Labing-siyam

165 5 0
                                    

Tinapakan ko ang sigarilyo ko hanggang sa ma upos na ito.

"Asan na yung phone mo?"
Bungad sa akin ni Dars saka nilapag ang school bag niya.

"Ha? Bakit?"
Takhang tanong ko.

"Tumawag sa akin si Kuya Teo, kanina ka pa raw niya tinatawagan dika sumasagot. Nag aalala na yun sayo."
Sagot niya.

Agad kong hinagilap ang phone ko. Text messages and missed calls flooded my phone. Lahat galing kay Kuya Teo.

"May load ka ba Dars? Pa text naman ako."
Tanong ko pero huli na dahil nag vibrate naman ang phone ko.

"Hello Kuya?"
Salubong ko.

"Bakit hindi ka sumasagot Any? Sorry sa istorbo pero kailan ka ba uuwi? Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko."
Frustrated na sabi ni Kuya mula sa kabilang linya.

"Bakit? Anong nangyayari Kuya?"
Tanong ko dito.

"Si Ate Eva mo kasi nag la-labor na! Natawagan ko pa ng wala sa oras si Tita Tina. Nag pa-panick na nga rin siya. Umuwi ka na Any."
Nag susumamong sabi niya.

"Chill Kuya, hindi naman ako pwedeng umuwi agad-agad. Kaya baka bukas pa ako makarating diyan. For now you should calm yourself. Saka sa lahat ng tatawagan mo si Tita Tina pa."
I said.

"Hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko. Lalong ayoko namang tawagan ang pamilya ng Ate Eva mo."
Sagot nito saka nag pakawala ng mabigat na buntong hininga.

Kinagabihan agad akong nag paalam kila Jed na babalik na akong Pampanga bukas. Gusto pa nga sana nilang sumama kaso may mga pasok sila. Lalo na siya, bawal umabsent sa trabaho.

Malalim na ang gabi at hindi pa rin ako maka tulog. Siguro sa biyahe na lang ako matutulog bukas.

Ibinuga ko ang usok ng aking sigarilyo. Damn, I'm so stress this past few days.

Hindi ko pa rin lubos na ma isip yung nangyari kay Lexter. Ang laking pasabog non sakin. Mahal na mahal ko yun e, oo nga't nakipag hiwalay ako. Pero hindi naman ganon kadaling mawala yung love.

Kaya nga rin siguro hindi ko magawang tanggapin yung ino-offer na love ni Boni. Mahirap ng sumugal sa pag-ibig basta basta. Lalong mahirap turuan ang puso na mag mahal. Ang unfair ko naman kung ganon. His giving me pure love habang ako hindi pa tapos mag mahal ng iba.

Everyone can fall for Boni specially with his charm. Oo nga't malandi ako at tumitingin sa appearance. I'll admit it. I'm really attracted to Boni's looks, pero hindi ibig sabihin non mahal ko na siya.

Siguro hindi pa ngayon, hindi pa kasi kaya ng puso ko.

Madaling araw pa lang ay gising na si Jed para ihatid ako sa terminal.

"Ingat ka Tiffany, pag balik mo dito sa amin kana tumira."
Sabi niya habang binababa ang bagahe ko sa taxi.

"Ayan ka naman."
Sagot ko sa kanya.

"Ang laki ng apartment para sa aming tatlo. Para ka naman ibang tao niyan."
Seryoso nitong sabi.

"Wag mo munang problemahin yung titirhan ko matagal pa iyon."
Natatawa kong sabi.

"Mabilis lang yung dalawang buwan."
Balik na sagot naman niya.

"Hala siya sige na, ingat na lang kayo diyan. Sasakay na ako baka ma abutan pa ako ng traffic."
Paalam ko sa kanya.

-

"Akala ko ba nag le-labor na?"
Bulong na tanong ko kay Teo.

"Oo nga."
Mahinang sagot niya.

LureWhere stories live. Discover now