Second.

136 11 13
                                    

*Alarm clock ringing*







Bakit ko ba naiset yung alarm clock eh sabado naman ngayon-











*Alarm clock ringing still*










Tumagilid ako at tinakpan ang mga tenga ko pero rinig na rinig ko pa din ang ring ng alarm clock.












Pero teka-














Bakit may mahahabang hibla akong nahahawakan na nasa tenga ko?









Hindi ko iyon pinansin hanggang sa nairita na ako ng tuluyan sa naririnig ko.





"Kainis anu-" natigilan ako at napamulat ng mata ko.








Nananaginip ba ako?









Narinig kong bahagyang sumingkit yata ang boses ko kaya nagsalita ako ulit, at di nga ako nagkamali.








Tumindig ang balahibo kaya sinampal ko ang sarili kong pisngi at nasaktan nga ako sa bigat ng kamay ko, na nagpapatunay na gising nga ako at di nananaginip.








Dahan dahang kinapa ko ang ulo ko at ibinaba iyon.









At ibinaba ng ibinaba.










Iyon yung kaninang mahabang hiblang nahawakan ko kanina.









Napatingin ako sa dulo nito na hawak ng mga kamay ko na kapantay na pala sa sikmura ko.










At napansin ko din ang dalawang umbok sa dibdib ko.












Kinabahan ako bigla.













At ng magkatagpo tagpo ang mga ideyang nabubuo sa utak ko, dun ko nalang napagtanto na may himalang nangyari sa buong katawan ko.























"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" I screamed at the top of my lungs sabay takbo papunta sa bathroom ko na at muntikan pa akong matisod dahil diko matantsa kung paano na ang tumakbo.











Diretso ako agad sa harap ng salamin at doon bumungad ang mukha kong gaya ng dati, ngunit mas mahaba ng pilik-mata, mala rosas na labi, at darkbrown na mahabang buhok. Kabado man ako ay pahawak ako sa dibdib ko na sanhi lalo ng pagtulo ng luha ko mula sa mga mata.





"A-anong nangyari? A-anong n-nangyayari?" Naiiyak kong wika habang naririnig ang boses kong pambabae.







Diko na napigilan pa ang sarili ko at natumba na ako sa may sahig habang umiiyak yakap yakap ang sarili ko. Rinig rinig ang bawat pag hikbi ko sa loob ng bathroom.












Hindi to puwede!












At habang umiiyak ako, narinig ko ang yapak ng dalawang tao sa loob ng kuwarto ko.






"Anak?" I know it's my Nanay at kumakatok sila sa bathroom door ko.










Napatigil ako sa pag iyak dahil natatakot akong maabutan nila akong ganito. Pero di din ako nakasalita kasi maririnig nila iyong boses ko.












Overplay S5: HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon