Fourty Sixth.

84 6 0
                                    

Nagising ako kinaumagahan n maramdaman kong bumukas iyong pinto ng cr namin at may naramdaman akong mga paglalakad malapit. Unti unting bunukas ang mga mata ko at naaninag si Jeno habang nagsusuot ng damit niya.





"Saan ang lakad mo?" I asked. Mukhang may business meeting siya kasi nakablack suit siya ngayon eh.





"Pipirma ng kontrata plus a meeting with Dad's clients. Alam mo na, bagong trabaho." He smiled as he leaned on me kissing my forehead.





"Bakit di mo ako ginising para ako nag asikaso sayo?" I asked yawning and sitting in my bed.




"Wag na. Kaya ko naman eh. Tsaka may nararamdaman ka pa. Kaya dito ka lang sa bahay ah? Nandyan naman si Pandora para gawin mga gawaing bahay para sayo. Pagaling ka." He kissed me in my lips saka niya kinuha iyong bag niya.





"Anong oras ka uuwi?" I asked habang palabas na siya ng kuwarto.



"Hindi ko masisigurado. Kasi sabi ni Dad may business dinner mamayang gabi. Pero tatawag ako sayo mamayang lunch." He smiled. Nginitian ko nalang din siya at hinayaang umalis.




Pagkaalis niya ay nahiga ako ulit habang pinapakiramdaman ang sarili.







Tapos naramdaman kong bigla akong nagutom kasabay ng pagkaamoy ko ng isang pagkain.






A sudden knock came up from the door.



"Sino yan?" Nakita ko si Pandora, may hawak na food tray na nakangiti sa may pintuan.





Bumaba ako sa higaan at kinuha iyong tray at nagpasalamat sa kanya.




"Sabi ni Daddy, dalhan daw kita ng almusal ngayong umaga." She said.





Pero parang may bahid na kalungkutan sa mata niya at doon ko napansin na may kakaiba sa kanya.






"Alis na po ak-"
"Teka." I grabbed her wrist at doon ko nakita ang itinatago niya sa leeg niya.






"Ano yang malaking pasa mo sa leeg?" Tanong ko.





Nanlaki ang mata niya at hinila ang kamay niya mula sakin. Itinago niya ito mula sakin at umiling.





"Sabihin mo na. Dali. Baka pag nakita yan ni Jeno, akalain niyang ako gumawa niyan. At gagamutin ko." I said.




"Hindi yan malulunasan dahil gawa yan ng isang demonyo." She said.



"Anong ibig mong sabihin?" I asked.





May hinila siya mula sa bulsa niya. Akala ko kapirasong tela lang yun pero ng ibinuklat niya ay nakita kong isa itong white dress na napakafamiliar.






"Nagising ako sa alulong ng mga aso kagabi. Nalaman kong sila Elaine iyon kaya napalabas ako ng bahay ng hindi nagpapaalam sainyo. Nang natagpuan ko sila Elaine, may nakita akong isang babae. Hawig na hawig ni Mommy Emily at suot niya ang damit na to." She said.







Pumasok sa isip ko kung sino ang tinutukoy niya.






At malamang, ang may suot ng damit na ito.








"Nakita kong asul ang mata niya at naiyak ako ng magkatinginan kami." She said started crying.







Parang nadurog ang puso ko habang pinapakinggan ang hikbi niya.





Kaya di ko napigilan ang maluha sa sinabi niya.






"Nakita ko kung paano nanghina ang puting espiritu na yun gamit ng itim na kapangyarihan ni Mommy Emily. Sinubukan kong isalba siya pero nauwi lang sa pananakit niya sakin ang lahat." She continued.





Ibig sabihin, wala na si Emily.







Natalo siya ng diyablo, at wala ng pag asa pa.







"Ang sabi ni Mommy Emily, isusunod niya daw kayo ni Daddy Jeno kaya binunot ko ang isang piraso ng metal mula sa pakpak ko para saksakin siya. At kapalit nun ang pasang matatagpuan sa leeg ko." She said as she spread her wings at nakita kong may kulang nga sa pakpak niya.







Kaya pala mukha siyang pagod ngayon.






For the very first time, i pulled her for a hug.







"Sorry if i can't do anything." She suddenly whispered.








"You dont need to do anything." I said trying to comfort her, pero pati talaga ako natatakot na.







Una siyang nag alis ng yakap at pinunasan niya ang luha niya.






"Would you promise to take care of Dad at hindi mo siya iiwan?" She suddenly asked.




"Teka. Bakit?" I asked confused.







"May alam akong paraan para mawala si Mommy Emily. Pati na ng kampon niya." She said.




Napatayo ako. "Anong paraan?"







"Yung puso ko. Yun ang papatay sa kanya." She said as she put her left palm into her heart's direction.





"Pero mamamatay ka." I said.







"Ano pa bang aasahan natin sa isang tulad ko? Wala na akong puwang sa kahit saan. Di ako tao. Di din ako makakaakyat sa taas. Kung babagsak lang din naman ako sa mundo ng mga demonyo, nanaisin ko nalang na mapuksa ako ng tuluyan." She said.



Napahinga ako ng malalim.





"Sasabihin ko kina Nana na kunin ka nila sa mundo nila." I said.




"Ayokong makisama sa mga goblins. Hindi pareho ang takbo ng mga utak namin kaya baka maging gulo lang ako." She answered.






Natahimik ako.







"Sige, aalis na ako." She said as she left.








Napahinga ulit ako ng malalim.









Pagod na pagod na din ako. Gusto ko nalang din matapos ang lahat.





Paano nga ba ulit ako napasok sa buhay na ganito? Dahil yun kay Jeno.







Kung hindi ba naging kami, hindi mangyayari to?






Kung hindi ba niya ako pinansin noon, okay lang lahat ngayon?










Sobra sobra na to. Andami nang nasaktan, andami nang nawawala.









Paano kung sa panghuling ito ay ako naman ang mawala?









Paano na?

Overplay S5: HerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant