Pangatlo

347 7 0
                                    

"Ano ba kasing klaseng trip 'to Kleo?"
Tanong ko sa batang kasama ko.

"You'll see, by the way habang busy pa lang sila do'n why dont you tell me a story ng malibang ako."
Sabi nito habang prenteng naka upo sa kahoy na upuan.

"Yung totoo, how old are you na?"
I asked sarcastically habang dinuduyan ang aking sarili.

"To tell you honestly isa ka na sa hindi ko mabilang na nag tanong niyan. Pero dose anyos pa lang ako."
Sabi nito habang naka tanaw kila Boni.

Dahil naka tingin siya doon ay hindi ko na rin maiwasan mapatingin. Babad sa araw sila Mang Ben, pero kahit gano'n tuloy parin sila sa pag sasaka. Much on my dismay hindi na shirtless si Boni.

"Ilang taon na si Boni?"
I asked out of nowhere, para kasing ang bata niya pa at the same time ang matured niyang tingnan.

"He's twenty-four years old right now."
Tugon niya.

Pakiramdam ko bigla akong tumanda. Twenty-four pa lang si Boni samatalang ako ay twenty-seven na.

"Tell me more about your family and him."
Utos ko kay Kleo na bahagya pang nag dabog bago ako sundin.

"Pangalawa siya sa aming mag kakapatid-"
I cut his words then spoke.

"You mean may isa pa kayong kapatid?"
Tanong ko.

"Obviously?"
Sarkastiko nitong sagot.

"So as I was saying pangalawa si Kuya Boni sa aming tatlong mag kakapatid. We have are eldest na si Aloa, next is him, then me."
Pag papatuloy niya.

"Continue."

"We're living in one roof, Kuya Boni serves as breadwinner of the family. Kahit hindi naman kailangan mag saka siya ay ginagawa niya parin. Dahil kami ang may ari ng palayan na ito."
He said, tanging 'ohh' lang ang nasabi ko.

Kung saka-sakali pala ay hindi ako magugutom dahil masipag si Boni. I laugh at my own thought, ano ba 'tong pinag-iisip ko?

"He just want to help para raw mas mapadali ang trabaho nila Mang Ben." Kleo plainly said then look at me. "He graduated highschool as Valedictorian at the age of fourteen. He's accelerated by two years. He's also graduated with Latin honors." He proudly explained.

"Marami siyang nakuhang opportunity after he graduated, pero lahat tinanggihan niya. Because he want to stay here in province. Ayaw niya kasing ma pa-layo sa amin."
Mahabang paliwanag ni Kleo.

So he's smart pala, nasa itsura naman hindi lang halata. Oo na, judgemental na ako saka ambisyosa rin.

"Eh, anong sabi ng parents niyo-"
Naputol ang usapan namin ni Kleo nung lumapit sa amin si Boni.

"Magandang tanghali."
Pag bati sa amin ni Boni, nakatakip ang mukha niya ng t-shirt.

"Good afternoon too."
Naka ismid na sabi ko.

"Nananghalian na ba kayo?"
Tanong niya habang tinatanggal ang takip sa mukha.

"Hin-"
Na putol ang sa sabihin ko nung may grupo ng mga babae ang lumapit.

"Boni!"
Pakantang sabi nung nasa gitna, medyo masakit sa tenga. Scratch it, masakit pala talaga sa tenga.

Alam niyo yung feeling na kakakita mo pa pa lang sa tao ayaw mo na sa kanya. Yung pakiramdam na wala pa siyang ginagawa sayo um-init na ang dugo mo sa kanya.

Pwes kung oo, nararamdaman ko 'yon ngayon.

"Kayo pala Alicia."
Naka ngiting bati ni Boni.

"Good afternoon Boni!"
Pag bati nito habang may matamis na ngiti sa labi.

LureWhere stories live. Discover now