Twenty Ninth.

132 6 5
                                    

"Hello, baby. Welcome to your family." Wika ni Jeno habang nasa mga bisig niya iyong kapapanganak kong kapatid at ako ay nakatingin lang sa kanya. Si Nanay nakangiti lang siya.







Kakasabi lang ng doctor na okay ang lagay na ni Nanay at medyo napaaga daw ang panganganak niya kaya minomonitor pa nila ang kondisyon ng baby sister ko. Of course, i am so happy at mukhang mabuti naman ang lagay ni baby kasi buhay na buhay ito at ang cute cute niya.










Pansamatalang nawala sa isipan ko ang pangamba tungkol kay Emily dahil sa pagdating ni Baby Bella.





"I seriously want to name her Bella because that's the name which symbolizes real beauty." I told them and Jeno smiled at me.




"Ang cute cute niya. Kamukha mo." Natutuwang sabi ni Jeno at bahagya akong kinilig.







Naimagine ko tuloy si Jeno habang hawak niya magiging anak namin. Siguro ang saya saya niya nun. Iyong makikita mo at alam mong magiging Daddy na siya.







Di naglaon ay kinuha na nung nurse si Baby Bella at nilagay sa nursery at naiwan ako sa kuwarto ni Nanay.




"Okay ka na ba?" I asked Nanay.





"Namomorblema ako simula nung nawala ang Daddy mo. Kaya nga napaaga ang panganganak ko dahil sa pagkawala niya. Pero kanina, nung mahawakan ko ang kapatid mo, at marinig ang iyak niya, parang nawala lahat ng stress at lungkot sakin." She said that made me smile.




"Tutulungan naman kita kay Baby Bella. Ako muna mag aalaga sa kanya at sayo." I said.





"Thank you, anak. Tama nga ang daddy mo. Matapang at matatag ka talaga." She said.





Nakangiti lang ako sa kanya.







Hindi niya lang alam hirap na hirap ako sa nangyayari sa buhay ko.











Tapos bumalik na naman si Emily, mas malaking kalbaryo ito para sakin dahil wala si Nana na magtatanggol sakin.












Pumasok bigla si Jeno na dala ang pagkain ni Nanay at inilapag ito sa table niya.





Nagpasalamat si Nanay kay Jeno at ngumiti lang ito sa kanya.





"Kain ka na din. Bibili ako ng pagkain mo." He said but i stopped him.






"Dito ka nalang." Sbay hila ko sa kanya paupo sa tabi ko.







"Masaya ka ba?" He asked.



"Hmm .." i thinked. "Oo." I smiled.








"Bakit?" He asked.




"Kasi nandito ka at okay lang si Nanay at ang kapatid ko." I answered.







Kiniss niya lang ako sa cheeks ko at namula ako ng makita iyon ni Nanay. Natawa ito at pati si Jeno ay tumawa ng panandalian.





"Anak, bago pa man nagpropose sayo si Jeno, ipinaalam na niya yun sakin. Kaya di mo kailangan magkunwari okay?" She said kaya nilingon ko si Jeno.



Tumango naman ito ng nakangiti.





"Uuwi pala ako saglit. Babalik ako mamaya ha?" Jeno said at tumango lang ako. Tumayo naman siya at bigla akong hinalikan sa lips kaya nahampas ko siya. Nandito si Nanay at nahihiya pa din naman ako.





Overplay S5: HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon