Dalawampu't anim

150 5 0
                                    

"First time mo bang mag trabaho sa hotel?"
Tanong ni Amanda.

"Uh yes."
Sagot ko naman.

"Akong bahala sayo i a-assist kita. Pero don't worry wala pa naman akong na encountered na makulit na guests. Diba ganon yung sa call center?"
Sunod-sunod na sabi nito.

Obviously hindi ako matutuyuan ng laway dito. She's so talkative. Halos ma kwento niya na kahapon ang buong buhay niya sa akin.

"Oo ganon nga, nakaka stress."
Sabi ko naman.

"Konti lang nag pa pa book dito. Di naman kasi kilala yung hotel natin."
Bulong niya sa akin.

"Mukha nga."
Sagot ko habang ine-eksamina ang mga dumadaan sa lobby.

"Pamangkin ka ba ni Ma'am Lea?"
Tanong niya.

"Nope, ex ako ng anak niya."
I said as a matter-of-fact.

Kumorteng 'O' naman ang nguso niya saka lalong lumapit sa akin.

"Yun bang namatay?"
Mas mahinang bulong niya, tumango naman ako bilang sagot.

"Girlfriend ka ba niya nung namatay siya?"
She asked waiting for me to spill gossips.

"We broke up before he died."
Sagot ko sa kanya.

"Bakit kayo nag break? Nag loko ka ba o siya? Paano?"
Amanda ask.

"You sound so pretty, when you're not talking."
Sabi ko saka tipid na ngumiti sa kanya.

Aangal pa sana siya kaso may dumating na mukhang mag che-check in.

Sinusundan ba talaga niya ako? Halos malusaw ako sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ang papalapit. Lalo yatang lumakas ang dating niya. Sa loob lang ng ilang araw nagawa niya yon?

"Ang sarap mag mura girl, bakit ang gwapo niyan? Sana mag check in talaga."
Mumunting bulong ni Amanda sa akin.

No, sana hindi mag check in.

Naka simpleng plain t-shirt lang siya at pants pero nag susumigaw ng kakisigan. Yumayakap sa katawan niya ang suot niya kaya naman mas na dedepina ito.

"Good day, welcome to our hotel. How can I help you Sir?"
Tanong ni Amanda dito.

"Good morning too."
Sagot niya kay Amanda. Saka niya ako binalingan ng tingin.

"I have a reservation for today."
Dagdag niya at di nag bibitaw ng titig sa akin.

"May I have your name, please?"
Tanong ni Amanda.

Hindi niya ba alam na kabastusan ang ginagawa niya? Kinakausap siya ng tao tapos sakin siya naka tingin.

"With all my respect Sir Boni sana kung sino ang kumakausap sayo doon ka tumingin."
Walang halo ng sarkastiko na sabi ko.

"I'm sorry."
Maagap niyang sabi na ikinapula niya.

"As you are saying again Miss?"
Tanong ni Boni na nakabaling na kay Amanda.

"M-may I have your name Sir?"
Halos ma utal na tanong ni Amanda at mukhang dipa nakaka bawi. Mula sa presensya ni Boni.

"It's Pzeo Bonifacio."
Sagot nito, mabilis namang tumipa si Amanda sa keyboard.

"Okay Mr. Bonifacio according to our records a room for two guests was booked under your name."
Sabi ni Amanda.

"Yes."

Ang gwapo niya sa malapitan. Ilang beses ko na siyang natitigan ng malapitan pero ang lakas pa rin ng epekto sa akin. Is that even possible?

"We have your room ready Mr. Bonifacio. It's on the fifth floor, your room number is 503. Here is your keycard. The porter will help you."
Sabi ni Amanda saka inabot ang keycard.

"Thank you miss."
Tanong ni Boni.

"Enjoy your stay Sir."
Mabilis na sagot ni Amanda.

Nung mawala na sa paningin namin si Boni ay impit na tumuli si Amanda.

"Ang gwapo! Wait girl paano mo nakilala si Sir pogi?"
Tanong niya sa akin, hindi agad ako naka sagot sa kaniya.

"Artista ba siya? Ang gwapo talaga!"
Napa tango na lang ako, dahil mukhang wala na akong ibang lusot.

Kapag sinabi ko sa kanya kung ano ko si Boni baka di niya ako tigilan. Ano ko nga pala si Boni? Wala naman e.

"Artista? Talaga? Mag pa paka fangirl talaga ako sa kanya!"
Na iling na lang ako sa inaakto niya.

Halos lutang ako mag hapon. Tatatlong guests nga lang ang na handle ko dahil lagi akong sinasalo ni Amanda. I don't want to assume pero ano bang ginagawa ni Boni dito sa Manila?

"Sige ma una na ako, bukas na lang ulit."
Sabi ko kay Amanda saka ko sinukbit ang aking shoulder bag.

"Say hi to traffic na naman ako, buti ka pa girl pa eleve-elevator lang."
Natawa naman ako sa sinabi ni Amanda.

Dumiretso na ako sa elevator dahil tapos na ang shift namin para ngayong araw. Minasahe ko ang binti ko sa loob ng elevator dahil ako lang naman ang tao. Nangawit yata ang binti ko dahil sa pag tayo ng matagal. Kahapon ang likod ko dahil sa matagal na pagka upo. Darn tumatanda na ata talaga ako.

Nung marating ko na ang floor ko ay kulang na lang gumapang ako papunta sa room ko.

"Asan na ba yang keycard na yan?"
I said in frustration habang kinakalkal ang bag ko.

Napapa padyak pa ako sa pintuan dahil sa inis asan na ba yon. Nag pakawala ako ng mabigat na buntong hininga nung ma alala kong nilagay ko nga pala sa bulsa ko.

Room 504 here I come!

Naligo muna ako saka ko hinayaan ang sarili ko na lamunin ng antok.

"Bakit parang ang bitin ng tulog ko?"
Tanong ko sa sarili ko. Pag labas ko ng hotel room ko.

Sakto naman para mabalingan ko ng tingin ang katabi kong kwarto.

"Mayap a abak."
Naka ngiti nitong sabi saka dumiretso sa elevator.

Saan ang punta niya? Bakit parang iba na siya manamit? Hindi ko siya nabati pabalik dahil sa pagka bigla.

Katabi ko lang pala siya ng kwarto? Darn, bakit diko nalaman agad? Mabilis akong pumasok sa elevator bago ito mag sara.

Nginitian niya lang ako ulit pag pasok ko sa loob nito. Tapos para na lang akong hangin na hindi niya pinansin.

Hanggang sa marating na namin ang ground floor para parin akong lutang. Kung hindi pa ako nasanggi nung isa kong katabi ay di ako kikilos.

Na una siyang makalabas sa elevator. At nung makalabas na rin ako ay sinundan ko siya ng tingin. Dire-diretso siyang lumabas ng hotel.

"Okay, what was that Tiffany?"
Bulong ko sa sarili ko.

Parang may mali kay Boni. Mali, may mali talaga kay Boni. O sadyang naninibago lang ako sa presensya niya?

"Good morning girl."
Bati ni Amanda sa akin.

"Good morning rin, katabi ko pala ng room si Sir Boni?"
Tanong ko dito habang minamasahe ang aking leeg.

"Ang swerte mo nga e!"
Kinikilig na sabi nito.

"Alam mo? Tapos di mo man lang sinabi sa akin."
Singhal ko rito.

"Hindi ka naman nag tanong, saka malay ko bang dika nakikinig nung nag check siya kahapon."
Paliwanag niya, napa iling na lamang ako. May magagawa pa ba ako? Eh nandiyan na yan.

"Uy ikaw girl ha, dimo naman sinabi fan ka na rin pala niya!"
Sabi ni Amanda saka humalakhak, napa ngiwi naman ako dahil sa tugon niyang iyon.

"Diba room for two yung kwarto niya?"
Nag tatakha kong tanong.

"Oo, pero hindi ko pa nakikita yung kasama niya."
Sabi ni Amanda saka bumalik sa trabaho.

Sinong kasama niya doon?

LureNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