Part 22

724 18 0
                                    

"Sinabi kong kung hindi rin lang kita mababawi sa kanya, nobody can have you either!" anitong sinundan pa ng malakas na tawa ang sinabi kasabay niyon ay ang malakas na putok ng baril.

MABILIS na napatayo si Anya at nagmamadaling humakbang papasok ng opisina. "Security! Tumawag ka ng security!" halos pasigaw niyang utos sa sekretaryang nakita niyang napatayo rin sa narinig. Duguan ang kanang dibdib na dinaluhan niya ang nobyo na noon ay nakahiga na sa sahig nang mabungaran niya.

"Lawrence!" aniyang patakbong tinungo ang binata. "anong ginawa mo sa kanya!?" ang galit na galit niyang tanong kay Claire na pakiwari niya'y wala sa sariling nakatitig sa binata. Sa paanan nito naroon ang ginamit nitong baril na sa palagay niya'y nabitiwan nito dahil rin sa pagkabigla. "Lawrence?" aniyang napahagulhol na nga ng tuluyan. Hindi niya inakalang kayang gawin ni Claire ang ganito, dahil kung sakali sana hindi umabot rito ang lahat.

"Tulong! Saklolo!" ang palahaw niya. Noon naman humahangos na dumating ang dalawang guard at mabilis na kinuha si Claire na tila noon lang natauhan at nagsimulang maghisterya.

"Lawrence! Akin siya! Ibalik mo siya sa akin! Mang-aagaw!" anito sa pagitan ng pagwawala habang sapilitan itong inilalayo ng dalawang guwardiya.

"Lawrence, huwag kang matutulog please? Dadalhin kita sa ospital" aniyang nagpatuloy sa malakas na pag-iyak.

"I-I'm n-not g-gonna d-die. Hindi kita iiwang mag-isa" anito sa nahihirapan tinig saka muling pumikit.

Tumango siya saka hinalikan sa mga labi ang binata. "Mahal na mahal kita, kahit kailan hindi na ako magmamahal ulit nang kagaya ng pagmamahal ko sa'yo. Minsan ka lang sa buhay ko, noon at ngayon at bukas wala akong ibang gustong makasama kundi ikaw lang" ang umiiyak niyang saad.

Nakita niyang pumunit ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata. "I'm happy to hear that, kasi mahal na mahal din kita. I told you, I'm not gonna die, hindi kita iiwan" anito.

JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now