Tatlumpu't dalawa

164 5 0
                                    

"Bakit ang hirap gumising..."
Singhal ko at kaliwa't kanang umunat kahit naka higa pa.

Pasado alas onse na ng umaga at kailangan ko na talagang bumangon. Naligo ako saka bumaba ng hotel. Nakalimutan ko kasing isaoli kahapon yung tsinelas niya na hiniram ko. Sobrang sakit ng paa ko, hindi ko na kayang mag lakad ng naka heels.

But I didn't expect to see Boni in the lobby. Agad siyang tumayo ng makita ako. Ako naman ay mabilis na pinuntahan si Amanda.

"Tsinelas mo Amanda, salamat."
Sabi ko sabay abot nito.

"Kanina ka pa hinihintay ni Sir."
Bulong nito saka ngumuso sa likuran ko. Kaya naman na pa lingon ako.

"Tara na?"
Tanong nito saka ngumiti.

"A-anong tara na?"
Nag tatakha kong tanong.

"Diba akin ang day off mo?"
Then the realization hit me.

"Marami kang utang na paliwanag sa' kin."
Muling bulong ni Amanda sa likuran ko.

"Hindi ko naman akalaing seryoso ka pala doon."
Sagot ko saka tumawa ng peke para maibsan ang kaba.

"Tara na Tiffany."
Pag tawag niyang muli kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.

"Sorry for waiting Ron."
Agad na sabi ni Boni pag sakay namin sa isang asul na kotse.

Medyo namukhaan ko yung lalaking nasa driver seat. Siya yung lalaki nung nakaraang araw.

"Ipakilala mo naman ako sa kasama mo."
Sagot nung Ron, hindi ko makita ang reaksyon ni Boni dahil doon siya naka upo sa harapan katabi ni Ron.

"I'd like you to meet Ron, Tiffany. And Ron this is Tiffany, and she's off limits."
Sabi naman ni Boni, isang halakhak ang naitugon ni Ron dito.

Naging mabagal ang biyahe namin kahit na malapit lang pala ang lugar. Matapos naming malagpasan ang umaatikabong traffic sa España Boulevard. Narating namin ang isang modernesadong building.
Halos lahat ng makakasalubong namin sa loob ng building ay hindi ko maipagkailang may kakaibang aura. May grupo ng teenagers kaming nakasakay sa elevator. Tahimik sila at mukhang tensyonado. Pero lahat sila ay nakapustura.

I wonder why are we here? Dito ko ba uubusin ang buong araw ng day off ko?

Bumukas ang elevator hudyat andun na sila sa floor nila. Kahit na silip lang ang nakita ko sa floor nila hindi ko maiwasang ma pa taas ng kilay. Ang ingay kasi, tapos kabilaan pa ang mga teenagers na dumadaan. Anong meron?

Pag dating namin sa ika labing anim na palapag ay lumabas na kami. Hindi kagaya nung nasa una tahimik dito. Kaya naman tahimik rin akong naka sunod kay Boni at Ron.

Pumasok kami sa isang puting kwarto. Doon ko naramdaman ang mumunting bulungan. Maraming naka palibot na tao sa buong kwarto. The room was dim, umaayon sa suot ng mga tao dito. They are wearing dark color of clothes. They are wearing classy clothes. Agad akong na patingin sa suot ko.

Darn, mangingibabaw talaga ako dito. Bukod sa naka suot ako ng yellow na ang sakit sa mata. Naka tsinelas pa ako. Malay ko bang mapupunta ako dito.

Agad na may lumapit sa amin pag pasok ng kwarto.

"Excuse me? Ready ka na ba?"
Sabi ng babae kay Boni.

She have pale skin and petite body. I'm guessing that she's one of the staff dahil sa suot niyang malaking ID.

"Uh yes."
Sagot nito sa babae.

"Sige pumwesto ka na doon, any minute from now mag sisimula na."
Sabi ng babae saka umalis.

"Tiffany this is my job."
Boni said in a low tone kaya naman tiningnan ko siya.

"See? I have a work."
Natatawa nitong sabi.

Kaya muli ay nilibot ko ang aking tingin sa paligid. May malaking screen sa gilid. May mga naka upo sa gilid bandang harap. They look so intimidating. At halos lahat ng tao sa loob ng kwarto masasabi mong may itsura.

"You can wait for me here."
Sabi niya saka ako iginaya sa maayos na pwesto.

Saka pumunta si Boni sa kumpulan ng matatangkad na babae at lalaki. Kung hindi ako nag kakamali ay may anim na lalaki at lima na babae ang nasa gitna.

Nung kumpleto na sila sa harap saka bumukas ang kaliwa't-kanang ilaw. Naka tutok ito sa kanila.

"Is that Marga?"
Gulat kong tanong.

"Yes, ganda no?"
Sabi naman nung katabi ko. Napatingin naman ako dito. Isa rin pala sa staff.

Wala sa sariling tumango ako.

So Boni is a model. Wala namang kaso dahil para sa' kin siya yata ang pinaka gwapo sa mga modelong naroon.

Sunod-sunod ang flash ng camera.

"Good shot!"
Sabi ng lalaking kumukuha ng letrato.

Una silang kinuhanan bilang grupo. Habang tinitingnan ko si Boni na makihalo sa mga kasamahan niya hindi ko maiwasang mamangha. Ang galing niyang makipag sabayan. Parang matagal na siyang nag momodelo.

Sumunod ay kailangan may kapareha. Huling sumabak sila Boni. Kasama niya si Marga at isa pang lalaki. Mukhang kinulang sila ng babae kaya nag tatlo sila Boni.

Hindi ko maiwasang mapa tayo nung sila na ang kinukuhanan.

"Great Marga! Pzeo konting lapit!"
Anang photographer.

Kitang-kita ko kung paano ilingkis ni Marga ang kamay niya kay Boni. Halos hindi na nga siya humarap doon sa isang lalaki. Hawak siya ni Boni sa may bewang samantalang ang kamay ni Marga ay lumilibot kung saan-saan.

Oh I can't watch this anymore. Sapat na yung pag ubos ko ng isang oras sa panonood. Tumayo ako at muling sinulyapan sila Boni. Nagulat ako dahil naka tingin na siya sa' kin. I gesture him the door and myself. Then I mouthed that I'm going. Kumunot ang noo niya dahil doon.

Kaya naman minabuti kong umalis agad. Nararamdaman kong may mangyayaring hindi maganda kung nagkataon.

Agad kong binuksan ang pintuan pero bago ako tuluyang makalabas may narinig akong sigaw. Sinasabi ko na nga ba.

"Where are you going Pzeo!?"

LureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon