Fourteenth.

130 9 6
                                    

Kinabukasan, di ako nakapasok. Tutal Friday na, okay lang yun. Sa lunes naman kadalasan ang quizzes eh.






Sasamahan ko kasi si Nanay sa doktor niya kasi pang-7th month check up na niya ngayon. Ang bilis ng panahon, two months nalang magkakaroon na ako ng kapatid. And luckily, it is a girl. Sabi nga nila Daddy, ako daw magpangalan kasi matalino daw ako. Natawa nalang ako.






I wanted to name her Bella, kasi simbolo ng pangalang yan ang pagiging maganda. I know magiging maganda ang kapatid gaya ni Nanay.







Ayaw nga sana pumayag ni Nanay na samahan ko siya pero ayokong mag isa lang siya. Kaya wala siyang nagawa.















Pagdating namin sa doktor niya, chineck-up na siya at ang baby niya. Okay at healthy naman daw both si Nanay at si baby kaya nakangiti lang ako.






Kaso nung pag uwi namin, hindi ko macontact si Jeno. Sasabihin ko sanang puntahan niya ako ng bahay pag wala na siyang practice at klase. Kaso di nagrereply ang loko.










Hindi ako nakatiis ay napagpasyahan kong kitain siya sa school.





Kaya agad akong nagpalit ng damit at dumiretso sa kuwarto nila Nanay.






Naiwan niyang bukas ang pinto kaya sumilip ako sa loob and i saw her sleeping silently in her bed. Magpapaalam sana ako kaso ayokong maistorbo siya.









Kaya bumaba ako at hinanap iyong isang maid namin.



"Ate, pakitingnan nalang muna si Nanay ha? Nakatulog siya sa kuwarto niya eh. Pag nagkaproblema tawagan niyo ako. Uuwi din ako agad." I said.




"Ay sige po Ma'am." Sagot naman nito saka na ako umalis at dumiretso sa school.








Nakakainis yan. Di ako pumasok ngayong umaga. Tapos makikita nila akong pagala gala dito ngayong wala ng klase. Isipin pa ng mga kaklase ko nagcutting classes ako. Aba di ko gawain yun.












Nakakainis ka, Jeno. Asan ka ba?












Lumibot libot ako sa department namin at nagtanong tanong baka nakita nila si Jeno. Pero hindi. Pumunta rin ako sa may field, kaso wala siya.









"Uy Jaemin ikaw pala." Nasalubong ko iyong Captain nila, si Taeil.





"Hinahanap ko kasi si Jeno. Nakita niyo ba siya?" I asked.



"Hindi eh. Wala naman kaming practice kanina. Pero nakita ko siyang pumasok kaninang umaga." He replied.




Napabuga ako ng malalim.




"Natawagan mo na ba siya?" He asked.




"Oo eh kaso di sumasagot at nagrereply." I said.




"Dibale, pag nakita ko siya sasabihan ko na puntahan ka." He pats my head before going away.








Napahinga lang ako ng malalim habang pinapanuod siyang umalis.










"Hey .." someone said kaya napalingon ako.








"Jungwoo .." i said and smiled.





Overplay S5: HerWhere stories live. Discover now