Part 12

678 19 0
                                    

AWANG-AWA na pinagmasdan ni Lawrence ang magandang mukha ng babaeng ngayon ay kalong niya. Kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya nang mga sandaling iyon ay hindi niya alam. Basta ang tiyak niya unti-unting nilalamon ng magkahalong takot at pag-aalala ang dibdib niya.

"O-Ospital, d-dalhin mo a-ako sa o-ospital" ang naghihinang winika nito bago tuluyang nawalan ng malay sa kanyang mga bisig.

"Nandito na ang ambulansya" ang humahangos na tawag sa kanya ni Rodel.

"Tulungan mo ako pare!" tawag niya kay Rodel na sinenyasan naman ang mga attendant ng ospital na may dalang stretcher.

ONE WEEK LATER...

"MAY bisita ka anak" nang marinig ang sinabing iyon ni Loida na kanyang ina ay nagdilat ng mga mata nito si Anya.

Isang linggo narin ang matuling lumipas pero hindi parin niya matanggap na wala na si Phil. Dead on arrival ang nobyo niya nang dalhin ito sa ospital habang siya ay sinasabing himalang nabuhay sa lalim ng cliff na hinulugan ng sasakyan.

Nasa pribadong ospital parin siya ng Don Arcadio. Habang ang katawan naman ni Phil ay minabuti ng pamilya nitong ipalibing na dahil narin sa pag-aalala ng mga itong baka makasama pa sa kalagayan niya oras na makita niyang nasa loob na ng casket ang kanyang nobyo.

"L-Lawrence?" ang hindi makapaniwala niyang sambit nang makilala ang taong nakatayo sa likuran ng kanyang ina.

"Kumusta ka na?" sa isang iglap gaya noong una silang nagkita, naramdaman ni Anya ang kakaibang haplos ng damdamin sa kanyang puso dahil sa tinig nito. Ang kaibahan nga lang ay minabuti niyang iwaglit iyon ngayon. Dahil iyon ang nakikita niyang mas tamang gawin.

"Magkakilala pala kayo?" ang nasorpresang tanong ni Loida saka itinuro kay Lawrence ang sofa.

Tumango siya. "Yeah, college days. Kaibigan siya ni Tristan Ma" sa pagkakabanggit sa pangalan ng namayapang kaibigan ay nakaramdam ng matinding pangungulila si Anya.

"Naikwento na sa akin ni Lawrence ang lahat. Siya ang nagligtas sayo Anya" pagbibigay alam pa ni Loida kaya mangha siyang napatitig sa mukha nito.

"I-Ikaw? Paanong?" ang hindi makapaniwala niya tanong. "I'm sorry sa bilis ng mga pangyayari parang walang nag-sink in sakin kundi iyong..." agad na nabasag ang tinig niya nang maalala ang ibig sana niyang sabihin kaya minabuti niyang huwag ng magpatuloy.

"Maiwan ko muna kayo" ang ina niyang lumabas matapos iabot sa binata ang tinimpla nitong kape sa tasa.

"Kumusta kana Anya?" nang silang dalawa nalang ni Lawrence sa silid.

Hindi niya maintindihan kung bakit sa simpleng tanong na iyon ay naging mabilis ang tahip ng kanyang dibdib. Sinalubong niya ang titig ng binata, nakita niya ang kakaibang damdamin sa mga mata nito kaya minabuti niyang umiwas ng tingin.

"P-Please, huwag na muna nating pag-usapan iyon nangyari noon? You see, I'm broken... sa ikalawang pagkakataon" hindi niya napigilang sabihin ang huli kasabay ng mabilis na pagbalong ng kanyang mga luha.

Noon inilapag ni Lawrence sa center table ang tasa nito ng kape. Pagkatapos ay tumayo ito at naupo sa bakanteng silya malapit sa kamay niya. "I'm sorry, hindi ko lang talaga inasahan na sa ganitong paraan tayo muling magkikita" nasa tinig ng binata ang matinding simpatya at awa sa kanya.

"Please huwag mo akong kaawaan. Hindi ko alam kung galit sa akin ang langit pero bakit ganito? Bakit kailangang paulit-ulit akong mahirapan at masaktan?" ang galit niyang sambit sa mabalasik na tinig na kanyang ikinabigla.

Nakita rin niya sa mukha ng binata ang pagkamangha sa narinig. Nagbuka ito ng bibig para magsalita pero mabilis niya itong inunahan. "Please umalis kana. Thank you for saving me pero alam mo ba, mas mainam siguro kung hinayaan mo nalang rin akong mamatay doon kasama ni Phil."

