Part 3

1.3K 24 0
                                    


MABILIS na nag-init ang mukha ni Anya sa narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit agad siyang naapektuhan sa simpleng sinabing iyon ng lalaki samantalang dati narin naman niyang naririnig iyon sa iba pa niyang mga manliligaw.

"S-Sige, pero sa susunod mag-iingat kana" lihim rin niyang ikinagulat panginginig ng kanyang tinig.

Yumuko ang lalaki kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. Sa totoo lang kailangan niyang amining maginoo ito at mukhang hindi naman talaga sinadya ang banggain siya. "Now you look more beautiful. Alam mo bang kayang buhayin ng ngiti mo kahit ang nalalantang talulot ng rosas?"

Lalong nag-init ang magkabila niyang pisngi sa narinig. "Very poetic, anyway salamat. I have to go" aniyang minabuting iwan na ang kausap pero natigilan siya nang muli itong magsalita.

"Anong pangalan mo Miss?" anito.

Walang kakaiba sa tanong na iyon kung tutuusin. Pero hindi maintindihan ni Anya kung bakit lalong naghurumentado sa kaba ang dibdib niya sabay lingon sa binata. Sa totoo lang kulang ang salitang gwapong kung ilalarawan niya ang mukha ng kaharap. Napakatangos ng ilong nito, at kahit natatakpan ng makapal na lens ng glasses na suot nito ay kitang-kita parin ang kakaibang lamlam at ganda ng mga mata nitong may mahahabang pilik at binagayan ng makakapal na kilay.

Ang mga labi nito, tila ba nangangako ng langit dahil sa pula at kipot ng mga iyon. Halatang napaka-init at napakasarap nitong humalik. Ang buhok ng binata na may kahabaan na umabot sa ibaba ng batok nito at bahagyang kulot sa ilalim. Kulay brown iyon at nagkaroon ng napakagandang kontra sa mestisuhing kulay ng lalaki. Matangkad at may matipunong pangangatawan. Iyon nga marahil ang dahilan kung bakit siya nawawala sa sarili at kinakabahan.

"W-What?" ang kunot-noo niyang tanong pagkatapos.

Sa pagngiti nito ay agad na nag-flash sa kaniya ang perpektong set ng ngipin nito. "G-Gusto kong malalam kung ano ang pangalan mo, okay lang ba?" anito sa isang maginoong tinig.

Parang wala sa sariling napalunok si Anya saka pinilit magsalita. "Antonette Ysabelle Lectura, you can call me Anya" pigil hininga niyang sagot.

Ang ngiti ng kaharap ay tila ba nagmistulang nakaplaster na sa mukha nito nang humakbang ito palapit sa kanya. Natigilan siya doon saka napaatras. Narinig pa niya ang mahinang tawang naglandas sa lalamunan nito nang marahil napuna ang kanyang ginawa. Sa halip na mainis ay lalo siyang kinabahan, at ganoon parin ang pakiramdam niya nang ilahad nito ang sariling kamay sa kanyang harapan.

"Lawrence" anito.

Nagdikit ang mga kilay niya. "Lawrence?"

Tumango ang ito. "Lawrence Joseph Lerios, tawagin mo akong Lawrence kung gusto mo, kasi iyon naman ang palayaw ko."

Sa kabila ng kabang nararamdaman, walang pagdadalawang-isip niyang tinanggap ang kamay ng binata saka nakangiting nagsalita. "Thank you Lawrence" aniya pa.

"Anya! Kanina ka pa namin hinihintay!" noon lang niya binawi ang sariling kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ng binata.

"Joy, sorry" aniyang nagmamadaling kinawayan si Lawrence na nakangiti lang na tumango.

Nagtaas ng isang kilay ang kaibigan niya saka nanunuksong nagsalita. "Sino iyon? In fairness gwapo ah! At mukhang wala pa yatang planong bitiwan ang kamay mo!"

Nakangiti niyang inirapan si Joy bagaman binalot ng kakaibang kilig ang puso niya sa sinabi nito. "Shhh! Huwag kang maingay okay? Alam mo naman iyong dalawa, baka asarin ako" ang tinutukoy niya ay sina Tristan na kanyang kababata at si Carol na gaya ni Joy ay sa unibersidad na iyon at nang pasukan din ng June niya nakilala.

Umikot ang mga mata ni Joy. "Bakit sa tingin mo hindi kita aasarin ha?"

Siniko niya ang kaibigan nang matanawan si Tristan na nagtaas ng kamay at kumaway sa kanila. "Obvious naman na may gusto siya sayo, bakit parang hindi ka nililigawan?" si Joy ulit na ang tinutukoy ay ang kababata at matalik na kaibigan niyang si Tristan.

"Magkasama na kaming lumaki ni Tristan, kaya parang malabong mangyari iyang sinasabi mo. At isa pa, kapatid ang tingin ko sa kanya" nasa tinig niya ang pinalidad kaya hindi na nagsalita pa ang kasama.

Solong anak si Anya. Housewife ang ina niya at Mechanical Engineer naman sa Middle East ang kanyang ama. Matalik na magkaibigan ang Mama niyang si Loida at ang ina ni Tristan na si Maica. Ang ama nitong si Nelson ay accountant sa bangko. Iyon ang dahilan kaya mula pagkabata ay naging malapit na sila sa isa't-isa. Magkasing-edad lang sila ni Tristan pero kuya ang tingin niya rito. Siguro ay dahil sa pareho silang sabik sa kapatid kaya ganoon.

Kilalang-kilala niya ang binata, maging sa pagiging maloko nito sa babae. At higit sa lahat, ang tungkol sa sakit nito. Heart Failure. Iyon ang dahilan kung bakit kahit minsan ay hindi pa nagseryoso sa pakikipagrelasyon nito ang kaibigan niya, dahil bawal dito ang labis na matuwa at masaktan. Ang anumang emosyon na sobra ay bawal kaya lagi na'y maingat siya. At natutuwa siyang makitang sa kabila ng karamdaman nito ay nagagawa parin ni Tristan ang mamuhay ng normal at masigla.

Sa ngayon ay nasa waiting list na si Tristan para sa donor ng heart transplant. Hindi kagaya ng iba, wala naman kasing kamag-anak sa ibang bansa ang kaibigan niya kaya wala itong ibang choice kundi ang maghintay.

JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now