Nineteenth.

120 8 0
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas pero di pa din ako pinapansin ni Jeno. Pinuntahan ko na siya sa bahay nila nun pero itinaboy niya lang ako. Pati sa school pilit ko siyang kinakausap pero ang lagi niyang sabi ay busy siya. Alam ko naman na hanggang ngayon ay galit pa din siya sakin.







Ginusto ko ba na maabutan niya si Edward sa bahay? Di naman ako nagpapaligaw sa kahit kanino dahil may Jeno na ako. Tapos siya, napakaarogante niya.






"Nakakainis." Usal ko habang pinupunit iyong pahina ng old notebook ko na may bakanteng pahina pa.


"Oy easy. Pati pa naman yang notebook pinagdidiskitahan mo." Narinig kong wika ni Minhyung. Nasa kuwarto ko kasi siya at maaga pa, at wala pa kaming balak umalis ng bahay at oo siya na ang nagsusundo sakin.






Ang wika niya, sinabi daw ni Jeno na siya muna ang magsundo sakin.
















Okay lang naman. Pero nasasaktan pa din ako.








Bakit ba ayaw niya akong kausapin? Namimiss ko na siya tapos ako di ata niya namimiss.









"Alam mo ikaw kasi, isipin mo din ang lagay ni Jeno. Kita mo yung lalaking yun, thrice a week pala may modelling shoot yun after ng practice niya sa soccer. Nakikita mo ba yung nararanasan niyang pagod? Tapos naistress pa yun sa school kasi graduating na kayo. Tapos inaalala ka niya. Siguro yung panahong nakita niya si Edward sa bahay niyo, sobra siyang napagod o baka masama pa pakiramdam niya. Naiintindihan mo ba ako, Jaemin?" He said.




"Ilang beses na akong nagsosorry pero itinataboy naman niya ako." Diko mapigilang mag-pout dahil nagpipigil ako ng iyak.





"Mas mahirap kasi pag lalaki ang nagpakipot, Jaemin. Idaan mo kaya siya sa kahinaan niya." He suddenly winked.






Kahinaan?








Ng magets ko iyong ibig niyang sabihin, pinulot ko yung unan sa tabi ko tsaka binato sa kanya.






"Nagbibiro lang ako kasi naman masyado ka ng seryoso!" He laughed hard. Napairap lang ako.






Kaibigan ko ba talaga to?









"Osige na nga. Tara nalang sa school baka maiyak ka pa diyan." Sabi niya at binitbit na ang gamit ko. Sumunod nalang ako sa kanya sa baba.


















Hinatid ako ni Minhyun hanggang advisory classroom namin. Pagkarating ko dun, hinanap ko si Jeno sa upuan niya pero wala siya. Tanging sina Mark at Haechan lang na nagkukuwentuhan ang naroon.





Napahinga ako ng malalim.






Dumiretso nalang ako sa upuan ko at nanahimik.





Nalaman ko nalang kina Chenle na nasa field sila Jeno ngayon dahil may practice pa din sila. Nagyaya siyang pumunta kami dun mamaya pero para akong nagdalawang isip dahil di naman niya ako pinapansin pa.





Pero pumayag din ako kalaunan.










Ng matapos ang klase namin, kumain muna kami ng cafeteria.













"Puwedeng pakibigay to sa bestfriend mo, Mark?" Sabi ko kay Mark habang inaabot ang isang bottled water at lunch ni Jeno.




"Ikaw nalang magbigay." He smiled.



Overplay S5: HerWhere stories live. Discover now