Part 17

687 19 0
                                    

"MUKHANG napapadalas yata ang pasyal dito ni Lawrence ah?" ang Mama niya matapos niyang samahan sa may labasan si Lawrence.

Matamis ang ngiting sumilay sa mga labi ni Anya saka tinulungan sa pagliligpit ng mesa ang kanyang ina. "Hindi ko pa nga po pala naikukwento sa inyo."

Umangat ang magagandang kilay ng Mama niya. "Ang alin? Na siya ang first boyfriend mo?"

Taka niyang pinakatitigan si Loida. "Kinuwento sa inyo ni Papa?"

Tumawa ng mahina ang Mama niya saka tumango-tango. "Sa totoo lang masaya kaming makita kang masaya. Kung nakikita mo sana ang kakaibang kislap sa mga mata mo ngayon, parang noong nasa kolehiyo ka, noong unang taon mo sa kolehiyo" nasa tono ng pananalita ni Loida ang sinabi.

Nakuha niya ang ibig nitong sabihin kaya lumuwang ang pagkakangiti ni Anya doon. "Sa tingin ninyo? Hindi naman masamang subukan ko ulit kung sakali hindi po ba?"

Magkakasunod na umiling si Loida. "Pwede kayong magsimulang muli, at sa nakikita namin ng Papa mo, mahal na mahal ka niya. I'm sure nakikita at nararamdaman mo naman iyon. Besides napakabata pa ninyo noong maging kayo?"

"Thank you Ma" ang tanging nasabi niya sa kabila ng labis na tuwang nararamdaman.

"Anything, basta magpapasaya sayo. In love, hindi option ang pagsuko dahil lang sa nasaktan ka."

"Tatandaan ko po" maikli niyang sagot.

"GUSTO mo bang magkape muna?" araw iyon ng linggo at gaya ng dati nagsimba sila ng magkasama ni Lawrence. Gaya nga ng sinabi sa kanya ng binata, idinaan nito sa proseso ang lahat, niligawan siya nito. Iyon na ang ikatlong linggo na nagsimba sila ng magkasama. Bukod pa iyon sa mga biglaang pagdalaw nito sa kanyang tuwing weekdays.

"Sure, hindi yata kita kayang tanggihan" sagot ng binata saka na bumaba.

"Nakalimutan ko, wala nga pala sina Mama at Papa. Umuwi ng Nueva Ecija kasi may dinaluhang kasal doon" kwento pa niya saka inilabas ang susi sa kanyang bag. Nagkita lang kasi sila ng binata sa simbahan kaya hindi nito alam kung tungkol doon.

"Meaning pwede kitang masolo ngayon?" pagkabukas ng pinto ay impit pa siyang napatili nang hapitin siya sa baywang ng binata. Dahil doon ay naihulog niya sa sahig ang hawak na susi.

"A-Ano bang ginagawa mo?" sa nanginginig na tinig ay pinilit niyang pakawalan ang sarili pero hindi siya binitiwan ng binata at sa halip ay itinulak nito pasara ang pinto saka iyon ini-lock.

Naramdaman ni Anya ang mabilis na pag-iinit ng kanyang mukha. Pakiramdam niya ay nagbalik siya sa nakaraan, pitong taon narin ang nakalipas. Sa loob ng apartment na inuupahan ni Lawrence kung kailan niya unang naranasan ang mahalikan.

"P-Please, pakawalan mo ako" pakiusap niya.

Hindi nagsalita ang binata at sa halip ay mataman siyang pinakatitigan. Ang malalagkit nitong titig sa kanya parang kayang tunawin maging ang pinakamalaki niyang pagtutol. Ang mabango nitong hininga humahaplos sa kanyang mukha. Para iyong kamandag na gumapang sa kabuuan niya kaya mabilis siyang nawala sa katinuan.

"Gusto kitang halikan, alam mo ba?" ang paanas nitong tanong sa kanya.

Napalunok si Anya kasabay ng mabilis na pagtatayuan ng maliliit niyang balahibo sa batok. "P-Please, akala ko ba hindi mo ako mamadaliin?" alam niyang kapag hinalikan siya ni Lawrence ay mabilis siyang madadarang at iyon ang sa ngayon ay iniiwasan niyang mangyari.

Nakahinga siya ng maluwag nang ngumiti sa kanya ang binata. "Right, I'm sorry" anitong kinabig siya saka niyakap.

Tumango siya saka inayos ang sarili. "Ipagtitimpla kita ng kape" aniya saka napapikit nang mapunang nakasunod ito sa kanya. "ikaw Lawrence, anong nangyari sa'yo after, alam mo na?" ang makahulugan niyang tanong makalipas ang ilang sandali ay inilapag niya sa mesa ang kape ng binata.

JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now