Part 23

1.6K 35 0
                                    

SA ospital agad na dumating ang Papa at Mama niya. Maging si Roma na katulad niya ay hindi rin matigil sa pag-iyak. Ilang oras matapos ang operasyon lumabas ang doktor at ibinalitang maayos naman ang kalagayan ni Lawrence. Maswerte raw ang binata dahil walang anumang internal organ ang tinamaan kaya stable na ang lagay nito.Hapon nang mula Tagaytay ay dumating ang mag-asawang Fritz at Julia, kasama ng mag-asawa si Ismael na agad siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit.

Habang gabi naman nang magkasabay na dumating ang dalawa pang nakababatang kapatid ni Lawrence habang si Sean ay kasunuran lang nina Fritz.

"Anya?" mula sa pagkakahiga niya sa mahabang sofa sa private room ng binata ay napabalikwas ng bangon nito si Anya.

Maluwang ang pagkakangiti niyang nilapitan ang nobyo na kagigising lang. Ilang oras din itong nanatiling tulog dahil sa itinurok ritong pampatulog. "Ano nang pakiramdam mo?" aniyang napaluha agad nang matiyak na gising na nga talaga ang binata at hindi siya namamalik-mata lang. "tinakot mo ako ng husto alam mo ba?" aniyang buong pagmamahal na hinaplos ang noo nito saka iyong buong pagmamahal na hinalikan.

Mahinang tawa ang naglandas sa lalamunan ni Lawrence bago ito nagsalita. "Tayong dalawa lang?"

Tumango siya. "Nandito silang lahat kanina, pinauwi ko na kasi ang sabi ng doktor okay kana rin naman. At isa pa, ang sabi ni Kuya ipagpapaliban nalang daw muna ninyo ang opening ng Festive sa Tagaytay dahil sa nangyari."

"Hindi pwede iyon" protesta ng binata kaya siya natawa.

"Pwede, kaya magpagaling kana. Kasi may sorpresang naghihintay sayo" aniyang kinuha ang kamay ng nobyo saka inilagay sa tapat ng tiyan niya.

Nanlaki ang mga mata ng binata sa narinig. "Talaga? How sure you are?" ang masaya nitong bulalas.

Nag-init ang mata ni Anya sa nakitang reaksyon ng nobyo. "Nagpa-check up ako, pero bago iyon pregnancy test muna" aniyang nagkibit ng balikat. "magiging Daddy kana" dugtong pa niya saka tuluyang napaluha.

Gamit ang isang kamay ng binata ay inabot nito ang kanyang mukha saka tinuyo ang kanyang mga luha. "I love you so much Mommy" anito.

Noon niya niyuko si Lawrence saka hinalikan. Tinugon naman iyon ng binata. "I love you too Daddy" aniyang pinakawalan sandali ang mga labi ng binata saka muling inangkin pagkatapos.

ILANG linggo ang nakalipas at kahit paano ay unti-unti nang nabura sa isipan ng lahat ang masamang nangyari. Bagaman ang ginawa ni Claire ay nag-iwan ng literal na pilat sa dibdib ni Lawrence, sinasabi ng binata na dahil iyon sa paninindigan nito sa kanya. Dahil sa malalim nitong pagmamahal dahil mas nanaisin nitong mamatay nalang kung hindi rin lang siya ang makakasama nito.

Gaya ng inaasahan, itinuloy nila ang demanda laban kay Claire. At buo ang pasya lalo na ng pamilya ng binata na papanagutin sa batas ang dalaga dahil sa ginawa nito. Dahil na nga rin sa pagbubuntis niya ay minabuti nilang madaliin na ang pag-aasikaso sa kanilang kasal. Isang linggo bago ang kasal nila ay umuwi ng Pilipinas ang tatay ni Lawrence na si Amado para daluhan ang espesyal na araw sa buhay ng anak nito.

Katulad ni Roma ay madali niyang nakapalagayan ng loob ang ama ni Lawrence. Ang totoo, ramdam niyang bahagi siya ng pamilya ng binata kaya naman masasabi niyang wala na siyang mahihiling pa.

SA araw mismo ng kanilang kasal ipinakilala sa kanya ni Lawrence si Aling Lilia. Ang alahera na ayon sa binata ay siyang orihinal na nagmamay-ari ng diamond engagement ring na ibinigay sa kanya ng asawa.

"Mahal kita" ibinulong sa kanya ni Lawrence habang isinasayaw siya ng asawa sa malaking bulwagan mismo ng Festive kung saan ginanap ang reception ng kanilang kasal.

"Mas mahal kita" sagot niyang hinaplos ng hintuturo ang matangos na ilong ng asawa. "at patuloy kitang mamahalin magpakailanman" totoo iyon sa loob niya.

"Are you ready?" tanong nito sa kanya ng ngiting-ngiti.

"For our journey to forever?" ang kinikilig niyang tanong.

Tumango-tango ang asawa niya saka siya hinapit palapit rito. "Yes, forever until eternity" anito saka siya mainit na hinalikan.

"Always" aniya nang pakawalan ng binata ang kanyang mga labi. "pero you still owe me that first date remember? Dance, wine, romantic music, dinner with candle light?" aniyang iniiwas ang mukha kay Lawrence nang tangkain muli siya nitong halikan.

Narinig niya ang mahinang ungol na kumawala sa mga labi nito. "Anya, nasa atin na ang lahat ng panahon para gawin ang lahat ng iyon. I promise you that I would be the best boyfriend, bestfriend, lover and husband to you."

"Yeah?" ang kinikilig niyang tugon.

Tumango ang asawa niya saka nito inilapit ng husto sa kanya ang mukha nito. "Yes, kaya sana naman huwag mo akong bibitinin. Hindi maganda iyon, sinabi ko naman sa'yo diba?" anitong ibinulong pa ang huling pangungusap sa kanya kaya siya malakas na natawa.

"Hindi naman ah?" amuse niyang sabi.

Noon nangigigil na kinurot ni Lawrence ang tungki ng kanya ilong. "Hindi daw, eh kanina ka pa salita ng salita, kanina pa kita gustong halikan" bulong nanaman nito.

Magbubuka pa sana ng bibig nito si Anya pero napigil iyon nang mapuno ang paligid nang ingayn gawa ng mga kopitang pinatutunog ng kutsara. "Kiss... Kiss..." anang crowd.

Nang tingalain niya si Lawrence ay nakita niyang umangat ang sulok ng labi nito. "Great timing, now stop talking and return my kisses passionately" anitong pagkasabi niyon ay mabilis siyang kinabig saka maalab na hinalikan.

Marami pa sanang gustong sabihin si Anya, pero katulad na nga ng sinabi kanina ng asawa niya. Ayaw nito ang nabibitin kaya minabuti niyang tuguning nalang ito ng maiinit ring halik. Napuno ng ingay ng hiwayan at palakpakan ang malaking bulwagan. Pero sa isip ni Anya isa lang ang paulit-ulit na naririnig niya. At iyon ay ang malakas na tibok ng puso ng asawa niyang tanging ang sinasambit ay ang pangalan niya.

Forever until eternity, I love you Lawrence.

***WAKAS***

🎉 Tapos mo nang basahin ang JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR) 🎉
JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon