Dalawampu't isa

185 5 0
                                    

"Sumasakit ulo ko kaka isip."
Singhal ko.

"Nalilito na talaga ako sa nangyayari, nakaka stress. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya!"
Giit ko at napa sipa pa sa batuhan.

Humithit muli ako sa aking sigarilyo saka ako nag buga ulit ng usok.

Napa hawak ako sa labi ko, darn bakit bigla akong kinilig?

"Binitawan niya ako saka niya sasabihing wala siyang pinang hahawakan? Aba!"
Napa iling ako sa inaakto ko.

Nababaliw na nga yata ako, pati mga bato kinaka usap ko. Tumayo na ako saka ko pinagpag ang sarili ko.

Tinapon ko ang sigarilyo ko saka ko ito tinapakan para ma upos. Napa sulyap ako sa langit. Nag liliwanag ito dahil sa mga bitwin. I wonder if Boni's also staring at stars right now. Malabo.

Kaya na pag desisyunan ko ng pumasok sa loob ng bahay.

Kinabukasan tanghali na akong nagising kasi wala naman akong naka takdang gawain.

"Any?"
Pag tawag sa akin ni Kuya pag tapos kong maligo.

"Dumaan kanina dito si Kleo sabi niya pinapa punta ka raw ni Aloa sa kanila."
Sabi ni Kuya na busy sa pag luluto.

"Bakit daw?"
Tanong ko habang pinapa tuyo ko ang buhok ko.

"Birthday daw ng anak niyang si Arlyn."
Sagot naman ni Kuya.

-
"Pasensya na at hindi kita napa sundo, buti na lang na ihatid ka ng Kuya mo."
Sabi ni Aloa habang nag lalapag ng pagkain para sa akin.

"Ang dami naman niya."
Puna ko.

"Ano ka ba, mag paka busog ka lang. Saglit lang ha? Asikasuhin ko muna yung mga bata."
Paalam niya.

"Sige sige, I can handle myself."
Sabi ko sa kanya.

Pinag masdan ko ang paligid. Andaming mga bata, mga ka edad ni Arlyn.

"Arlyn!"
Pag tawag ko dito, naka ngiti naman siyang lumapit.

"Happy Birthday! How old are you na?"
Sabi ko dito sabay abot ng regalong binili ko kanina. Buti na lang may alam si Kuyang bilihan.

"Thank you po! I'm seven years old na po!"
Naka ngiti nitong sabi, yung ngiting nawawala yung mata.

Nginitian ko naman siya pabalik. Then I tap her head.

"Be a good girl ha? Sige na mag laro ka na."

Tahimik akong kumakain habang pinapanood ang mga batang nag lalaro. Hanggang sa pumasok sa loob ng bahay ang naka ngiting si Boni. Habang sa tagiliran niya ay si Althea. Na naka takip pa ang bibig dahil mahinang tumatawa.

What a view.

Tinuloy ko ang pagkain ko at hindi na ako nag abalang tingnan sila. Hanggang sa maramdaman kong may umupo sa gilid ko.

"Sige you can go, puntahan mo na si Ate Aloa."
Sabi nito kay Boni.

"Can I sit?"
She asked nung makaalis na yung kausap niya.

"Sure, hindi naman sa akin yan. And what can I do? Naka upo ka na."
Sagot ko, hirap na hirap akong hindi siya maging tunog sarcasm.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Hanggang sa pinili niyang basagin ito.

"Pwede ko na bang kuhanin si Pzeo?"
Kung pwede lang malaglag ang panga ay nalaglag na ng literal ang sa akin.

Hindi ko maiwasang tingnan siya diretso sa mata. Seryoso siyang naka tingin sa akin.

LureWhere stories live. Discover now