Nanatili itong walang imik kaya muli siyang nagsalita. "Hindi ko alam kung dapat ba kitang pasalamatan sa ginawa mong pagliligtas sa buhay ko dahil kung tutuusin minsan mo narin akong pinatay!" aniyang hindi napigilang sabihin.

"A-Anya please..." hindi na nagawang tapusin ni Lawrence ang iba pang gustong sabihin dahil noon na bumukas ang pinto at saka iniluwa ang kanyang ina. "magpapaalam na ho ako Mrs. Lectura" ang binata na tumayo.

"Ano? Teka kumain ka muna" awat ng ina niya. Halatang gusto nito si Lawrence at hindi na siya magtataka doon. Kahit sino naman ay hindi mahihirapang magustuhan ang binata. Dahil bukod sa gwapo na ay magalang pa.

Walang nagbago sa itsura ni Lawrence maliban sa mas matikas at matipuno na ngayon ang pangangatawan nito. Tinubuan narin ng bigote ang pisngi ng binata na kahit bagong ahit ay halata dahil sa pangingitim ng mukha nito. Mahaba ang buhok nitong tila damong gumapang pababa sa batok ng binata. At higit sa lahat, that heavenly feeling na naidudulot ng magaganda nitong mata na hindi nabawasan ng suot nitong makapal na glasses.

Umiling si Lawrence. "Marami rin po akong tinatapos na trabaho. Anyway kung may kailangan po kayo" ang binatang dinukot sa likuran ng pantalon nito ang pitaka. "kahit anong pwede kong itulong, tawagan lang po ninyo ako" pagkasabi niyon ay nilingon siya nito.

"Sige, maraming salamat ulit at mag-iingat ka" ang Mama niya sa binata.

Ilang sandaling nakiraan ang katahimikan sa loob ng silid. Kahit hindi niya aminin, alam naman niyang apektado siya sa kaalamang si Lawrence pala ang nagligtas sa kanya. Matagal na niyang limot ang nangyari noon. Hindi rin siya galit sa binata, pero hindi niya maikakailang nasaktan siya ng husto. Kung hindi nga dahil kay Phil baka hindi manlang niya naranasan ang muling ma-in love matapos ang break up nila ni Lawrence.

At kung paanong sinagip siya noon ni Phil mula sa kamatayang naranasan niya nang magkahiwalay sila ni Lawrence ay parang ganoon rin ang ginawa ng ngayon ng huli. Kaya pakiramdam tuloy niya nadoble ang sakit na nararamdaman niya. Dahil kanina, pagpasok palang ni Lawrence sa silid, naramdaman niyang tila kahapon lang nangyari ang masakit na ending ng kwento nilang dalawa. Kasama pa ang matinding pagluluksa niya dahil sa pagkawala ni Phil. Noon siya tuluyang napaluha.

"Anak, baka makasama sayo ang laging stress at umiiyak" ang nag-aalalang tinuran ni Loida na nilapitan siya at niyakap.

Nagpahid siya noon ng luha at suminghot. "Ma, sa tingin ninyo okay lang kaya kay Tita Dina kung doon muna ako sa kanila sa Korea pansamantala?"

"Anya" anito sa tinig na puno ng pag-aalala.

Nag-init ang mga mata niya pero pinigil niya ang muling mapaluha. "Dalawang taon Ma, doon muna ako. Tutal wala rin namang Nanny si Chase, pakiramdam ko kasi mamatay ako dito sa sobrang lungkot eh" at tuluyan na nga siyang napasigok at kalaunan ay muling napaiyak.

"Kung iyon ang sa tingin mong makabubuti sa'yo walang problema anak" anito. "itatawag ko ito sa Papa mo, para naman hindi siya masorpresa kung sakali."

Tumango si Anya sa sinabing iyon ng kanyang ina. "Para pagbalik ko, nandito narin si Papa, pwede na ulit akong magsimula ng bagong buhay kasama kayo" dalawang taon mula ngayon ay uuwi na ang Papa niya at hindi na babalik pa ng abroad. Parang hindi na niya mahintay ang araw na iyon, dahil alam niyang okay narin siya sa mga panahong iyon.

I'm sorry Lawrence pero pakiramdam ko hindi ko muna gustong makita ka. I'm so sorry, pero masakit parin pala. 

JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now