Part 13

702 22 0
                                    

TWO YEARS LATER...

"TITO Lawrence!" sa pagkakarinig sa matinis at munting tinig na iyon ay maluwang na napangiti ang binata saka hinarap ang tumatawag. Nasa entrance siya noon ng Festive kausap ang isang customer na agad ring nagpaalam pagkuwan.

"Hey! Kumusta ang pamangkin kong gwapo?" ang masaya niyang salubong kay Ismael. Anak ng kuya niyang si Fritz at ng hipag niyang si Julia.

Noon nagtatakbo patungo sa kanya ang tatlong taong gulang na bata na kamukhang-kamukha ng kuya niya. "Aba, ang bigat mo na ah? Big hug mo si Tito para may gift ka mamaya sa kanya" nakangiti niyang turan kaya mabilis namang mahigpit na yumakap sa kanya si Ismael.

"Kumusta?" si Fritz na kahawak-kamay ang asawa nitong halatang masayang-masaya dahil sa kakaibang kislap ng mga mata.

Nagkibit siya ng balikat saka iginiya papasok ang mag-asawa. "Okay naman, mabuti napadalaw kayo? At bumiyahe pa talaga kayo mula Tagaytay?" simula kasi ng maikasal ang mag-asawa ay sa Tagaytay na nanirahan ang mga ito. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit siya ang pinagkakatiwalaan ni Fritz sa Festive. Bukod pa iyon sa masyadong abala si Julia sa pag-aasikaso sa mag-ama nito.

"Medyo matagal narin kasi kaming hindi napapasyal dito. Anong malay ko, baka puro babae nalang ang inaatupag mo lalo ngayong dalawang taon kana ring walang steady'ng lovelife" buska sa kanya ni Fritz na sinundan pa ang sinabi ng malakas na tawa.

"Tsk. Hindi mangyayari iyon, takot ko nalang sa gwapong ito" ang pamangkin niya ang tinutukoy niya na noon ay nirorolyo ang necktie niya.

"Mag-asawa kana kasi, para naman magkaroon narin kami ng pamangkin ng kuya mo sayo" ang hipag niyang si Julia iyon.

Natawa siya ng mahina. "Si kuya nga nagawang maghintay ng mahabang panahon sa'yo eh, kaya ko rin iyon" aniyang bagaman nakatawa ay totoo sa loob ang sinabi.

Nakita niyang nagpalitan ng makahulugang tingin ang mag-asawa. "Dalawang taon na iyon Rence, at isa pa ni hindi siya gumawa ng paraan para makausap ka?" si Fritz na ang tinutukoy ay si Claire.

Mapait siyang napangiti. "Huwag na nga natin siyang pag-usapan" saka nalang niya hinayaan ang kapatid niya sa ganoong isipin.

Hindi ko alam kung dapat ba kitang pasalamatan sa ginawa mong pagliligtas sa buhay ko dahil kung tutuusin minsan mo narin akong pinatay!

Dalawang taon ang matuling nakalipas. Naghintay siya ng tawag mula kay Anya o kahit sa ina nito pero nabigo siya. Binalikan niya ang dalaga dalawang araw matapos ang unang beses niya itong dinalaw pero nailipat na pala ito sa isang pribadong ospital sa Maynila. Ang sinabing iyon sa kanya ni Anya ay nagdulot ng matinding guilt sa kanya. Pero wala na siyang magagawa doon dahil hindi naman niya pwedeng baguhin ang nakaraan.

Sana makita kita ulit. Sana, sa ikatlong pagkakataon.

Sinubukan niyang hanapin ang dalaga gamit ang web at social media pero bigo siya. At kahit ayaw niyang isipin, malakas ang pakiramdam niyang ayaw ni Anya na magkaroon ng anumang communication sa kanya. At hindi niya ito masisisi, dahil hindi naman simple lang ang ginawa niya. Pero hindi niya maitatangging naging madali ang paglimot niya kay Claire dahil sa muli nilang pagkikita ni Anya.

Pakiwari niya'y muli nitong ginising ang maganda at masarap na damdaming pilit niyang ibinaon sa limot mula nang madaling araw na iwan niya itong natutulog sa loob mismo ng kanyang apartment. Ilang taon man marahil ang lumipas hindi niya makakalimutan minsan man kung gaano katotoo ang kaganda ang bawat araw na masaya nilang pinagsaluhan ng magkasama. Kahit siguro isipin ng iba na mga bata pa sila noon.

"Anyway naka-leave ako, sa bahay muna kami tutuloy para makasama naman ni nanay itong apo niya" pagbibigay alam ni Fritz sa kanya.

Tumango siya. "Doon na ba ang tuloy ninyo?" nang makitang tumayo si Fritz kasunod ang asawa nitong si Julia.

JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now