Pangsiyam

204 5 0
                                    

Natapos ang laro nila Boni, na nai-panalo sila. Na siyang lamang lang ng dalawang puntos, na halos ubusin nila ang buong lakas nila sa laro. Halos ma dismaya ako nung makita ko yung premyo nila. Dalawang bote ng malaking soft drinks at limang ice tubig ang premyo nila.

"Next time ulit pre!"
Sabi nung ka grupo ni Riell kay Ador.

But to be fair, sports naman silang lahat sa result nung game.

"Andyan ka pala Tiffany!"
Naka ngiting bati sa akin ni Boni.

"Obviously."
Halos mapa irap ako sa harapan niya.

He didn't notice me because the whole time he was focused on the game. Kung hindi man ay ang sinusulyapan niya lang ng tingin ay ang bruhang si Alicia.

"Gusto mo ulit mag perya mamaya?"
Tanong niya sa akin.

"No thanks, marami pa akong gagawin."
Sagot ko sa kanya saka tumayo.

"Pano Karylle una na ako? pinag bigyan lang talaga kitang samahan ngayong araw."
Baling ko dito.

"Ah ganun ba ate? sabay na po ako sayo."
Sabi niya at tumayo na rin.

"Sige Boni."
Sabi ko at nilagpasan siya.

"S-sige, ingat ha."

Medyo na guilty ako sa inasal ko. Pero nung mga ilang hakbang na ang layo namin sa kanya ay nilingon ko siya. Na sana hindi ko na lang pala ginawa. Pano ba naman, naka lingkis na sa kanya si Alicia.

Mag sama sila, kala nama
n talaga may pake ako.

-

"Ang tagal mo naman Any!"
Hindi pa ako tuluyan nakaka pasok sa bakuna ng bahay ay tinawag na agad ako ni Kuya.

"Nag paalam ako diba?"
Sabi ko at tinawid ang aming distansya.

"Oo nga kaso nandito yung mga organizers para sa fiesta."
Sabi nito at inakbayan ako papasok sa loob.

"Anong kinalaman ko don?"
Tanong ko at nag simulang mag hinuha ng kung ano-ano.

"Mayap a bengi!"
(Magandang gabi!)
Sabi nung baklang katabi ni Ate Eva.

I just nod at him then scan the receiving area. May dalawa pang naroon, isang babaeng may katandaan na pero pusturang-pustura. At isang sa tantya ko ay ka edad kong babae na may suot na eye glasses.

"Kalagu na pala Teo! Ali mu naman sinabi, ika naman!"
(Ang ganda pala niya Teo! Hindi mo sinabi, ikaw naman!)
Napa ngiwi ako sa sinabi nung may katandaan babae.

"Can anyone enlighten me?"
Singit ko sa usapan nila.

"Lukluk ka pamo keni!"
(Umupo ka muna dito!)
The old woman said, saka niya siniksik yung katabi niyang babae para magka space.

"Uh, no thanks."
I answer, I can handle myself. Mukhang kulang pa sa kanila yung upuan.

"Ah Any, nag punta kasi dito sila Jc..."
Maagap na sabi ni kuya Teo sabay baling dun sa bakla.

"Para isama ka sa list of participants gaganaping sagala for the fiesta."
Mabilis na sabi ni Kuya Teo.

"No, seriously guys ako talaga? madami namang iba diyan. I'm too old for that thing."
I said as a matter-of-fact.

I can't imagine myself wearing those muggy gowns, and wave with a smile plastered in my face the whole day. What the hell right?

"Ano ka ba naman girl!" Sabi nung Jc daw sabay pakawala ng pekeng tawa. "Anong too old for that? walang pinipili yon" Dagdag niya pa saka ngumiti sa akin.

LureDove le storie prendono vita. Scoprilo ora