Sixth.

100 7 3
                                    

Ng tumagal ay naging normal na ang lahat sa paligid ko. Hindi na masama ang tingin ng tao sakin sa tuwing nakikita nila ako. Siguro ay talagang threatened sila kay Jeno.








Pero ngayong araw ay diko kasama si Jeno, may whole day practice ulit sila sa soccer dahil muli't muli ay may inaabangang sports competition sa labas ng University. May mga bagong players din daw silang naisama galing sa audition last week.







Pero siguro ay pupuntahan namin si Jeno mamaya sa field.








"Jaemin?" Somebody called my name habang nasa klase kami. Tinginan lahat sa taong nasa pinto at nakita namin iyong isang Mapeh professor na ngumiti sa teacher namin.





"Yayayain ko sana si Jaemin na maging bagong sport's muse ngayong taon. Nirecommend kasi siya ng adviser nila sakin." Wika nito.





Napatingin naman sakin ang iba naming kaklaseng babae.





"Mukhang kaya naman niya eh. Ano payag ka ba?" Our teacher asked me.






Nagdadalawang isip ako.






"Kailangan kasi namin ng matalino at matangkad para maging muse." Wika pa nung Mapeh professor.




"Go na." Herin tapped my shoulder.





Naiisip ko kasi maganda din yun para masanay ako sa tao at dagdag grades din yun. Kaso .. wala akong alam tungkol dun.








"Ma'am, okay lang naman. Kaso wala pa akong background tungkol sa ganyan." I answered.




"Dont worry. Igaguide ka namin." She smiled.









"Uhm sige po." I smiled.









"Uy aabangan namin yan." Sabi nila Mark.






Naexcite din ako kahit paano. Siyempre kahit paano makakatulong yun. Plus gagraduate na ako, kailangan siguro lubos lubusin ko na.














Nagpatuloy ang klase hanggang lunch break. Tutal wala naman kaming class after lunch since last year na namin to at iilang major subjects nalang ang itinetake namin, ay bumili nalang ako ng dalawang meal para samin ni Jeno. Nagpaalam ako kina Mark after nun at sinabi nilang susunod daw sila sa field para kamustahim si Jeno. After nun, umalis na ako ng cafeteria.









Habang naglalakad ako, ramdam na ramdam ko ang tingin ng ilang tao sakin. Akala ko normal na ako sa lahat. Yun pala, hinuhusgahan pa din ako ng iba.











Pero gaya ng sabi ni Jeno, di ako magpapaapekto.












Then, someone catched my arm from the back kaya napatingin ako sa kamay na ito saka sa may ari nito. Nakita ko ang tatlong mapuputing lalaki na nakasoccer uniform at di pamilyar sa paningin ko. Mukhang sila yung bagong soccer players na kasama ni Jeno.







But why are they stopping me like this?






"Miss, ikaw may ari nito diba?" Bumitaw na siya sa braso ko at ipinakita ang panyo na pagmamay ari ko nga.



"Thank you, akin nga yan." I said at inabot niya ito sakin ng nakangiti. They seemed like good guys so i found it kinda cool.
















Overplay S5: HerWhere stories live. Discover now