Fourty First.

92 7 0
                                    

Pagkababa sakin ni Drake sa loob ng isang abandonadong gusali ay literal na natumba ako at nagpatuloy sa pag iyak. Nilingon naman niya ako habang nagsusuot ito ng damit.






Someone help me up at nakita si Emily na pinupunasan ang noo ko.




"Wag kang maniwala sa mga demonyong kumokontrol sa katawan ko. Kasalanan ang maniwala sa kanila." She said but i pushed her. Hindi naman ito nagsalita ulit at halatang nagulat sa ginawa ko.




"Ano bang alam mo? Kung totoong ikaw ang tunay na nagmamay ari ng katawan na yun, gumawa ka na ng tamang paraan para makabalik ka sa katawan mo. Matagal mo na kaming pineperwisyo hindi ba? Bakit hindi ka nalang kasi umalis sa buhay namin?" Galit na galit kong wika sa kanya.





"You are talking to an angel, stop it." Hinila ako ni Drake at napatayo na din ako.




"Wala na ba akong ibang mararamdaman kung hindi ang masaktan nila ni Jeno? Bakit hindi nalang sila ang magsama tutal ako lang naman yata yung mukhang panggu-"

"Kung totoong sex toy ka niya, sa tingin mo aabot kayo ng ilang taon ng hindi siya nakakahanap ng iba? Sa tingin mo, ibababa niya ang pride niya para lang isagawa ang panloloko sayo? Sa tingin mo, nakipagtalik siya sa katawan ko dahil gusto niya lang yun? Jeno had reasons, Jaemin. Sa tingin mo gagawin niya ang lahat ng sakripisyo para sayo? Halos lahat na ng babaeng nakapalibot sa kanya naiinggit na sayo. Kasi alam ng lahat kung gaano isinusuko ni Jeno yung buhay niya para sayo. Pero bakit hinuhusgahan mo na siya sa kaunting pagkakamali lang?" Emily said that made a painful strike on me. On my heart.






Nagpatuloy lang ako sa pag iyak.





"Nang humiwalay ang espiritu ko sa katawan ko at nalaman kong may iba ng itinitibok ang puso si Jeno, ninais ko na noon na puksain nalang ang sarili ko. Kasi noong kami, diko naramdamang tumibok ang puso ni Jeno sa akin. Kasi pinaglaruan niya lang ako, ekspiremento and i am all overplayed. Kasalanan ko ding umibig ako sa isang nilalang na di kailanman ay hindi puwedeng maging akin, at hindi nararapat sakin. Napakasuwerte mo, pero bakit mo siya pinag iisipan ng ganito? Maawa ka naman sa kanya." She continued.




"Tama siya, Jaemin. Nagawa lang naman ni Jeno ang magtaksil sayo sa ganung paraan dahil sinabi ni Emily na titigilan na daw niya kayo pag nabuntis siya nito." Sabi pa ni Drake kaya nilingon ko siya.



"Paano mo nasasabi yan?" I asked him.




"Narinig ko nun. Nung dinukot nila si Jeno, iyong araw na ipinanganak ang kapatid mo, narinig ko ang buong pangyayari nun tungkol sa deal nilang dalawa." Drake said.






Parang doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para kumalma.





"Pero nasaan si Jeno? Bakit natin siya iniwan doon? Kailangan niya tayo." I cried.




"Kinuha siya nung kasama ko. Maya maya ay darating na sila dito wag kang mag alala. Kaya magpahinga muna kayo." Sabi ni Drake at umalis na.





Naiwan tuloy ako kasama si Emily, ng kanyang puting espiritu, ibig kong sabihin.






Pero naglakad ito paalis.





"Teka, saan ka pupunta?" I asked.




Hindi niya ako nilingon. "Mag iisip ako ng paraan." And then, she's gone.





Napaupo ako sa sahig habang umaagos ulit ang luhang diko alam kung bakit umaagos pa din.






Tama naman si Emily eh. Lahat naman sinakripisyo na ni Jeno para sakin. Ako lang naman yung laging nag iinarte. Pero masisisi ba nila ako? Nasasaktan din naman ako.












Parang sa nangyayari, gusto ko ng sumuko. Parang pinaparating ng langit na di talaga kami puwedeng magsama ni Jeno.













Then, someone showed up in a door. Napatayo ako ng makita ko ang isang black wolf na ibinagsak si Jeno sa tabi. Tinulungan ni Drake na makatayo si Jeno saka naman tumakbo paalis iyong black wolf na mukhang babae yata.





Duguan ang damit nito at parang napilayan habang nauubo ng dugo.





Alanganin akong lumapit hanggang sa tiningala niya ako at pahirapan siyang nagsalita, "Okay ka lang?"







I cried hard. Then, a girl showed up with her left arm bleeding.






"Muntikan na kaming maabutan ng mga tauhan nila kanina. Kaya halos di na kami makatakas." Paliwanag nung babae.







Lumapit ako kay Jeno at at hinawakan ang mukha niya. Sumilip nga ang konting ngiti sa labi niya pero papikit pikit na ang mata niya.





"Kailangan niya ng pahinga. Hindi kayo puwedeng umuwi sa inyo dahil nag aabang ang panganib sa lugar niyo." Sabi pa ni Drake.





"Anong ibig niyong sabihin?" I asked.






"Kailangan lang na mahanap natin iyong ilang goblin friends niyo para malaman kung ano ang puwede nilang maitulong sainyo." Sabi ni Drake.






Hindi na ako nagsalita at niyakap si Jeno.








"Sorry." He mumbled but i kissed his forehead instead of replying back.





"Sabi ko naman sayo, hindi kita deserve eh. Masasaktan lang kita sa kalokohan ko." He said lowly.









"Mahal mo ba ako, Jeno?" I asked with teary eyes again.





Tiningnan niya ako.







"Kung hindi kita mahal, malamang matagal na akong wala dito." He said.





"Ikaw ang dahilan kung bakit lumalaban pa din ako." He looked at me straight.










"Pagkatapos nalang nitong lahat, hahayaan kitang magdesisyon kung gusto mo pa bang manatili sa tabi ko o hindi. Kung ayaw mo na sakin, okay lang." He said.






"Mahal naman kita, jeno eh." Naiyak na ako ng tuluyan. Then, he hugged me.






"I love you too. Ikaw lang naman lagi kong inaaalala eh." He whispered near my ear.









"Hindi kaya .... Kaya tayo ginaganito dahil hindi naman talaga tayo ang itinadhana?" I cried facing him. He cupped my cheeks as he wiped my tears away.






"Demonyo ang kalaban natin, Jaemin. Wala tayong laban sa kanila dahil tao lang tayo. Pero hindi naman nangangahulugang di na tayo puwede sa isa't isa." He said.





"Im so sorry." I bowed my head down, leaning on his chest.






"Nang dahil naman sakin kaya nangyayari to. Kayo naman talaga dati ni Emily diba? Nung dumating ako, binigyan lang kita ng diperensiya. Binigyan lang kita ng kasalanan. Binigyan lang kita ng problema." I said crying.






"Pero di ako mabubuhay ng wala ka. Tandaan mo yan, Jaemin." He said that made me cry for more.













Sa mga nangyayari, mukhang mas malaking trahedya ang sinusuong namin ni Jeno kesa kina Romeo at Juliet.

Overplay S5: HerWhere stories live. Discover now