Tenth.

113 10 4
                                    

"Jeno, samahan mo ako." Tapos na ang klase at nasa may Quadrangle kami nila Jeno at ng tropa dahil wala pa kami lahat balak umuwi.



"Saan sa simbahan ba?" He asked as he looked at me.



Hindi. Sa ampunan." I said na medyo problemado.





"Oh? Eh bakit ganyan mukha mo? Para kang natatakot." He asked.





Napahinga ako ng malalim. "Namimiss ko na sila Sister Anna. Bumili nga ako kahapon ng pangnoche buena sana nila para sa pasko worth 10K na binigay ni Daddy dahil nabanggit ko nga ang tungkol sa ampunan.







Kaso natatakot ako sa puwede nilang isipin pagkakita sakin. Baka isipin nila nagladlad ako or what, hindi naman sila naniniwala ng goblin things. At baka mag iba ang tingin nila sakin pag nalaman nilang naniniwala ako sa devil creatures gaya nun.





"Natatakot ako, Jeno." I admitted.







Humawak siya sa kamay ko kaya napaharap ako sa kanya.






"Sabihin natin ang totoong nangyari. Naniniwala akong maniniwala sila sayo dahil sila nagpalaki sayo. Tsaka hindi kita pababayaan." He smiled.







Napangiti din ako at kahit paano ay narelieve sa sinabi niya. Napayakap ako sa kanya.





"Salamat sa di mo pang iiwan sakin, Jeno." I told him habang hinahaplos niya ang buhok ko.





"Nasabi ko na bang di kita kayang iwan?" He lifted my facs then we chuckled both.







"Hoy maaga pa wag kayong maharot dyan!" Sigaw ni Mark kaya nagtawanan sila Chenle. Nakatingin pala sila samin kaya napahiwalay ako kay Jeno.





"Anong problema mo ba?" Pabirong tanong din ni Jeno.








Hindi nagtagal ay umuwi muna kami ni Jeno at kinuha iyong ibibigay ko kina Sister Anna. Naisipan din ni Jeno na bumili ng ilang pambatang damit at sapatos para sa mga bata sa ampunan kaya pumunta rin kami sa isang mall at bumili nun.








Dumiretso na kami sa ampunan pagkatapos doon at ng bumaba kami mula sa kotse ni Jeno, dala ang mga ibibigay namin sa kanila, ramdam na ramdam ko na iyong pangamba sa dibdib ko.






Naramdaman ko ang paghawak sa balikat ko ni Jeno kaya napahinga lang ulit ako ng malalim.





"Jaemin, ikaw ba yan?" Naulinigan ko ang isang pamilyar na boses na pasalubong samin kaya napatingin ako rito.





"Sister Anna .." nanginginig kong sabi.







Ngumiti siya ng mapakla.




"Totoo nga ang balita. Dibale na, basta alam kong mahal mo ang di-"


I cut her off. I took her left hand as i said, "Hindi ka maniniwala sa totoong nangyari sakin, Sister."






Nagkatitigan kami ng malalim. Hindi namin napansing nakatitig pala samin ang ibang bata at madre sa malapit.








"Mabuti siguro kung mauupo muna kayo sa loob. Tara." She said at niyaya kami sa loob. Tiningnan ko si Jeno at tinanguan niya lang ako.









Nang makaupo kami, "Naaalala mo pa ba si Nana? Iyong maputing babae noon na maganda, na mahaba ang itim na buhok at laging nakaputi?"






Overplay S5: HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon