Part 14

656 19 0
                                    

"MAGKIKITA pa ba tayo?" hindi napigilan ni Anya ang mapangiti sa tanong na iyon sa kanya ni Lawrence. Inihatid siya ng binata hanggang sa kinapaparadahan ng kotse niya at hindi niya maikakaila na gusto rin naman niyang muli itong makita.

Maaliwalas ang bukas ng mukha niyang tiningala si Lawrence. "Ikaw?" aniyang nagkibit ng balikat pagkuwan.

Nangingislap ang mga matang sumagot ang binata. "Narinig mo naman iyong sinabi ko sa pamangkin ko kanina hindi ba? So siguro naman alam mo na ang sagot doon."

Wala sa loob na napailing si Anya sa narinig. "Paiikutin mo nanaman ba ako at bobolahin kagaya noon Lawrence? Iyong nangyari sa atin noong nasa kolehiyo tayo, pitong taon na ang lumipas. Wala na ang dating ako na madaling naniwala sa bulaklak ng dila mo" sa isang iglap ay nanalim ang tinig ni Anya.

"Wala akong sinabing ganoon? At isa pa ikaw ang nagbukas ng usapan tungkol sa past?" Sa kabila ng naramdamang pagkapahiya, hindi niya napigil ang matawa ng mahina sa sinabing iyon ng binata. Dahilan kaya muling nagsalita si Lawrence. "Kumusta kana nga pala? I was expecting anything from you after kitang makausap sa hospital that day?"

Sa tanong na iyon biglang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib saka nagmamadaling umiwas ng tingin sa binata. "A-Ano kasi, ilang araw lang after nun lumipad na ako pa-Korea" pagsasabi niya ng totoo saka sinulyapan at matamis na nginitian si Lawrence. Sa pagkakataong iyon ay lihim niyang binati ang kanyang sarili.

"The magic of your smile is heaven sent.Masaya ako dahil nakakangiti kana ngayon, after all deserve mo ang maging masaya" nag-init man ang mukha niya sa sinabing iyon ng binata ay minabuti parin niyang sumagot.

"S-Salamat" maikli niyang tugon.

Tumango si Lawrence kaya umakma na siyang tatalikuran ito para pumasok sa loob ng kanyang kotse pero napigil iyon nang muling magsalita ang binata. "May nakalimutan ka pa, Anya" hinaplos ng kakaibang uri ng damdamin ang puso niya sa pagkakabanggit nito sa palayaw niya.

Taka niya itong tiningala. "N-nakalimutan?" salubong ang mga kilay niyang tanong.

Mahinang tawa muna ang naglandas sa lalamunan ni Lawrence bago ito nagsalita. "Your cellphone number? Para this time ako na ang tatawag sayo, ako ang pupunta at lalapit sayo at ako ang gagawa ng paraan para makita at makasama ka."

Kasabay ng panunuyo ng kanyang lalamunan, naramdaman niyang nahigit ang kanyang paghinga hindi lang dahil sa lagkit ng titig sa kanya ng binata kundi maging sa lamyos ng boses nito habang nagsasalita. "H-Ha? O-Okay" aniyang sinimulang idikta sa binata ang kanyang cellphone number. "I should go" ang huli niyang sinabi saka pagkatapos ay hinila pabukas ang pintuan ng kanyang kotse pero napahumindig siya nang maramdaman ang mainit na kamay ni Lawrence sa pumigil sa kanya braso. Taka niya itong muling hinarap.

"M-May kailangan ka pa ba?" aniyang pasimpleng hinila ang braso mula sa binata pero sa halip na bitiwan ay itinulak nito ang pasara ang pintuan ng kanyang kotse saka siya idinikit doon.

Sinuyod muna ng tingin ni Lawrence ang kanyang mukha bago ito nagsalita. "Gusto lang kitang bigyan ng dahilan para, you know, gustuhin mong makita akong muli" pagkasabi niyon ay umangat ang sulok ng labi ng binata.

"W-What d-?" hindi na naituloy ni Anya ang gusto niyang klaruhin nang bigla ay niyuko siya ni Lawrence saka mainit na inangkin ang kanyang mga labi.

Mabilis ang naging epekto sa kanya ng halik na iyon. Naramdaman niya ang agarang panghihina ng kanyang mga tuhod kaya siya kumapit ang matipunong balikat ng binata. At hindi niya alam kung papaanong kusa niyang naipikit ang kanyang mga mata dahil nang itigil ni Lawrence ang ginagawa ay namulatan niya itong nakangiti habang masuyong hinahaplos ang gilid ng kanyang labi.

"Maiingat ka" anito pang tila normal nalang sa pagitan nila ang nangyari. Tila wala sa sariling napatango siya at walang imik na sumakay sa dala niyang kotse.

Habang daan ay tahimik parin niyang pinakikiramdaman ang sarili. At dahil sa nakabibinging katahimikan ay minabuti niyang buksan ang car stereo. Para lang mapailing nang mapakinggan ang nakaereng kanta. Ang awiting Just Fall in Love Again, doon wala sa loob siyang napangiti.

JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon