan ng binata ng isang simpleng halik ang kanyang mga labi. "Noong unang beses na nakita kita, hindi mo ba naramdaman iyon naramdaman ko kaya ko inalam ang pangalan mo?"
"A-Ano?"
"Kaya ko hinawakan ng matagal ang kamay mo kasi gusto kong maramdaman mo ang init ng palad ko. Para nang sa gayon magkaroon ka ng dahilan para gustuhin mong makita ulit ako."
"B-Bakit ang bilis naman yata?"
"Nag-aalinlangan ka ba?"
Umiling siya. "N-Natatakot lang akong masaktan" pagsasabi niya ng totoo.
"Then, I'll make you fall in love with me? Okay ba iyon sa'yo?" kinikilig na napatango nalang sa narinig si Anya.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" paalala niya pagkatapos.
"Kung mahal kita?"
Tumango siya.
"Oo mahal kita, kaya hindi kita kayang gawan ng masama kasi mahal kita. Kaya gusto kitang ingatan, kasi mahal kita. At kung sakali mang ipagtabuyan mo ako palayo sayo kung doon ka magiging okay, kahit masakit titiisin ko."
Napangiti doon si Anya. "So willing kang maghintay? Okay lang sayo?"
"Girlfriend na kita?"
Napapadyak si Anya. "Ligawan mo muna ako!" giit niya.
Natawa doon si Lawrence. "Pwede naman kita ligawan kahit girlfriend na kita eh, promise I won't take advantage."
Nanunulis ang nguso bagaman kinikilig niyang inirapan ang kaharap. "O sige na nga!"
"Yes!" ang masayang sambit ni Lawrence saka siya binuhat at inikot ng inikot pagkatapos ay pareho silang bumagsak sa sofa na siya ang nakailalim sa binata. "I love you, maniwala ka. Wala kang magagawa mabilis akong nahulog sa bitag mo, kaya gusto na kitang itali sakin, baka mapunta ka sa iba. At ayokong mangyari iyon. Kaya kung may alinlangan ka man sa akin, huwag kang matakot, kasi itong nararamdaman ko para sa'yo, totoo."
"Sa ganda ng kislap ng mga mata mo, bulag nalang ang hindi maniniwala sa sinasabi mo" totoo iyon dahil iyon naman talaga ang nakikita niya sa mga mata ng binata. Lalong nagningning ang mga mata ni Lawrence sa sinabi niyang iyon. "okay lang?" aniyang hinawakan ang salaming suot ng binata.
"Yeah" anito sa paanas na tinig na nagdulot ng masarap na kilabot sa kabuuan niya.
"I love your eyes, ang ganda, sana pwede ko silang titigan palagi" hindi niya napigilang sabihin habang ang mainit na damdamin ay pumupuno sa kanyang dibdib.
Noon kinuha ni Lawrence sa kamay niya ang glasses saka ipinatanong sa center table. Pagkatapos ay itinaas siya ng binata saka kinandong. "You really take my breath away. Na parang wala akong ibang gustong gawin sayo kundi ang yakapin at halikan ka."
Umikot ang mga mata ni Anya sa narinig saka nakangiting nagsalita. "Bakit, may pumipigil ba sayong halikan ako? Eh iyon nga ang inaantay ko sayo kanina pa!" aniya.
Tumawa ng mahina si Lawrence. "Ikaw talagang babae ka! Halika dito" anitong pagkasabi niyong ay kinabig siya para sa isang mas maalab at mas matagal na halik.
Ang nararamdaman ko sa'yo alam ko kung ano. Hindi naman ako magpapahalik sayo kung sakali. Pero parang masyado pang maaga. Pakiramdam ko kasi may tamang panahon para doon.

JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now