Panganim

240 4 0
                                    

"I didn't know the word near for you ay ka baliktaran ng real meaning."
Angil ko rito.

"Sa umpisa lang malayo, pero pag nasanay ka na ay madali na lang 'yan."
Naka ngiti niyang sabi.

"Hays oo na."
Sagot ko, sakit na ng paa ko, eh.

"Nandito na tayo."
Sabi niya saka kami huminto sa tapat ng isang bahay.

It's a peach bungalow, na may isang garden. Kita mo agad kasi maliit lang yung gate. Andaming flowers with different types. Sobrang calming nung place.

"Bahay niyo?"
Mabilis na tanong ko.

"Oo eh, pag pasensyahan mo na kung hindi malaki. Tara pasok ka."
Sabi niya, kaya naman sinundan ko siya pag pasok niya ng gate.

Mas maganda pala sa malapitan yung mga bulaklak. Ang kukulay, parang nasa flower shop ako. Umaliwalas sa paningin ko, puro kasi berdeng palayan yung nadaanan namin.

Pag pasok namin sa loob ng bahay sobrang linis. Yung mga medals naka sabit sa dingdig, pantay-pantay pa sila. May mga trophies sa isang manipis at mahabang mesa. May mga sash din, pang beauty queen?

"Upo ka muna diyan Tiffany, mag bibihis lang ako."
Nahihiyang sabi ni Boni, tumango naman ako saka umupo sa sofa.

Habang wala pa si Boni ay nilibang ko ang sarili ko sa pag tingin. May mga pictures na naka-frame, kahit mga certificates naka-frame. Ang ganda paring tingnan, hindi siya magulo sobrang ayos.

"Eh, naman, eh!"
Lumabas ang isang singkit na bata mula sa katabing pinto na pinasukan ni Boni.

"Arlyn 'wag ng makulit okay?"
May isa pang lumabas mula sa kwarto na iyon. Isang maputing babae na matangkad at may kahabaan ang buhok.

Mukhang hindi pa nila na papansin ang presensya ko. Kaya umubo ako ng peke.

"Hi! Sino ka?"
Nagulat ako sa mabilis na response nung bata.

"Uhm sorry, bisita ka ba ni-?"
Nahihiyang tanong nung magandang babae sa akin.

"Boni po, bisita po ni Boni."
Sabi ko saka ngumiti.

"Ah gusto mo ba ng makakain? Ay wala pa pala kaming pagkain. Nakakahiya naman sa'yo."
Sunod-sunod na sabi nung magandang babae in a timid manner.

"Hindi ayos lang ako."
Sagot ko naman sa kanya.

"Ano ka niya? Nililigawan ka ba?"
Nabaling ang tingin ko dun sa maliit na bata, ang ganda niya chinita.

"We're friends."
Mabilis kong sagot.

"Sayang naman."
Sabi nito at ngumuso.

"Bakit naman?"
I said then fake a laugh.

"Maganda ka, saka parang ngayon lang kita nakita."
Nag tatakha nitong sabi.

"Ah, kauuwi ko lang kasi dito."
Sagot ko.

"Pag pasensyahan mo na itong si Arlyn ha medyo madaldal talaga kasi."
Nahihiyang sabi nung magandang babae.

"Ayos lang."
Sagot ko.

Ano kaya ni Boni tong mga to? Pinsan?

"Siya nga pala ako si Aloa, ate ni Boni."
Sabi nito at ngumiti ng matamis.

Darn, ate niya ito? Sobrang ganda. Siguro sa kanya yung sash at ibang trophies na pang beauty queen.

"Wow, parang mas Kuya pa ang dating sa inyo ni Boni."
Natatawang sabi ko, pero siya humagikhik lang ng naka takip ang bibig. Ang hinhin niya lang grabe.

LureDonde viven las historias. Descúbrelo ahora