Labing-walo

176 3 0
                                    

"Are you sure about this Any?"
Tanong ni Kuya Teo, tumango na lamang ako bilang sagot.

"Kaya mo ba talagang bumyahe mag isa?"
Tanong niya ulit.

Umihip ang malamig na hangin, napa yakap ako sa aking sarili.

"Yes Kuya, don't worry about me. Sorry kung biglaan ang pag alis ko."
Sabi ko sabay kuha ng bagahe ko.

"Ano ka ba naman Any, halika nga dito."
Sabi niya saka ako niyakap.

Umihip ulit ang pang madaling araw na hangin.

"Mag iingat ka doon ha?"
Tanging tango na lang ang aking naging sagot.

Pag sakay ko sa bus hindi ko lubusang ma isip lahat ng nangyari. Sa isang iglap lang nawala ang lahat.

Andaming nangyari, andaming nag bago.

Mabilis ang aking naging biyahe. Naka idlip lang ako saglit, dala ng wala pa akong tulog.

"Pasensya na hindi kita na sundo Ate."
Sabi ni Cent sabay kamot sa batok niya.

"Ayos lang."
Sagot ko sabay lapag ng mga gamit ko.

"Mag pahinga ka muna Any."
Sabi naman ni Jed sabay kuha ng mga gamit ko at lagay nito sa isang kwarto.

"Hindi na, nilagay ko lang gamit ko dito. Saka mag bibihis lang ulit ako tapos tutuoy na ako."
Sabi ko saka pumunta sa kwarto na pinag lagyan ni Jed ng gamit ko.

Kumuha ako ng itim na tshirt saka isa pang jeans. Mabilis akong na ligo saka nakapag bihis.

"Kadadating mo lang aalis ka na agad?"
Tanong ni Cent.

"Ito ang binalikan ko dito sa Manila."
Sagot ko habang nag susuklay.

"Handa ka na ba?"
Nag aalalang tanong ni Jed.

"Oo naman, bakit hindi? Asan na nga pala si Dars?"
Tanong ko.

"Pumasok sa school."
Sagot ni Jed.

"Samahan na kita Ate."
Prisinta ni Cent.

"Hindi na, ano bang tingin niyo sa akin? Malaki na ako, kaya ko na."
Sagot ko pero hindi sila nakinig.

-
Pag dating namin sa lugar hindi ko ma iwasang punahin ang ingay. Ayaw ni Lexter ng ma ingay.

Buti na lang pag pasok ko sa loob ay tahimik. Puno ng ilaw ang paligid. Makita ko palang ang malaki niyang larawan, nag badya na agad sa pag tulo ang luha ko.

Na pako ako sa kinatatayuan ko.

"Gusto mo pa bang tumuloy?"
Bulong ni Cent sa gilid ko, sakto sa tenga ko kasi mag kasing tangkad lang kami.

"Tiffany hija?"
Sinalubong ako ng Mama ni Lexter.

"Bakit ngayon ka lang?"
Tanong nito, halos manlumo ako sa narinig ko. Bakit nga ba ngayon lang ako? Sana kagabi pa lang nung mabalitaan ko ay nag punta na agad ako.

"Sorry po tita."
Sagot ko saka yumuko.

"Ano ka ba hija, ayos lang. Nag takha lang ako at bakit ngayon ka lang."
Sabi niya saka hinilia ako, nilingon ko si Cent saka siya tinanguan. Mukhang na intindihan naman niya, kaya umupo siya doon sa gilid.

Habang palapit kami sa kabaong niya ay hindi ko na mapigilang mapa hikbi. Napa hagulhol na lamang ako ng iyak nung makita ko siyang naka higa. Naka ngiti siya at naka pikit. Parang na tutulog lang, pero hindi na magigising pa.

"Yesterday, pag dating niya ay humalik lang siya sa akin. Nag papaalam na pupunta na siya sa show niya. Hindi ko naman alam na ang pa alam na iyon ay wala na palang balikan."
Umiiyak na sabi ni Tita.

LureWhere stories live. Discover now