Tatlumpu

167 5 0
                                    

"Oy girl ha nakakahalata na ako sayo!"
Sabi ni Amanda, binalingan ko naman siya ng tingin.

"Anong ka cute-an na naman yung pinairal mo kanina?"
Tanong niya sa akin, hindi ako sumagot kaya inabala niya yung sarili niya sa binigay ni Boni.

"Cute mo talaga sarap mong pisilin sa pisngi ng may kasamang kuko!"
Dagdag pa niya, natawa naman ako dahil doon.

Tumingin naman ako sa harapan ko na may paper bag. Nag pakawala ako ng isang buntong hininga bago ko napag desisyunang tingnan yung laman.

Hindi ako mayaman para mag inarte at mag sayang ng pagkain. Isa pa alam ko ang hirap ng mga mag sasaka para lang dito.

Ni hindi ko na pinansin yung pagkain. The note that inside the paper bag just make me smile.

'Be mad to me. But don't be mad with food. Eat well.'

Walang kinalaman yung pagkain sa galit ko. Kaya naman nung mag lunch time ay ito na ang kinain ko.

The day went well, so far so good. Kaso na alala kong hanggang bukas pa pala ako dito.

"Are you sure you're okay girl?"
Sabi ni Amanda habang sinusukbit ang bag niya.

"Kailangan."
Sabi ko saka nag kibit balikat.

"Bakit mo kasi sinalo yung shift ni Ria? Di naman kayo close non!"
Pangaral niya sa' kin.

"Bawal ba?"
Tanong ko pabalik.

"Ewan ko sayo!"
Sagot niya.

"Sige ingat."
Paalam ko, kinawayan niya lang ako bago tuluyang lumabas ng hotel.

Umupo muna ako dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala akong ginawa. Buti na lang talaga at andito si Amanda para saluhin yung trabaho ko kanina. Samantalang ngayon ako na lang mag isa.

Paano kaya natagalan ni Ria ang mag isa dito?

When I thought everything was smoothly fine. Saka ko naman nakita si Boni kasama yung lalaki kanina.

Agad na nag tagpo ang aming mga mata. Shock was understatement for him. Tingin ko ay gusto niyang huminto sa pag lalakad pero nag sasalita parin yung kasama niya. Tumingin pa siya sa suot niyang relo bago niya sundan palabas yung kasama niya.

Inabala ko ang sarili ko sa pag sagot ng tawag. Buti na lang hindi ganon ka stressful ang mga tawag unlike sa call center.

Halos kalahating oras ang lumipas bago siya makabalik. Pag pasok niya pa lamang ng hotel ay hinanap niya agad ang mata ko. Diretso ang tingin niya sa akin, bigla kong naramdaman ang pangangatog ng tuhod ko. Pinilit kong ibaling sa iba ang tingin ko.

Ngunit huli na, naramdaman ko ang paninitig niya sa akin. Nasa harapan ko na siya ngayon. Kaya wala akong magawa kundi mag angat ng tingin sa kanya.

Nag buhol ang kaniyang kilay, kasabay ng pag-awang ng kaniyang bibig.

"What exactly are you doing here?"
Tanong nito sa' kin.

"A-ano pa ba? Edi nag tra-trabaho."
Pinilit kong mag tunog maayos kahit na nauutal ako.

"Kumain ka na ba?"
Ngayon ay mas  mahinahong tanong niya.

"Ano bang pake mo?"
Tanong ko saka lumipat sa kabilang gilid.

"Don't be too hard on me Tiffany. I bought you food."
Sabi niya sabay lapag sa harapan ko ng isang paper bag. Hindi katulad kanina mukhang sa isang restaurant na nabili ang isang to.

"At sino naman nag sabi sayong bilhan mo ako niyan?"
Tanong ko sa kanya.

Umiling lamang siya saka ngumiti.

"Are you bored?"
Tanong niya pag tapos eksaminahin ang buong paligid.

Hindi ako sumagot sa halip ay umirap ako.

"Wala ka bang ibang kasama dito?"
Tanong niya pa.

Hindi pa rin ako umimik. Muli siyang ngumiti saka lumakad. Akala ko ay aalis na siya pero umupo lang siya sa may gilid. Nginitian niya ulit ako saka ibinaling ang tingin sa tv na nasa dingding.

"What the?"
Bulong ko saka sinundan ng ilang mura.

Imbis na problemahin ko siya ay napa tingin ako binigay niya sa' kin.

I don't know if should be glad. Ngayong hindi na siya nag tra-trabaho sa bukid saan niya nakukuha yung pang gastos niya?

Bakit nga ba ngayon ko lang naisip to? Ilang araw na rin siyang tumutuloy sa hotel. Come to think of it, kung wala siyang trabaho ang laking gastos non.

Nag pakawala ako ng isang hikab. Pakiramdam ko ang bigat na ng mga mata ko. Wala sa sariling napa tingin ako kay Boni. His eyes are still fixed in the tv.

Mag li-limang oras na siyang naka upo doon. Hanggang sa maka tanggap siya ng tawag. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero kita ko ang frustration sa mukha niya. Nung binaba niya ang tawag ay tumingin siya sa' kin. Hindi agad ako naka iwas ng tingin dahil sa biglaan niyang pag ngiti sa akin.

Ang inosente ng ngiti niya. Hindi ko maiwasang mapakagat sa ibabang labi ko. Nanlalabo ang mata ko, parang ano mang oras ay babagsak ang nag babadyang luha.

Napa iling ako saka umupo para hindi ko siya makita. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging emosyonal.

Darn Boni. Wala siyang ginawang masama sa' kin. Pero puro pasakit yung binibigay ko sa kanya. Wala siyang mali na ginawa, nag mahal lang siya.

Sa loob ng ilang oras na yon laking pasamalat ko dahil kahit papaano ay may mga tumatawag. May iilang guests na dumating at may dalawang nag check out.

Huli na ng mapansin ko si Boni. Ako ang nahihirapan sa posisyon niya. Sigurado akong pag gising niya sasakit ang katawan niya dahil sa pag tulog ng naka upo.

Pasado alas dos na ng gabi nung mapag pasyahan kong lapitan siya. Hindi naman siguro magagalit si Tita Lea kung aalis ako saglit sa pwesto ko.

May pilit na humahaplos sa puso ko dahil sa ginagawa ni Boni. Ngayong nasa malapitan lalo kong napatunayan kung gaano ka inosente ang mukha niya.

Dahan-dahan kong hinaplos yung pisngi niya. Yung pisngi niyang madalas mamula. Nangiti ako dahil sa na isip kong iyon.

"Sana kasi hindi na lang ako yung minahal mo. I'm sorry for luring you."
Bulong ko sa kanya. Kahit yata ilang beses akong humingi ng tawad hindi pa rin ako makokontento.

Bahagya siyang gumalaw, kung kaya napa tuwid ako sa pag ka kaupo.

Unti-unti siyang dumilat. Hindi na ako nag abalang umalis sa kina pwe-pwestuhan ko. Parang napako na ako dito.

"Tiffany..."
Pag tawag niya sa isang masuyong boses.

Malungkot akong ngumiti sa kanya. I'm so lucky to have him.

"Bawal bang matulog dito? Pasensya na."
Sabi niya saka umayos ng upo.

Pasimple pa niyang hinawakan ang gilid ng labi niya. Saka siya namula.

Lureजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें