Part 16

676 20 0
                                    

"MUKHA may lakad ka yata anak?" nalingunan niya ang Mama niya na nakatayo sa may pintuan ng kanyang silid.

Tumango siya saka ngumiti. Simpleng maong skinny jeans at cotton shirt na humapit sa katawan niya ang suot niya noon. "Dadalawin ko ang punto ni Phil, Ma. Pati narin iyong kay Tristan" sa pagkakabanggit sa pangalan ng matalik niyang kaibigan ay naramdaman nanaman ni Anya ang pamilyar na lungkot sa kanyang dibdib.

Nakita niyang nagbuka ng bibig ang Mama niya pero naunahan ito ng Papa niya na tinatawag naman ang pangalan niya. "May naghahanap sayo anak, Lawrence ang pangalan" balita nito sa kanya.

Noon siya unti-unti kinabahan. Kaninang umaga niya huling nakausap si Lawrence. Tinawagan kasi siya ng binata para alamin ang way patungo sa kanila. Mapilit kasi itong sunduin siya, at kahit hindi niya aminin, alam niyang pusong mammon parin talaga siya pagdating sa binata.

"Pakisabi po Papa bababa na ako" aniya.

"Lawrence? Hindi ba siya iyong nagdala sayo sa ospital two years ago? Paano kayo nagkita at nagkaroon ng communication eh naiwala ko yung binigay niyang calling card?" napangiti siya nang makita ang kalituhang rumehistro sa mukha ng binata.

"Long story Ma" nangingislap ang mga mata niyang sagot. "minsan magkwentuhan tayo, marami akong gustong sabihin sa inyo tungkol kay Lawrence" saka na niya iniwan si Loida.

"O heto na pala siya" ani Manuel kaya siya napatingin narin sa tinitingnan nito.

Agad na napuno ng matinding pananabik ang dibdib ni Lawrence nang makita pababa na ng hagdan si Anya. Katulad noon, napakaganda parin nito, iyong tipong nakapagpapawala sa kanya sa sarili niyang katinuan. At iyon ang dahilan kaya marahil nagkaroon siya ng lakas ng loob na salubungin ito sa may paanan ng staircase.

Nakangiti niyang pinakatitigan ang dalaga. Pakiwari niya ay nakikita niya itong humahakbang palapit sa kanya suot ang isang mamahalin at napakagandang wedding gown na lalong nagpatingkad sa angkin nitong kagandahan. Sa isiping iyon ay lihim niyang tinawanan ang sarili. Alam niya ang gusto niyang gawin, pero hindi kagaya noon. Dadaanin niya sa proseso ang lahat, at hindi sa mabilisan.

"Good afternoon" bati niyang ngiting-ngiti kay Anya saka iniabot ang kamay rito, tinanggap naman iyon ng dalaga.

"Hi, so nagkakilala na pala kayo ni Papa?" ang bungad ni Anya sa kanya. "Pa, siya iyong nagligtas sa akin sa__"

"Sa accident, I know. And your first boyfriend?" nasa tono ni Manuel ang amusement saka siya nakangiting sinulyapan habang siya ay natawa ng mahina nang malingunan si Anya na namumula ang mukha.

"Sinabi mo?" ang pabulong na singhal sa kanya ni Anya saka siya pinanlakihan ng mata.

Nagkibit siya ng balikat saka natawa nang mahina nang hindi makapagpigil. "Anong masama? Hindi po ba Tito?"

"Oo nga naman, walang masama doon. Mga bata pa kayo nang mga panahong iyon, seven years ago? Tama ba hijo?" baling sa kanya ni Manuel.

"Yes Tito, seven years" aniya. "so paano, halika na?" yakag niya kay Anya pagkuwan.

Noon kumilos ang dalaga saka pagkatapos ay hinalikan ang ama. "Hindi nakakatuwa at hindi ko gusto ang pinangungunahan ako!" halata ang iritasyon sa tinig ni Anya nang nasa loob na sila ng sasakyan.

Nangingiti niya itong sinulyapan. Saka pagkatapos ay kinuha sa kamay nito ang buckle ng seatbelt na hindi nito maikabit-kabit gawa ng pagmamadali. "Akin na," narinig pa niya ang mahinang pagsinghap ni Anya nang aksidenteng nagdikit ang kanilang mga kamay. "parang wala yata akong natandaang eksena noon na nakita kitang bugnot? Palagi kang naka-ngiti noon kaya lalo kang gumaganda sa paningin ko alam mo ba?" wika niya saka na pinatakbo palabas ng gate ang sasakyan. Nakita niyang namula ang mukha ni Anya dahil sa sinabi niya at natuwa siya ng lihim dahil doon.

JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon